MINKYU'S POV
Kakatapos lang ng isa nanamang araw sa school at agad akong pumunta sa kwarto ko, binaba ko ang bag ko sa kama at nagpalit ng damit sabay suot narin nung salamin ko, wala naming assignment or defense para bukas kaya ang gagawin ko ngayun ay ang action plan, na kailangang mapirmahan ng principal at dapat maisort at maplano ng mabuti
Nilatag ko ang sandamakmak ng papel sa desk ko at umupo, tinignan ko muna ang mga ito bago magsimulang magtrabaho uli, habang inaayos ko ang mga papel na inistapler ni Jinwoo kanina, may papel na biglang nahulog mula sa mga ito na mistulang inipit sa gitna ng mga papel, nung una ay hinayaan ko nalang ito at inisip na ibabalik ko nalang yun kay Jinwoo bukas pero nung mga papel na Pinasulatan ko kay Donghyun na ang aayusin ko ay may nakita akong sticky note at binasa ko ito
"CrysKyu lang malakas?" basa ko dito at di ko inaasahang napangiti ako ng simpleng note na ito, dahil doon di ko kinaya at kinuha ang papel na nahulog kanina. Binuklat ko ito at nakitang naguusap pla silang tatlo kanina ng patago, mga batang ito talaga, isa isa ko itong binasa at matatawa ka nalang talaga, patuloy ko itong binasa hanggang sa may isang sentence na di ko kinaya
"He didn't realize it from the start, and even today. Even so alam kong He'll realize it soon, but I am sure he won't realize it late" binasa ko ito at base sa nakita k okay Donghyun ang sulat na toh, binaba ko ang papel
"Iba din talaga yung tatlong yun" Sabi ko saaking saril bago ngumiti at pinagpatuloy ang aking pagaayos ng mga papel
Makalipas ang ilang oras, ay napahinto nalang ako ng may naisip ako
"He didn't realize it from the start, and even today. Even so alam kong he'll realize it soon, but I am sure he won't realize it late" inulit ko yung mga binasa ko kanina and surprisingly saulo ko pa siya, binaba ko ang ballpen na hawak ko at tumingin sa labas ng bintana.
Tanaw na tanaw ko ang mga bituin sa labas palang ng bintana ko, at sobrang ganda ng view, sumandal nalang ako sa upuan at nagisip
Napaka lakas ng impact ng mga sinasabi ni Donghyun sakin, hindi ko alam sa batang yun pero napaka honest at wise niya, sana ol.
Napangiti nalang ako sa mga iniisip hanggang sa naalala ko yung kanina
FLASHBACK
"anong tingin mo kay ate Crystal?" Tanong ni Hyeongjun at nahinto naman ako sa aking ginagawa, ewan ko ba pero parang ang bigla akong naguluhan. Bigla ko nalang naalala si Crystal, yung time na nagulat siya, nung nagalit siya, yung mga pangaral niya sa chat, yung pasensya niya kela Wonjin, at yung time na nahulog kaming dalawa sa harapan ng buong klase na kung saan nakita ko ang mukha niya ng malapitan like osbrang lapit, hindi ko alam pero parang nakatatak na ang mukha niya sa isip ko, I am confused
Hindi ko alam at napansin na tinatawag ako nung tatlo until narinig ko pangalan ni Crystal, tumingin ako sa labas ng pinto pero wala naman siya doon.i don't know why pero parang automatic na pag narinig ko pangalan niya ay hahanapin ko siya agad
"Pres" narinig kong tawag ni Hyeongjun at tinignan ko siya "Ano na?" tanong niya at huminga nalamang ako ng malalim at nagpatuloy sa pagsusulat, nagsimula akong magisip saglit bago ko sila sinagot
"Mabait siya, mapasensiya, at kakaiba" sabi ko at mukhang nagets naman na nila
"Bakit mo naman nasabi yun?" nagtanong si Jinwoo at tinanong ko did yung sarili ko, kung bakit ewan ko ba kasi bigla ko nalang siyang nadescribe
"Ewan, di siya nagpapatawa o ngumingiti pero napapasaya niya ako, matalino siya pero never niyang sinubukang ipagmalaki yun, kala mo cold siya pero napaka humble niya, binibigay niya yung time niya kahit na pwede naming magpahinga nalang siya, she never gets angry kasi ibang iba yung pasensiya niya sa ibang tao, she's different pero in a good way" paliwanag ko sakanila at alam mo yung feeling na gustong gusto mong pinapakilala sa lahat yung isang taong mahalaga sayo? Yung mpapahinto ka nalang at maidedescribe siya sa abot ng makakaya ng utak mo, ganon yung feeling
"she's beautiful even she doesn't smile, but I think it'll be better kung ngingiti siya" dagdag ko at parang may nakakakiliting feeling sa tiyan ko dagdagan mo pa ng mabilis na pintig ng puso ko, I felt happy somehow.
Natigil nalang ako ng magtanong uli sila "Pres, what are you afraid of?" tanong ni Donghyun at kahit ako ay nagtaka uli.
Gusto ko nga ba talaga si Crystal? Bat ako nagdedeny? At bakit nga ba ako natatakot?
Naintindihan ko yung tanong nila pero I acted like I didn't kasi hindi ko alam ang isasagot ko, di ako sure sa isasagot ko sa tatlong ito
Tatlong mas bata oa sakin pero napakamature magisip, ano ba nakain ng mga toh?
What should I say?
END OF FLASHBACK
"Minkyu? Minkyu!" bumalik nalang ako sa realidad ng marinig ko ang tawag ni mama
"Po?" sabi ko
"Kain na anak, masamang nalilipasan ng gutom" palala niya at nginitian ko nalang siya
"Opo ma, ayusin ko lang poi to at baba na ako" sabi ko at huminga nalang siya ng malalalim
"ingatan mo naman ang sarili mo anak, di maganda yang pagpupuyat mo" dagdag niya
"Alam ko ma" sambit ko bago siya bumaba
Inayos ko na ang mga papel na sawakas ay natapos ko na at ibinalik ko ito sa bag ko bago inayos ang desk ko, isasara ko nasana ang kurtina ng may naalala nanaman ako uli
"Gusto na ba takaga kita?" tanong ko sa sarili ko
YOU ARE READING
Smile ||Kim Minkyu Fanfic||
Fanfiction"How much long should I wait?" "Wait for what?" "To see you smile..........."