Naiinis, iyan ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa lalaking nasa aking harapan at kanina pa ako binibigyan ng isang mapaglarong ngisi
Hindi ko ba alam kung bakit kailangan pang kasama siya at talagang ginusto niya din. Ang mukha nito na napakagandang basagin at ang kilay nito na tumataas baba ay nakakatakam na tanggalin
"Napakagwapo ko na ba para titigan mo?" nakakalokong wika nito
"Huwag kang mangarap dahil ang kinagwapuhan mo lamang ay paa" napasimangot ito at umakto na parang nasasaktan
"Hindi mo na ba ako mahal?" nasasaktan nitong wika
Binigyan ko naman ito ng nakakadiring tingin bago nagsalita
"Napakalawak ata ng imahenasyon mo kapitan Dixon. Sa pagkakaalala ko nagkikita lamang tayo sa tuwing may gulo" sabi ko naman dito at pinagkrus ang aking kamay
"Hindi mo man lamang ba ako minahal sa mga panahon na iyon?" pag aakto pa nito
"Paumanhin ngunit wala ata akong alam sa salitang pagmamahal" nakangisi ko na wika na ikinasimangot lalo nito
Tumingin na lamang ako sa aking gilid ng aming sinasakyan na kalesa ng makita ang aking pinsan na nakatitig ng seryoso at mukhang hindi kumbinsado sa aking sinabi
Hindi ko na lamang pinansin at tiningnan ang dinadaanan namin na kalsada papunta sa Akademya
Pagkatapos ng nangyari sa Arena agad kaming nagimpake at sumama sa ministro ngunit hindi ko akalain na kasama namin ang kapitan na parati namin nakikita sa tuwing nasa gulo kami
"Mukhang magiging magkasundo kayo ni Dixon, hija" nabaling ang aking tingin sa ministro na nakasakay sa kabayo at may ngiti na ibinibigay sa amin
Tiningnan ko ang kapitan na ngayon seryoso na nakasakay sa kabayo at nakatuon lamang ang pansin sa kalsada bago ibinalik sa ministro
"Mukhang hindi mo alam ang sinasabi mo ministro" magalang na sabi ko habang bibigyan ito ng ngiti
Napataas naman ang aking kilay ng tumawa ito na mukhang nasayahan sa aking sinabi
"Tama nga na ipasok kita sa Akademya mukhang kakaiba ka" nangunot naman ang aking noo sa sinabi nito kahit pa bulong na lamang ang ibang salita
"Ano po bang klase ang Dawn Academy?" tanong ni Ara na kasama din namin
"Ang Dawn Akademya ay meroong iba't ibang klase na estudyante at meroon din na mga estudyante na nabibilang sa mga grupo na lumalaban kada sa pitong buwan. Maaring ang maging kalaban ay sa ibang akademya na nasa ibang lugar o ang ibang grupo sa sarili mismong pinagaaralan na akademya"
"Meroong lima na grupo, ang nasa pangahuli ay ang Warrior na kung saan nabibilang ang mga may kakayahan na magimbento o magkontrol at ang mga sumasabak sa mga pisikal na mga laban ngunit hindi pa sila tumataas sa kanilang pwesto hanggan ngayon, pangapat ay ang Bliz na kung saan nabibilang ang mga werewolf at witches at babalaan ko kayo dapat niyong iwasan sila dahil mahilig ang grupo na iyon sa mga kalokohan, pangatlo naman ay ang mga Overtop tinatawag sila ng mga estudyante na mga mayayabang at mga arogante ang iba sa kanila ay ang may kakayahan sa vibration, ang pangalawa ay ang mga Astro meroon silang bampira sa grupo at sila din ang may kakayahan sa mga kapangyarihan na katulad sa sub ability na katulad sa mga pagkontrol sa isang isip kaya kung maari dapat iwasan niyo din sila. Ang nangunguna sa lahat ay ang mga Superior sila ang nakakataas sa lahat ng estudyante at nabibilang sa Almighty na alam natin na kung nasaan ang mga dyos at dyosa at babalaan ko na kayo kabilang sa Superior ang ngayon na mga gods at sila ang dapat niyong iwasan" tahimik lamang ako sa lahat ng sinabi ni ministro
BINABASA MO ANG
Hidden Controller [Revising]
Fantasy"Everyone have a mind but only few are gifted with greater knowledge, yet i can make all of them feel so stupid." _ Being part of the lowest class citizen is a torture. They are treated as a slave to the higher one. They are not given education nor...