Yohan's POV
So ngayun may meeting kami, at akala namin sabay papasok si Minkyu at Crystal pero puta hindi. Kung kelan akala naming nagkakamabutihan na sila aba pumasok si Minkyu sa room bigla na parang namatayan at madaming iniisip.
Wala pang isang minuto at pumasok din si Crystal na parang may hinahanap
"May hinahanap ka?" Tanong ni Wooseok na nakaupo sa tabi ko
"Si Minkyu?" Tanong niya saamin
"Sa tangkad niya di mo siya nakita? Ayun siya sa likod" sabi ni Jinhyuk kaya pumunta si Crystal sa likod
Sinundan namin sila ng tingin at mukhang di sila okay, kasi may pa walk out si pres.
Lumabas ng room at tinignan lang siya ni Crystal with her signature plain face
"LQ?" Tanong ni Wooseok kaya siniko ko siya para manahimik siya
"Alam mo sundan mo nalang, wala pa namang ibang tao dito maliban saatin eh, dali na" sabi ko at tumango nalang siya bago lumabas ng room
"LQ sila pre?" Tanong ni Jinhyuk saakin
"May narinig lang kasi kami kanina at ayan nagmukmok na" paliwanag ko at huminga nalang silang dalawa ng malalim
YOU ARE READING
Smile ||Kim Minkyu Fanfic||
Fanfiction"How much long should I wait?" "Wait for what?" "To see you smile..........."