CH.41

19 1 0
                                    


MINKYU'S POV

After nung chat nayun di niya ako pinansin bigla, kahit pa nung mismong araw na yun, iniwan niya ako at iniwasan kahit pa nasa harap na ako ng bahay nila nun, naglakad siya magisa tas kahit tawagin ko siya hawakan at sundan wala effect di parin ako pinapansin yung tipong hangin lang ako ganto ganya.

Sa totoo lang pangatlong araw na na hindi niya ako pinapansin, katabi ko pa yan sa upuan pero parang bakante yung upuan ko sa pagiwas niya.

Napapatingin na lang din mga kaklase ko dahil imbes na blangkong mukha, ang nakapinta sa buong mukha niya ay pagkairita na may halong lungkot.

Pati yung buong tropa natatahimik nalang di lang sa totoong buhay pati narin sa GC namin. Kahit sila nanibago sa bagong energy na dala ni Crystal sa room. Kung dati nabibiro biro mo siya ngayun wala na talaga.

Pag pumapasok siya sa room natatahinmik lahat, tas pag may meeting kami kahit yung pinakamaingay naming kasama napapatikom ng bibig. Tas ang masaklap pa sa lahat nan eh ang halos pinapansin lang niya ay si Steven.

Di naman sa pinapansing may kasamang usap at tawanan hanggang tingin lang si Crystal sa mga sinasabi niya

Ngayun nandito kami sa canteen, naguusap usap sila tungkol kay Crystal habang ako nakasalumbaba lang na di ko alam kung nakikinig ba ako o hindi.

"Kyu!" Sigaw ni Jinhyuk, sabi na di ako nakikinig eh

"Alam mo di naman pedeng ganto tayo araw araw, wala nagchachat sa GC tahimik lahat, kulang nalang buong school na ang tumahimik, tas di pa nagshashare si Crystal sa kuya niya at ang higit pa sa lahat ang halos pinapansin lang niya ay si Steven" pagsasaad ni Jinhyuk

"Dagdag mo pa yung past nila tas ganun ganun lang bigla pakikitingo niya kay Steven" sabi ni Wooseok sabay subo ng fries

"Ano ba kasi talaga ginawa mo hyung?" Tanong ni Donghyun

"Oh ayan na yung profesional match maker, oh Kaya mo yan Donghyun ha" singit ni Yuvin

"Tama si kuya Donghyun ano ba sinabi mo at ano huling ginawa mo sakanya" tanong ni Jinwoo

Napaisip ako bigla sa mga tanong nila at napatingin nalang ako sa phone ko, napatingin din sila sabay nagtinginan kaming lahat

"Di naman siguro masama kung titignan diba?" Tanong ni Hyeongjun at tumango ako

Binuksan ko ang phone ko at nagpunta sa chat head naming dalawa. Ramdam ko yung lamig ng convo namin puta.

Inabot ko kay Donghyun yung phone at nagkumpulan sila para makita ang gusto nila makita

"Uso mag backread, di ka pa ba nagbabackread kuya?" Tanong niya at humindi naman ako

Nagsimula siyang mag scroll down dun sa convo hangganh sa lumaki ang mga mata niya, at ang iba ay napatingin sakin

"Hyung...." sabi niya kaya napafocus ako sakanya bago niya hinarap sakin ang phone ko at dun ko nakita yung mga ingchat ni Crystal na hindi

Smile ||Kim Minkyu Fanfic||Where stories live. Discover now