"Ate Jay! Ate Jay!"
Napalingon ako sa dalawang batang babae na tumatakbo papalapit sa akin habang dala ang dalawang basket na may lagay na prutas. Binigyan ko ito ng isang ngiti at ginulo ang buhok ng makarating sa aking puwesto.
"Bakit kayo tumatakbo? Baka madapa kayo sa ginagawa ninyo na iyan." Panenermon ko sa dalawa na hinihingal.
"Si ate Mae po na sa plaza at kasali na naman sa gulo." Napataas naman ang aking kilay sa sinabi ni Kira.
"Kasali sa gulo?" Tanong ko dito ng nakataas ang kilay.
"Opo, nandoon din ang kapitan." Napatayo naman ako sa sinabi ni Clara at dali daling itinigil ang aking ginagawa at tumakbo papalabas ng bahay.
Ramdam ko ang pagsunod sa akin ng dalawa habang tumatakbo papunta sa plaza ngunit ang atensyon ko lamang ay ang pinsan ko na nasa gulo na naman.
"Padaan po." Magalang sa sabi ko sa mga tao na nakapalibot sa gitna ng plaza.
Tuluyan akong napunta sa unahan at nakita ang aking pinsan na nakatayo sa gitna kasama ang isang matanda at kaharap ang pinakamasama na kapitan.
"Bayaran mo ang nasira mong sumbrero ko." Napayuko naman ang aking pinsan sa sinabi ng kapitan.
"Patawad po ngunit wala akong pera. Sapat lamang po ito upang pangkain namin." paumanhin ng aking pinsan.
"Ngunit dapat mong bayaran ang nasira mo." Pagpupumilit ng kapitan.
"Wala po talaga akong pera." Muling anas ng pinsan ko.
Lumapit ang kapitan sa aking pinsan at mayroong sinabi na hindi ko nagustuhan.
"Kung wala kang pera, wala akong magagawa kundi ang parusahan ka." Bulong ng kapitan.
Kinuha ko ang hawak ni Clara na isang mangga at walang pag aalinlangan na ibinato sa mukha ng kapitan. Marami ang napasinghap at napatingin sa akin sa gulat ngunit hindi ko ito pinansin dahil nakatuon lamang ako sa kapitan na ngayon napakasama ng tingin sa akin.
Hinila ako ng dalawang kawal na malapit lamang sa aking kinatatayuan at pinaluhod sa harap ng kapitan ngunit nanatiling nakatingin ako sa kapitan ng walang reaksyon.
"Nandito ka na naman Cy! Sa tuwing nasasangkot ang iyong pinsan sa gulo todo sagip ka naman palagi. Kayo talaga ang pinaka problema sa lahat ng tao dito." Wika ng kapitan habang umikot ikot sa akin.
"Hindi kasi kami katulad nilang nanahimik lamang." Mataray na sagot ko.
Binigyan ako nito ng nakakalokong ngisi bago lumapit sa aking tenga at binulungan din ako.
"O baka naman gusto mong mapansin kita." nakakalokong wika nito
Napangiwi ako at walang pagaalinlangan na hinugot ang aking patalim na parati kong dala na nakalagay sa boots ko at sinugatan ang mukha ng kapitan.
Inaamin ko bata pa ito at may itsura ngunit hindi siya ang type ko lalo na't siya parati ang nakakasama namin kapag kami ay nasasangkot sa gulo.
Marami ang nagulat ngunit nanatili ako na nakatingin sa kapitan na ngayon ay hawak ang pisngi at nakatingin muli sa akin ng masama.
Binigyan ko lamang ito ng nakakalokong ngiti at pinaikot ikot ang patalim na nasa aking kamay.
"Mas malala ka talaga sa iyong pinsan." Komento ng kapitan ngunit wala lamang akong reaksyon sa sinabi nito.
Napaiwas ako ng tingin ng may humawak sa aking kamay. Tiningnan ko naman kung sino ito at nakita ang aking pinsan na umiiling iling na nagsasabi na huwag ko ng patulan pa.
BINABASA MO ANG
Hidden Controller [Revising]
Fantasia"Everyone have a mind but only few are gifted with greater knowledge, yet i can make all of them feel so stupid." _ Being part of the lowest class citizen is a torture. They are treated as a slave to the higher one. They are not given education nor...