Diana's POV
I don't think kayang gawin yun ni Franki habang magkasama kami. Impossible yun. Ang pagkakaalala ko, tatlong minuto lang syang nawala. Hindi pwedeng makapatay ng tao, lalo na't ang layo layo ng sinasabi nilang address mula dito sa apartment ni Franki.
Pano nyo naman po nasabing si Franki ang may kagagawan nito?.
Dahil usually, 7am palang ng umaga andun na si Franki sa trabaho nya pero 9 na syang pumasok. Hindi ba yun nakakapagtaka?.
Pero wala naman po syang ibang ginawa sa loob ng mga oras na yun sir. Magkasama kami buong umaga.
Hindi mo ba naisip na baka ginawa ka lang nyang parte ng alibi niya?. Nagkasunog sa bahay ng biktima na nanggaling sa kusina matapos makarinig ang mga kapitbahay nito ng isang malaking pagsabog. Hindi pa nila alam kung paano nagsimula ang sunog basta ang sabi ng mga bumbero hindi ito dahil sa aksidenteng nakalimutang bantayan ang niluluto dahil nakapatay naman ang gasul at walang nagluluto. Wala ding mga batang naglalaro ng apoy, kaya naisip nila na sinadyang sunugin ang bahay at patayin ang biktima na si Gregorio Herrera.
Bakit si Franki agad?
Nagtanong tanong kami sa school na pinagtatrabahuhan niya, at ang sabi ng mga estudyante niya na madalas nyang nakukwento ang pagiging sutil sa isa sa mga estudyante niya noon na si Franki.
Dahil lang dun?.
Hindi mo ba tatanungin kung bakit nasabi yun ng teacher?.
Sige po. Bakit?.
Sa lahat ng estudyante niya na nagrereklamo sa paraan ng pagtuturo nya noon, si Franki lang ang nagtangkang patayin siya gamit ang isang kutsilyo sa loob ng school campus. Inatras din naman ang kaso sa kanya dahil 16 palang si Franki nang mangyari yun.
Nakita ko ang report card nya dito nung highschool at siguro yan yung teacher na bumagsak sa kanya sa dalawang subjects. Pero hindi naman yun sapat na dahilan para pumatay ng tao sir.
Yan ang dapat mong imbestigahan. Alamin mo kung ano ang motibo ni Franki sa pagpatay ng teacher na yun.
Kaya ito na nga ang ginagawa ko ngayon. Nag-research ako sa phone ko. May mali eh, bakit si Franki agad?. Pano nya naman magagawang sunugin ang bahay na sobrang layo habang andito siya?. Ano yung sinabi nilang sumabog?.
Nagsesearch ako tungkol sa mga nangyari dun sa school nila sa mga nagdaang taon at isang article na nakakabahala ang nakita ko.
[ Isang estudyante sa SIHS, natagpuang patay sa science laboratory ]
Tinitigan ko ang picture ng estudyante, ang pagkakaalala ko ito yung babaeng kasama ni Franki sa picture na si Jamie. Hindi kaya nalaman ni Franki na may kinalaman ang teacher na yun sa pagkamatay ng kaibigan niya kaya sya naghiganti? Pwedeng motibo yun.
Binasa ko ang artikulo at ang sinasabing cause of death ay pag-inom ng nakakalasong kemikal. Hanggang ngayon ay hindi parin nila malaman kung sinong may gawa sa kanya nito, at parang dahil sa pagpatay dun sa teacher ay alam ko na na may kinalaman nga sya, pero ang nakakapagtaka lang ay kung nagkaroon ng sunog sa bahay ng teacher, bakit hindi man lang sya lumabas o gumawa ng paraan para iligtas ang sarili at tumawag ng tulong?.
3rd-degree burn ang tinamo ng teacher at maaaring pagkamatay sa paglanghap ng carbon monoxide na nakuha nya from incomplete combustion of carbon or carbon compounds na galing sa sunog. Madalas yun yung dahilan ng pagkamatay pag nagkasunog, ang paglanghap ng usok nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/197737886-288-k455169.jpg)
BINABASA MO ANG
THE HUNTER'S TRAP (frankiana)
FanfictionDiana Mackey is an undercover cop assigned to investigate a malicious serial killing case that Frances Margaret Russell, a former police officer from a different department is said to be responsible for it.