CH. 13

25 2 0
                                    

MINKYU'S POV

Matpos ang ilang subject namin ay nagdecide na ako na pumunta sa kung saan kami magmemeeting mga smile club officers, nilapitan ko sila Yohan, Wooseok, at Jinhyuk na nasa isang gilid nagtatawanan

"Tara na?" tanong ko sa kanila "San?" tanong naman ni Jinhyuk, pero bago pa ako makapagsalita eto na sila Yohan at Wooseok

"San pres, sa kasal niyo ni Crystal? Sabi ni Wooseok

"Oh baka naman papasama ka hahanap ng flowers" dagdag ni Yohan

Imbes na sigawan sila binatukan ko silang dalawa bago nagsalita "Meeting po, mga ulol" sabi ko habang silang dalawa naman ay marahang hinahaplos ang kanilang batok

"Sabi ko nga pres tara na" sabi ni Yohan ngunit di ko na siya pinansin

"Crystal, tara na?" mahinahong tawag ko sakanya, binaba niya ang kanyang libro at nilagay ito sa bag niya bago tumayo "Tara" sabi niya

"Luh san punta niyong dalawa?" tanong ng mga kaklase namin at napabuntong hininga nalamang kami ni Crystal

"Di lang kaming dalawa, may tatlo pa kaya tumahimik kayo" sabi ni Crystal at mukhang natauhan naman silang lahat

Lumabas na kaming 5 at pumunta sa library, pagpunta namin dun, ay nandoon narin ang iba, naupo na sila Crystal, Wooseok, Yohan, at Jinhyuk samantalang ako naman ay pumunta na sa harap at nagsimulang ipaliwanag sakanila ang mga napagmeetingan sa leadership program ganun ganun, nagusap usap narin kami about sa booths and platforms, after that tinapos ko na ang meeting

Pero imbes na bumalik na sila sa klase nila nakuha pang mangasar nitong mga gago

"Uy pres, balita ko nafall ka daw?" bulong ni Hyeongjun habang inaayos k ang ibang mga upuan "Tsismoso" sabi ko naman

"Pres hindi yun tsismis, issue yun" sabi naman Ni Donghyun

"Dami mo alam" sabi ko bago lumakad papunta kay Crystal at sabay na kaming bumalik sa klase

MEANWHILE AT THE CRUSTY CRAB CHAROT, MEANWHILE LANG

"Luh dami daw natin alam, eh halatang halata naman siya" Sabi ni Donghyun kay Hyeongjun na sumangayon naman sa kanay

"Yang si Pres kailangan ng matauhan" Singit ni Jinwoo sa dalawang naguusap

"Tama si Jinwoo, yang si pres masyadong Torpe eh" sabi naman ni Hyeongjun

"Pero ano gagawin natin?" tanong ni Donghyun

"Sure naman ako na nafall na si pres eh, takot lang umamin sa sarili na nafall na talaga siya" Pagpapaliwanag ni Jinwoo at nagulat naman ang dalawang mas matanda sakanya

"Diba parang masyado ka pang bata para malaman yan?" tanong ni Hyeongjun

"Ilang buwan lang naman po tinanda mo sakin" bawi ni Jinwoo

"Tama na nga yan, tara na pagalitan pa tayo" pagyaya naman bi Donghyun

Pagkatapos nun ay bmalik na ang tatlo sa sarili nilang klase

____________________________

At ayun na nga guys, maghiahiatus muna ako in this story, dahil sa madami pa akong ginagawa at meroon pa akong 1 book na ginagawa at 2 book na susunod, natatambakan na ang aking mga ginagawa kaya i decided na mag hiatus muna sa story kong ito, i'll make sure to finish all my books and come back at January, para matapos ang librong ito


Wala sanang malungkot kasi pagbalik ko meron pang kasamang Kim Wooseok Epistolary


Yun lamang po at sana ay maantay niyo pa ako 

Smile ||Kim Minkyu Fanfic||Where stories live. Discover now