Chapter 47: Queen Of Queen

7.1K 288 4
                                    

"Nakakaistorbo ba kami?"

Kaagad naman kaming napatigil ni Damon ng may nagsalita sa aming likuran. Kaagad namin kaming lumingon only to see na lahat sila ay nandoon maging si na Miyuri

Kaagad naman akong namula at napaiwas ng tingin habang rinig namin ng tawa ni Miyuri

"Naunahan mo pa pala ako, Jay" komento nito

"Mukhang hindi kayo nauubusan ni Damon ng asukal" natatawa naman na saad ni Vanrick

"Wala silang awa sa mga single" nakangusong saad naman ni Ara. "Nganga na lang tayo"

Natawa naman silang lahat dahil sa sinabi ni Ara maliban kay Kuya Silver na nakikinig lamang sa amin

"Andyan naman si Xenley" saad ko

Tinarayan lamang ako ni Ara habang si Damon naman ay pumunta sa may harapan ko at nagsalita

"Can't you just leave us alone?" naiinis na turan nito

Lumapit naman si Race sa direksyon namin ng may malawak na ngisi bago inakbayan si Damon

"Bakit? Are you finally going to score?" nakangising tanong nito

"Just shut it, Race" malamig na wika ni Damon

"Tama na nga iyan! It's Mae birthday, we should celebrate" Vanrick said

Napangiti na lamang habang si Damon naman ay hinawakan ang aking kamay at hinila upang sumama sa aming mga kaibigan

¤¤ ¤¤ ¤¤

Nandito parin kami sa mortal world. Tanghali na at kumakain na kami, nandito parin si Miyuri at muling inaasar si Kuya Silver na mukhang naiinis na naman

Si Damon na nakaupo sa aking tabi ay ayaw bitiwan ang aking kamay kaya hindi ako makakain ng mabuti

"Babalik na na kayo sa Cratidier?" untag ni Miyuri

"Yeah, kailangan kami doon lalo na si Jay" sagot naman ni Ate Mae. "She's the Queen of Narvina Clan. Nakakahiya naman kay Lola Amadea kung magtatagal pa kami"

"Lola Amadea?" nagtatakang ani naman ni Kuya Silver

"Isa siya sa mga tagasilbi natin dati" maikling paliwanag ko

Magsasalita pa sana si Kuya Silver ng bigla na lamang may sumulpot na portal malapit sa pintuan at lumabas si Sir Gregory

"What the -"

"Bad news!" kaagad na saad nito. "Nalaman ng mga nakakataas ang tungkol sa inyo ni Jay, Damon. Kailangan na ninyo bumalik sa Cratidier"

Dahil sa aming narinig ay kaagad naman kaming napatayo. Si Miyuri naman at Kuya Silver ay nakatingin lamang sa amin

"Sasama ka ba sa amin, bro?" tanong ni Dylan

"No! I still have some important business here" seryoso lamang na saad nito

"If you need help just call my name" usal naman ni Miyuri na tinanguan ko na lamang

Inayos muna namin ang mga sarili bago tuluyan pumasok sa portal ngunit nagtaka na lamang ako ng kami lamang na mga Vixzon Warrior at Superior ang lumusot sa Akademya

"Nasaan ang mga Chief's at si na Miss Lana?" tanong ni Xenley

Wala naman na nagsalita sa amin ngunit kaagad naman kaming napatingin sa loob ng akademya ng may narinig na tunog

Ngayon ko lamng napansin na walang mga estudyante ang na sa labas. Kahit isa man lamang na estudyante ay wala

"Anong nangyari dito?"

Hidden Controller [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon