Diana's POV
Lumipas pa ang ilang araw, iniimbestigahan parin ang kasong pagpatay kay Frederic Russell. Napatunayan na ding walang kinalaman ang mga nagdala at nagluto kung sinasabing nasa calamares ang lason.
Tuesday ng umaga habang papunta na si Franki sa trabaho, dinalaw kami nina Sir Gino at Akie.
"Alam nyo bang kayong dalawa ang prime suspects dun sa naganap na pagpatay kay Frederic Russell?." Tanong samin ni Sir Gino. Nagtinginan nalang kami ni Franki saglit.
"Sir, wala po talaga akong kinalaman dyan. Bakit ako kasali?."
"Nalaman naming hindi ka pala imbitado sa party na yun Diana, anong ginagawa mo dun?." Tanong ni Akie. Siguro tinatanong nila ako para hindi maghinala si Franki.
"Sinama ko siya kasi sabi niya tagahanga siya ng tito ko. Hindi nga sana ako pupunta pero pinilit niya ako. Pero alam ko namang di yun kayang gawin ni Diana. At saka wala syang motibo para patayin si Tito Frederic." Paliwanag ni Franki.
"Tama ka. Wala syang motibo, pero ikaw meron." Seryosong sabi ni Sir Gino kay Franki. Kitang kita sa mukha ni Franki na sobra syang natakot. Kasi alam ng lahat na guilty siya.
"Your brother who was a former car racer owned that Ferrari na pagmamay-ari na ngayon ng tito mo diba?. That Ferrari was a limited edition, nagustuhan yun ng tito mo and he planned to buy it. Pero hindi pumayag ang kuya mo. So, Frederic Russell demanded a race, na kapag nanalo siya mapapasakanya na ang sasakyang yun. But unfortunately, naaksidente ang kapatid mo during the race and he died. Am I right Franki?." Sabi ni Sir Gino.
FLASHBACK
"Ganun ba talaga kasama ang ugali nun?."
"Naku, di mo lang alam. Kaya pa nga nung pumatay ng tao kahit na sa pinakamababaw na dahilan."
EOFB
Yun pala yung sinasabi niya.
"Oo, alam ko. Galit ako sa Tito ko dahil dun. Pagkatapos mamatay ng kapatid ko, tinuloy nya parin ang pagkuha ng sinasabi niyang prize. Halimaw siya!. Pero kahit ganun, sinisiguro ko sa inyo na wala akong kinalaman sa pagkamatay ng taong yun. Wala akong kasalanan!." Pero huli na ang lahat, pinusasan na si Franki.
"Pasensya ka na Franki, pero sa prisinto ka nalang magpaliwanag." Sabi ni Akie dito habang inaalalayan sya palabas. Pero nagpupumiglas parin si Franki.
"Wala nga akong kasalanan!. Diana, hintayin mo ko. Babalik ako!. Ano ba?! Nasasaktan ako!." Sabi ni Franki sakin.
Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Totoo bang si Franki parin ang gumawa nito?. Diana, lumalambot ka na ba? Hindi mo dapat pagkatiwalaan ang babaeng yun. Isa syang kriminal.
Pero wala pa naman silang nakikitang ebidensya. Kasama ko buong gabi si Franki pero wala naman akong napansin na ginawa niyang kakaiba. At wala syang pagkakataon na maglagay ng lason sa pagkain ng Tito niya. Ano ba kasing meron dun sa calamares?. Bakit si Frederic lang ang nalason? Paano na predict ng maysala ang mismong pipiliin ng biktima? Mind reader ba siya? Pano nya yun nagawa? Naguguluhan na ako.
Pagkalipas ng dalawang oras, tumawag si Sir Gino.
Kamusta na po?
Andun parin sya sa loob, iniinterrogate. Ayaw parin umamin eh.
Sa tingin niyo po talaga siya ang may gawa?
Diana, andun ka. Maliban sayo, si Franki lang ang pinakamalapit sa biktima.
![](https://img.wattpad.com/cover/197737886-288-k455169.jpg)
BINABASA MO ANG
THE HUNTER'S TRAP (frankiana)
FanfictionDiana Mackey is an undercover cop assigned to investigate a malicious serial killing case that Frances Margaret Russell, a former police officer from a different department is said to be responsible for it.