Tiningnan ko ang paglalaban ni Ara at Chief Race. Kanina pa nasasayahan si Chief Race sa kanyang nakikita sa mukha ni Ara habang umiiwas. Kami naman ay tahimil lamang na pinapanood silang dalawa na maglaban sa gitna ng arena
Humakbang paatras si Ara bago nagpakawala ng isang ikot sabay sipa sa malapit na mukha ni Chief Race. Parang wala lamang na sinangga ng isang kamay ni chief Race ang binti ni Ara ngunit kinuha iyon na pagkakataon ni Ara upang siya naman ang umatake
Tiningnan lamang namin silang dalawa kung paano maglaban. Ara is pretty good para sa isang Novice. Mabilis din ang kanyang mga galaw kung tutuosin but hindi iyon sapat para matalo niya si Chief Race
Nakita na lamang namin na may roon ng nakatutok sa leeg ni Ara na isang espada habang si Ara ay nakatingin lamang ng seryoso kay Chief Race. Pumito si Chief Dylan bago nakangiti na lumapit sa dalawa bago nagsalita
"Race win"
Lumapit naman sa amin si Ara na puno ng pawis at hinihingal. Kami naman ay nakangiti na pinagmasdan ito habang kinukuha ang pamunas at pinunasan ang kanyang tumutulong pawis
"You did great" papuri ni Dixon
"But i still lose" ani ni Ara na napahinga ng malalim
"Kami din naman ni Vishna natalo ng dalawang Chief" wika muli ni Dixon na para bang pinapahiwatig na hindi nag iisa si Ara sa pagkatalo
"Break time na natin" sigaw ni Chief Vanrick ng marinig ang pag bell
"Bakit may tayo ba?"
Tumayo naman kami at pumunta sa pinto ng training arena. Hinayaan namin na magsalita sa likod si Chief Dylan ng kung ano anong kalokohan. Binuksan na ni Erla ang pinto at lalabas na sana ng magsalita si Chief Damon
"Get back here once you finish your food"
Tumango na lamang kami bago naglakad. May mga estudyante pa ang napadaan sa malapit sa aming pintuan at mababakasan ng pagtataka ng makita na lumabas kami sa training arena habang kasunod ang mga Chief
Dumeretso kami sa cafeteria. Pumasok kami doon at naabutan naman namin na nandoon ang mga school official, student council at kumpleto ang iba pang grupo
Si Dixon at Ara ang pumila habang kami naman ay naghanap ng mauupuan. Sinundan ko lamang si na Vishna na pumunta sa may bakanteng lamesa at upuan. Umupo kami doon at hinayaan na mabalot ng katahimikan
Ako naman ay linibot ang paningin sa buong cafeteria ng makita ko ang aking pinsan na papalapit sa aming pwesto. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa may harapan ko
Nagtataka na binalingan ito ni Vishna ng tingin habang ako ay napailing na lamang
"Ano ang ginagawa mo dito?" taas kilay na tanong ni Vishna
"Gusto ko lang makasama ang pinsan ko"
Tinarayan lamang ni Vishna si ate Mae bago kinuha ang pagkain na binigay sa kanya ni Ara. Kinuha ko din ang pagkain ko na nakalahad sa akin galing kay Dixon ng magtanong si Vishna
"Paano ba talaga kayo naging magpinsan? Hindi ko kasi maisip na magpinsan ang isang goddess at ang isang novice"
Sumubo ako sa aking burger bago tiningnan si ate Mae na ngayon lininok muna ang laman ng kangang bibig
"Magkapatid ang aming ina magkaiba lang ang apilyido namin dahil ikinasal ang aking ina sa isang Griud"
Narinig ko ang mahina na tawa ni Dixon dahil sa kainosentehan ng sagot ng aking pinsan ngunit hindi na lamang namin siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain
BINABASA MO ANG
Hidden Controller [Revising]
Fantasía"Everyone have a mind but only few are gifted with greater knowledge, yet i can make all of them feel so stupid." _ Being part of the lowest class citizen is a torture. They are treated as a slave to the higher one. They are not given education nor...