"This is police lieutenant Diana Mackey from Cabanatuan Police Department. Siya ang nakuha naming magiging undercover para imbestigahan ang pagpatay na naganap sa ika pito ng Setyembre, nito lang linggo sa leader ng pinakamalaking drug syndicate dito sa Pilipinas, si Alyas Big Brother." Pakilala sakin ni Chief Gino.
Nakatitig lang lahat sila sakin, lalo na ang mga lalaking police.
In a good way naman.Nagbow nalang ako para batiin sila.
"Banjo, asan na ang background ng prime suspect?." Tanong ni sir Gino, nagmadali namang iabot ito nung Banjo.
"Ayan Diana, pag-aralan mo ng mabuti. That's Frances Margaret Russell." At unang tingin ko palang na kita sa mga litrato niya may kakaiba na. Madalas talaga kung sino pa yung mukhang inosente, sila yung may mga matinding sekreto.
"Dati syang police pero tinanggal sa serbisyo dahil tatanga-tanga at sobrang tamad pang magtrabaho. Nagtatrabaho na sya ngayon sa isang restaurant bilang isang waitress." Paliwanag pa ni sir Gino.
Pagdating sa bahay, inalam ko lahat ng information na available about the suspect and the case.
Sabi dito, siya ang tinuturong suspect dahil nakita sya ng isang 6 year old na batang lalaki na nagngangalang Shawn sa mismong crime scene, hawak ang kutsilyong ginamit panaksak kay Big Brother. Nagtamo ang biktima ng mga pasa sa katawan at sa mukha na parang binubugbog siya at sampong stab wounds lahat sa likod at harap. Hindi tinanggap ng korte ang testimonya ng bata at wala ring matibay na ebidensya na nagtutulak na si Frances Russell talaga ang pumaslang kasi wala ring matagpuang fingerprints. Masyadong maingat ang killer nato.
Sa mga sumunod na araw, they trained me kung paano nga ba ang maging undercover na hindi nahahalata. Of course, gagawin namin yan ng harap-harapan. Which means I'll spend time with the suspect herself. Alam na namin ang schedule nya at kung saan sya nakatira, pinaghahandaan nalang namin kung pano kami magkakakilala. Pinagamit nila sakin ang pangalang Diana Cariaga. At ako ang napili nila sa trabahong to dahil wala pang kahit isang article na nasusulat tungkol sakin.
Siguro ito palang, pag napatay rin ako ni Frances. Alam kong delikado to kaya di ko sinabi kay mommy na ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Sinabi ko lang sa kanya nagbabakasyon lang ako kasama ang isang kaibigan since summer naman.
We came up with a story tungkol sakin kasi for sure magtatanong si Frances. Panigurado ding matalino ang taong to kaya dapat nag-iingat ako. Ayon sa plano, isa akong amateur fashion designer pero ayaw ng mommy ko ng trabaho ko at gusto nya kong maging doctor kaya lumayas ako samin. Yun yung naisip nila kasi medyo may alam naman ako sa sketching. At kung damit ang pag-uusapan kinailangan ko pang mag-research about dun. Ang pananamit ko, normal lang naman. Desente. Basta gusto ko, formal ako lagi. We're working on the little details narin like the way I speak. Dapat medyo sophisticated.
And finally, the day has come.
Dala dala ang maleta ko, pumasok nako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Frances. Kunwari dumayo lang ako sa lugar nato suot ang maala sosyal kong sunglasses, walking like a model.
Alam namin na from 8-10am, wala pang masyadong costumers. So pagpasok ko siguro mga limang costumers lang ang andito. Kaya lang epic fail ang plano kasi yung isang waitress ang lumapit sakin. San ba si Frances?. Mae ang pangalan niya sa name tag. Ano bayan?. Tinext ko agad si sir Gino.
Nasa labas lang si sir Gino at Banjo sakay ng kotseng pang civilian kaya nag-isip agad sila ng paraan para si Frances ang lumapit sakin. Pumasok din sila,
"Ah ma'am hehe hello. What's your order po?." Tanong ng waitress. Pang-ilang tanong na nya pala yun sakin.
"Hmmm--" habang nakatingin sa menu.
"Miss, pwede magtanong?." Sa wakas tinawag narin ni Banjo ang waitress.
"Uhm sige ma'am take your time muna, oh hey Franki. Mabuti naman lumabas ka narin, can you please take Miss Ganda's order?." Sabi ni Mae. Hmm Franki?. That must be her nickname. She smiled walking towards me. Kinabahan tuloy ako at nag-focus na sa pagpili ng ioorder ko.
Pero hindi ko akalain na mas maganda pala sya sa personal. No, Diana focus. Killer yan. Siraulo ka.
Nang makalapit na sya sakin grabe, sobrang bango.
"Nakapili na po kayo ma'am?." Oh geez that sweet raspy voice. Sigurado ba silang pumatay to ng tao?. At ang amo ng mukha. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya.
"Yes po ma'am?. M-may dumi po ba sa mukha ko?."
"H-hindi. Wala. Ano lang, ah--you look familiar. Have we met before?." Wala nakong maisip na palusot eh.
"I-I don't think we did ma'am." And her accent. It sounds like she's some foreigner.
"Anyway, uhm I want one Vegetable Ratatouille, then Cheese and Mushroom Toast."
"Drinks po?." Goodness,why is she so polite?.
"Just water."
"Okay ma'am. One Vegetable Ratatouille, then Cheese and Mushroom Toast coming right up. And your water ma'am, cold?."
"Lukewarm."
"Okay, got it."
She said with a smile.
Bumalik sya after 15 minutes. At paalis na sya nang biglang, hinawakan ko ang kamay niya.
"Ah miss--would you mind if I ask a question?."
"Sure ma'am, you're always welcome."
"May alam kabang malapit ditong pwedeng rentahan for the meantime?, yung me--dyo kaya lang sa budget. Maybe an apartment."
"Ah opo, marami. Sa kabilang kanto lang po. Kaya lang karamihan dun puno eh. Bakit po?."
"I don't know anyone pa kasi dito. Gusto ko lang sana na may makasama akong medyo kilala ko naman. Alam mo na ang panahon ngayon, mahirap na magtiwala ng kung sino sino."
"Oo nga po eh hehe. Marami na pong gumagalang masamang loob." At sya pa mismo nagsabi. How ironic. "Sige po, I'll be right back."
"Sige, salamat." Wag kang magpapadala sa pinapakita nyang kabaitan Diana, nililinlang ka lang nyan. Hindi mo sya dapat pagkatiwalaan.
FF
3pm ang out niya kaya nag-aabang nako sa isang lugar na madalas niyang dinadaanan.
At nang makita ko na syang naglalakad pa sa malayo, nagready nako agad ng sasabihin at gagawin ayon sa plano. Nagkunwari akong masakit ang paa para lapitan nya ko and it worked.
"Araaay." Tinulungan nya naman akong paupuin sa isang malapit na upuan.
"Okay ka lang?. Ano bang nangyari?." Nag-aalala nyang tanong.
"Natapilok lang. Magiging okay din to, wag kang mag-aalala."
"Gusto mo ba dalhin na kita sa hospital?. Baka malala na pala yan--"
"No, hindi na. Okay na. Di na kailangan."
"Hindi. Dadalhin kitag hospital." At yun nga ang ginawa nya. Pumara sya ng taxi papunta dun.
Oh gosh, this is bad.
BINABASA MO ANG
THE HUNTER'S TRAP (frankiana)
FanfictionDiana Mackey is an undercover cop assigned to investigate a malicious serial killing case that Frances Margaret Russell, a former police officer from a different department is said to be responsible for it.