Chapter 16

270 10 0
                                    

Franki's POV

Kandila lang ang gamit namin pang-ilaw ngayong gabi.

Kumakain lang kami ng dinner, nakatitig parin ako kay Diana. Bakit kasi kailangan niyang magsuot ng sobrang revealing. Halos lumuluwa na yung dibdib niya.

"Bakit?." She asked.

"Bakit ba ganyan ang suot mo?."

"Ano bang mali sa suot ko?."

"Wag kang lalabas ng nakaganyan ah. Baka magahasa ka pa dyan ng kung sino sino, mahirap na."

"Haha okay? Bakit bigla ka ngayong concerned--"

"Bakit ba kasi yan pa ang sinuot mo?. Diana, maganda ka na. Di mo na kailangang magsuot ng ganyan ka fit at revealing."

"Franki, blackout. Sobrang init. Kung ako lang talaga mag-isa dito naghubo't  hubad nako. Besides, kasalanan ko ba na ang yaman ng Tito mo pero hindi siya nakapagawa ng generator? ."

"Oo na. Sige. Ikaw naman kasi. Hindi ako sanay na ganyan ka. Sorry."

..

Diana's POV

FLASHBACK

Pumasok muna ako sa CR upang kausapin sa phone si Sir Gino.

Sir,ano po yung damit na pinadala mo sakin? Para akong stripper dun.

Ay basta suotin mo yun. Balita ko may blackout mamaya sa lugar niyo kaya pwede mong magamit yun para akitin siya.

Pagkatapos nun? Ano nang mangyayari?

Syempre, sobrang bilis naman kung may mangyari na agad. Kumbaga sa parts of speech, nasa introduction ka pa.

Napailing nalang ako.

EOFB

Pakiramdam ko nagwowork naman. Kanina ko pa napapansin na panay nakaw tingin si Franki sakin.

9pm. Matutulog na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Oh? Franki? Do you need something?."

"Diana, natatakot ako. Can I sleep here with you?."

"S-sure. No problem. Pasok. Pasok ka."

Nang walang ano anoy bigla namang bumalik ang ilaw. Hay salamat naman.

"Oh ayan. Wala ka nang dapat ikatakot. May ilaw na." Sabi ko sa kanya.

"Tinatamad nakong bumalik sa room ko eh." Sabay higa nito sa bed ko.

"Pero Franki--"

"Naiilang ka na bang tumabi sa akin matulog?."

"Hindi."

"So, halika na. Aarte pa eh." Sabay hila pa nya sakin para tumabi sa kanya.

Bumalik narin ang aircon. Tumayo nako,

"Where are you going?." Tanong niya.

"Magbibihis lang ako. Malamig na eh."

"Hwag!."

"What?."

"I-I mean, yakapin nalang kita o kung gusto mo patayin na natin ang aircon."

"Turning off the aircon could be a great choice." Pinatay ko na ang aircon.

When I went back to her, nakapout lang siya.

THE HUNTER'S TRAP (frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon