Chapter 4

383 9 2
                                    

Gino's POV

7am. Minamanmanan parin namin si Franki dito sa trabaho niya, at ngayon ay si Kiara na ang mismong pumasok.

Diana, tama lahat ng sinabi mo. Na confirm na ng forensics team na maaari ngang yun ang nangyari, may nakita silang trace ng potassium and sodium metal.
May alam ang babaeng yan kasi sya ang gumawa.

Hindi tayo pwedeng magjump into conclusions sir. Naghahanap parin ako ng matibay na ebidensya. Kahit sino pwedeng gawin ang bagay na yun.

Sya nga pala, iniimbestigahan na rin namin ang kasong sinasabi mo nung year 2011. You're probably right na may kinalaman si Gregorio Herrera sa nangyari sa estudyanteng namatay. At pwede yung gamitin ni Franki bilang motibo sa pagpatay sa biktima.

Pano yung kaso sa pagpatay kay Big Brother?

About dyan, nalaman naming may alitan ang namatay na ama ni Franki kay Big brother. Nung ipahawak namin kay Franki ang kaso, nalaman nya sigurong si Big Brother ang pumatay sa kanyang ama kaya ito naghiganti.

At yung bata na witness?. Witness parin yun--

Hindi tinanggap ng korte ang testimonya niya hindi dahil sa bata sya kundi napag-alaman na isa pala syang pathological liar. Lubhang sakit ito sa pag-iisip kung saan hindi na mapigilan ng pasyenteng magsinungaling.

Pero pano kung nagsasabi pala sya ng totoo?.

Pwes hindi natin malalaman yan kung hindi natin iimbestigahan mismo ang kaso. Maghanap ka pa ng iba pang pwedeng maging ebidensya laban sa kanya.

..

Kiara's POV

Di ko naabutan si Franki dahil nung pumasok ako bilang police, she got fired 2 weeks before kaya ako ang tamang tao para magtrabaho nito.

Kumakain nako dito sa loob ng restaurant para manmanan si Franki. Tinawag ko yung isang waitress na si Mae.

"Anong password ng wifi dito?." Tanong ko.

"Akin na po phone nyo ma'am, ako na po." Binigay ko naman agad.

"Sya nga pala, ang ganda nung isang waitress nyo dito--"

"Ah si Franki po ba ma'am?. Kiwi kasi tatay niyan. Kaya lang tigok na. Mag-isa nalang yan sa buhay."

"Eh boyfriend, meron sya?."

"Nung una may naghahatid sundo sa kanya, pero ngayon wala na."

"Talaga? Sino?."

"Si Argel po. Bakit nyo po natanong?."

"Ah eh wala, naisip ko lang. Chix kasi, nagbabasakali lang na ano--open minded siya."

"Tibo po kayo?."

"We can say that. Alam mo ganyan kasi mga type ko yung medyo may mix." Panindigan mo yan Kiara. Narinig ko namang tumatawa si Gino at Banjo sa earpiece na suot ko. Mga siraulo to.

"Sayang naman po, ang ganda ganda nyo pa naman."

"Bakit? Dapat ba pag tibo, panget?."

"Ay ay hindi naman po yung ibig kong sabihin. I mean, marami po sigurong lalaking nasasayangan sa inyo."

"Well, bahala na sila. Di ko sila trip. Pakisabi nalang dyan sa magandang binibini na Hi ah. Galing sakin." Sabi ko. Omg, this is so cringey. Naka sundress ako na yellow pero gusto ko palang magpa-cute sa babaeng suspect na yun.

THE HUNTER'S TRAP (frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon