Diana's POV
So andito nako sa emergency room at chinecheck na ng doctor ang paa kong wala namang problema. Habang nasa labas si Franki.
"Doc, makinig ka sakin. Walang mali sa akin. Umaarte lang ako--" mahina kong sabi.
Siya si Doctor Quizon.
"Ano?!."
"Shshshsh. Kasi ang totoo nyan, Police ako. At iniimbestigahan ko ngayon yung babaeng nagdala sakin dito. Tulungan nyo naman po ako please--"
"Aba miss, alam mo bang maraming pasyente pa ang dapat kong asikasuhin pero andito ako sa wala naman palang sakit?."
"Hindi mo kasi naiintindihan Doc. Yang babaeng yan na nasa labas, pumatay yan ng tao."
"Sige, ano bang matutulong ko sayo?."
"Show her a bad result. Yung hindi naman masyadong obvious."
"Okay. Yun lang?. Magagawan yan ng paraan."
"Salamat doc."
..
Franki's POV
Kaninang umaga nakita ko ang babaeng yun sa restaurant tapos ngayon dinala ko pa sya sa hospital. Aba ibang klase din. Pero hindi ako dapat nagtitiwala sa kahit kanino.
At lumabas na nga ang doctor.
"Kumusta na po sya?."
"Nagka fracture sya sa paa, pero wag kang mag-alala gagaling din naman sya at di naman masyadong malala. Kailangan nya lang talaga ng pahinga. Sa ngayon pwede mo na syang iuwi kasi bawal syang mastress."
"Sige po. Salamat."
"Sige." At umalis na nga ang doctor.
Hmm kaibigan?. Hindi ko naman siya kaibigan. Di ko nga siya kilala at wala akong kaibigan.
Naka-wheel chair na ang babae, dala dala ko naman ang maleta niya. Talagang mukhang mayaman ang babaeng to.
"So, san ba kita ihahatid?." Sabi ko. Habang nasa labas na kami ng hospital.
"Hindi na. Okay nako dito, pwede mo nakong iwan. Masyado ka nang naaagrabyado."
"Hindi. Okay lang."
"Eh kasi ang totoo nyan hindi pako nakakahanap ng matitirhan simula kanina. At lalong mahihirapan ako na makahanap ng ganito ang sitwasyon ko. Pero okay lang, gagawan ko nalang ng paraan."
"Edi tutulungan nalang kitang maghanap."
Syempre, hindi sya pwedeng tumira sa apartment ko kasi mahirap na.
"Salamat. Sya nga pala eto, bayad dun sa nagastos mo sakin kanina--" habang kumukuha sya ng pera sa wallet niya, bigla naman itong hinablot ng snatcher. Aba sira ulo. Hinabol ko pero di ko na naabutan kaya bumalik nako sa babae.
Ano ba yan? Ang malas malas ng babaeng to ngayong araw.
"Sorry--"
"Okay lang. Hayaan mo na yun."
"Papano yan?. Wala ka nang pera."
"Bahala na. Sige na, pwede mo naman akong iwan dito."
"Hindi pwede. Pano kung mapano ka?. Edi kargo ko pa?. Tayo pa naman huling magkasama--"
"Hindi na kailangan Franki--"
BINABASA MO ANG
THE HUNTER'S TRAP (frankiana)
FanficDiana Mackey is an undercover cop assigned to investigate a malicious serial killing case that Frances Margaret Russell, a former police officer from a different department is said to be responsible for it.