Chapter 26: Amulet

8.1K 300 30
                                    

( Ara Pov )

Nakasunod kami ngayon kay headmaster Silver na buhat buhat si Jay papunta sa clinic. Kita ko ang namumutlang labi ni Jay maging ang pag aalala ng aming mga kasama

Mabilis lamang kaming nakarating sa clinic mabuti na lamang dahil agad din inasikaso ng isang nurse si Jay

Nakatingin lamang kami sa kanila habang tinitingnan ng nurse si Jay. Kita ko din ang pagkainip ng dalawang lalaki na parehong na sa gilid lamang ng kama ni Jay

"How is she?" sabay na tanong ni Master Grey at ni Headmaster Silver

Nagpalipat lipat muna ng tingin ang nurse sa dalawa bago sinagot ang tanong nila

"She'll be fine. Mukhang masyadong napagod lamang ang kanyang katawan"

Kumunot naman ang noo namin ni Mae dahil sa sinabi nito. Kilala namin si Jay, kahit mapagod man ang kanyang buong katawan okay lamang siya. Hindi rin siya ang babaeng parating nahihimatay pero ng pumasok kami sa akademya sunod sunod na ang nangyayari sa kanya

Kahit hindi kami sang ayon ni Mae sa aming narinig tumango na lamang kami at hinayaan na umalis na ang nurse

"What should we do? Ilang oras na lang bago muli magsimula ang third round" Erla worriedly said

Umupo ako sa isang bakanteng silya at tiningnan si Jay na parang mahimbing na natutulog

"Kailangan natin hintayin na magising siya. We have no choice" ani naman ni Vishna

Napabuntong hininga na lamang ako at walang nagawa kundi hintayin na magising si Jay

( Jay Pov )
13 minutes later....

Dahan dahan kong imunulat ang aking mata at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ng dalawang tao na walang emosyon ngunit nakatitig sa akin

Prinoseso muna ng aking utak kung bakit ako nakahiga at kung nasaan ako bago ako napabangon. Si Ara na nasa may paanan ko ay mukhang nagulat dahil sa biglaan kong pagbangon habang si Dixon ay agad napamulat sa pagkakapikit

Si ate Mae naman ay hinawakan ako at tiningnan ang bawat anggulo ko ng mabuti

"Ayos ka lamang ba? Anong nararamdaman mo?" tanong sa akin ni ate Mae

"I'm ok" deretsahan kong sagot ng bigla naman may nagsalita sa speaker

"The third round will start in a few minutes. Contestant please get ready"

Dahil sa aking narinig tatayo na sana ako ng pinigilan nila ako. Nagtataka ko naman na tiningnan sila ng magsalita si Vishna

"You need to stay here and rest. Sabi kasi ng nurse napagod daw masyado ang katawan mo"

I shake my head at pinilit parin na tumayo habang inaalis ang pagkakahawak sa akin ni Headmaster Silver

"You need to stay here" wika sa akin ni Headmasyer Silver

"Kaya na namin ang lahat Jay, no need to worry" ani naman ni Dixon

"No! I can't let you fight alone in the arena. Beside hindi naman ako paralisado para pigilan ninyo" i said

Nakita ko ang pagiling iling ni Teerence sa aking sinabi ng magsalita naman ang kasama niyang lalaki

"Hey there missy. Your teammate said you need to rest so mas mabuti pa na sundin mo na lang. Ano na lang ang gagawin nila kapag bumagsak ka ulit?"

Binalingan ko naman ang lalaki na nagsalita at sa pagkakaala ko siya si Raven ang god of time

"I can take care of myself" pagkatapos kong sabihin iyon ay agad naman akong umalis sa pagkakahawak nila

Hidden Controller [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon