Chapter 5: Godly Headmaster

9.9K 339 34
                                        

Isang oras na ang lumipas ngunit hanggang ngayon nakayakap pa din sa akin si Grey. Wala naman akong magawa kundi hayaan na lamang ito dahil sa tuwing binabalak kong tumayo humihigpit lamang ang yakap nito

Hindi ko alam kung bakit ito nagkakaganito samantalang dati hindi ako nito kayang yakapin tapos ngayon yayakapin niya ako

Bigla na lamang tumunog ang pinto senyales na may papasok kaya agad kong tinulak si Grey ng malakas at nagpapasalamat ako dahil nabitawan niya ako para makalayo agad ako sa kanya

Lumingon ako sa may pinto at kasabay noon ang pagpasok ng ibang superior. Nag uusap usap ito at nagtatawanan kasama ang aking pinsan ngunit natigil sila na mapansin na nandito kami ni Grey

Napatingin sa akin silang lahat habang ang aking pinsan ay tiningnan ako ng may pagtataka ng makita ako ngunit hindi ko na sila pinansin at agad na lumakad at linagpasan sila

Tama ng si Grey, ate Mae, at si sir Terence ang nakakakilala sa akin ayaw ko ng madagdagan pa at makahalubilo sa kanila

Kakalabas ko pa lamang sa training room ng biglang bumukas muli ang pintuan at lumbas si ate Mae

"Jay!" tawag nito sa akin ngunit hindi ko siya pinansin

"Jay, iniiwasan mo ba ako?" biglang wika nito pagkatapos hilahin ang kamay ko paharap sa kanya

"Hindi. Bakit naman kita iiwasan?" malamig na wika ko

"Jay kung tungkol ito sa superior, im sorry" malumanay na wika nito at tama marunong din na mag english si ate Mae kahit pa si Ara

"Sa tingin mo ba tungkol lang doon" wika ko

"Dahil ba nalaman nila na ako ang Goddess of Water" napailing na lamang ako dito

"Hindi ko akalain na kinalimutan mo na ang pangako natin kay Tita" iiling iling na wika ko

"Jay i-" hindi ko na ito pinakinggan at agad na iniwan ito

Isa sa mga ayaw ko ay ang hindi pagsunod at paggawa sa pinangako ko. Buong buhay ko ang bawat pangako na binibitawan ko ay ginagawaan ko ng paraan upang matupad lamang dahil ayaw ko na dumating ang araw na kung saan ang isang pinangako ko ay mapako na lamang na pwedeng maging dahilan para magalit sa akin ang isang tao

Naalala ko pa mismo ang sinabi sa akin ng aking ina

There are times that a simple promise that is not fulfilled can break a relationship easily

Kaya tinatak ko sa aking isipan na sisiguraduhin kong matutupad ng lahat na pinangako ko

Dumeretso na lamang ako sa aming dorm at nagpalit ng damit bago sumalampak sa kama. Nakaramdam ako ng pagkaantok bago ko ipinikit ang aking mata

Hindi nagtagal nakatulog na ako

Nanginginig ang aking mga kamay habang nakatingin sa duguan na katawan ni Tita Marla. Nakahandusay ito sa malamig na sahig habang puno ng dugo. Sa kanan niya ay si ate Mae na umiiyak habang nakatingin sa kanyang ina

Napaluhod ako habang may tumulong luha sa aking mata. Nanginginig man ang aking kamay dahan dahan kong hinawakan ang kutsilyong nakabaon malapit sa puso nito

Umiling ako ng umiling habang patuloy na umaagos ang masaganang luha sa aking mga mata

"No! No!" paulit ulit na bigkas ko ngunit tiningnan lamang ako ni Tita at binigyan ng isang ngiti

Nanghihina man ito hinawakan niya pa din ang kamay namin ni ate Mae at binigyan kaming ngiti

"I...panga...ko niyo sa akin na propro.....tektahan nin...yo ang isa't isa" paputol putol na wika nito

Hidden Controller [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon