Chapter 6.

104 8 0
                                        

Adella's P.o.V
May pinagkakaguluhan sila sa canteen kanina.
Pero hindi ako interesadong malaman kung ano yun.
Tatambay sana ako sa Music Room, pero may nakita akong mga tao dun. Kaya di na ko tumuloy.
Pababa na ko ng hagdan nang makita ako nila Xaira at Mitch.

"Adella! Hay sa wakas nakita ka din namin." Tuwang tuwang sabi ni Xaira. Sus
"Ano nanaman?" Tanong ko sa kanila.
"Ano adella gusto sana naming itanong sayo kung.. kung may kilala kang Harley? Kilala mo ba siya? Ang pogi niya Adella :">"
"Wala." Sa pagkakaalam ko, weirdo si Harley, oo parehas kami, noon. Siguro ibang harley lang yun.
"Uhh, Adella kasi baka kilala mo talaga siya, 1st year daw kasi nagaaral dito yun hanggang second year tapos nagmigrate sila sa ibang bansa nung 3rd year na siya. Di mo talaga siya kilala??" Sabi ni mitch.
Bullsh*t naman oh bat pa pilit sila ng pilit, nangchichismis nanaman ba tong dalawang to?!
"Oo kilala ko siya. Anong pake niyo?" Diretso kong tingin sa kanila. Muka namang nagulat sila at..
"Uhm ano nevermind nalang diba mitch. Wala yun. Pwede ba sabay sabay tayong umuwi? Tayong tatlo? Sige na adella :(" ito nanaman sila. haay.
"Oo nga adella. 30 minutes nalang. Last subject na uwian na natin, hintayin ka namin sa gate ha? Asahan ka namin dun ah? Sige na~" Pagmamakaawa ni mitch. pfft. Kaawa naman tong mga to.
"Oo na sige na. Umalis na kayo sa harapan ko. Baka magbago pa isip ko." Pagkasabi ko nun dali dali silang tumakbo paalis. Hahaha---
Erase erase. Bat ako natatawa?
Tsss. Nagiging weird narin ako minsan. F*ck it!!
Habang papunta na ko sa classroom...
May sumalubong sakin bat parang kilalang kilala niya ko? Sino ba to? -.-
"Adella?! Ikaw na ba yan? Hay di ka parin nagbabago ang ganda mo parin. Pero bat parang nakabusangot ka dyan? Sabi na nga ba may mali sayo eh!" Ano bang pinagsasabi neto? Lalaki siya, may brown hair at nakataas ang buhok niya. Ang kinis ng mukha niya at ang tangos ng ilong niya. Siguro hanggang leeg niya ko katamtaman lang ang height niy- What the?! Kelan pa ko nagdescribe ng tao? Okay, okay Cut the crap!
"Huuuy adella? Bat di ka nagsasalita? Natulala ka ba sa kagwapuhan ko ha?" Natatawa niyang sabi. -.-"
"Alam mo? Na.pa.ka.dal.dal mo. Di mo ba napapansin kaya nakatingin lang ako sayo? Di kita kilala. Alis." Dirediretso na kong naglakad pero pinigilan niya ko. Kinalas ko kaagad yung kamay niyang nakahawak sa braso ko. Sino ba to?!
"Aw ang sakit ah. Di lang tayo nagkita ng mahigit 3 years ganyan ka na sakin. Nandito na yung ley mo adella, magkakasama na ulit tayo!" What? Ley? Si harley ba to? Pero ba-bakit ganyan na siya? At paanong nakilala niya kaagad ako?
"Alam mo adella kahit na iba na ang itsura mo kumpara dati, parang wala parin namang pinagbago maganda ka parin. Hay nako, bat ba di mo ko nakikilala..ang sakit" may binulong siya pero di ko narinig yun.
"Wag kang umasta na parang walang nangyari noon Harley. Pwede ba? Hindi na ako ang adellang kilala mo dati. Kaya wag mo kong kakausapin na para bang wala kang ginawang kasalanan" nagulat siya sa inasta ko. so what? Tama lang yun. Naalala ko nanaman ang mga nangyari dati.
*FLASHBACK*
1st year higschool ako dito sa Chiu Xiang Li International School. Sabi nila... Nerd daw ako, Weirdo, Panget at kung ano ano pang panlalait ang natatanggap ko sa school na to.
Dahil lang naman sa papa ko kung bakit ako pumayag na magstay dito. Hindi alam ni papa na ganito na ang nangyayari sakin. Kasi, natatakot ako baka kung anong gawin nila sakin eh. Ang sakit ang sakit sakit.
Sa araw araw pagpasok ko lait at matinding tawanan ang inaabot ko sa kanila.
"Ayan na yung Nerd!"
May lumapit sakin..
"Okay lang yan" Sabi niya at pinapalo niya ng mahina ang likod ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"HAHAHAHAHA! Tatanga-tanga talaga tong walang kwentang to. Ano matalino ka? Sus!! Ni hindi nga makasagot satin." Nagtawanan nanaman sila.
Nagkunwari na lang akong walang naririnig at naglakad papuntang cr.
Papasok na ako ngunit may humila sakin. Hindi ako nagkakamali siya si Harley August.
"Ahm may tatanggalin lang ako sa likod mo ah?" Sabi niya.
Nakita ko ang papel at may nakalagay don na 'PANGET AT LAMPA AKO'
"Alam mo wag kang maniwala sa sinasabi nila. Matalino ka, maganda ka. Dapat di mo pinapansin ang mga sinasabi nila, May sarili kang kakayahan." Bat niya sinasabi sakin to?
"Oh look who's here. Naglalandian ang dalawang loser! Nakakaawa talaga kayo! Ikaw harley? Sayang medyo okay pa yung itsura mo eh mukang nerd ka nga lang pero nung dumikit ka dyan kay adella? Wala na! Loser ka na rin katulad niya! Hahahaha!" Nagtawanan nanaman sila.
Gusto kong umiyak..
"Pwede ba?! Ano bang pake niyo kay adella ha?! Sumusobra na kayo sa kanya.. at sa akin!!! Bat ganito kayo ha? Anong klase kayong mga tao? Wala ba kayong magawa sa buhay niyo ha? Sa totoo nga lang mas nakakaawa kayo, siguro wala kayong mga magulang, o di kaya naman sinasaktan kayo ng mga magulang niyo! Kaya pag nandito na kayo sa school, lumalabas yang mga sungay niyo kaya yan, gumagawa nalang kayo ng mga kalokohan!" Pagkasabi niya nun, hinila niya ko at di ko alam kung san kami pupunta.
"Ah eh.. Harley, Sa-salamat!" Huminto kami sa Music Room.
"Alam mo adella? Ngayon ko lang nasabi yung mga sinabi ko kanina sa.. Kanila. Hindi ko akalaing magagawa ko yun. Siguro sabihin na lang natin na katulad mo din ako.." Sabi niya. Katulad? Ako? Kantulad niya ko? Pero bakit?
"Alam mo dito ako pumupunta kapag nasasaktan ako.. Kapag sinasaktan nila ako.. Sinasabihan ng mga masasakit na salita. Hindi mo siguro sila kilala, kasi ako lang talaga ang pinagdidiskitahan nila. Ewan ko kung bat ganon. Ngayon lang ako nagsasabi ng ganito sa isang tao adella. Salamat din dahil nandito ka. Nakakasawa na sila. Paulit ulit nalang" Nakayuko siya habang sinasabi niya yun.
Simula nun lagi na kaming magkasama. Siguro nagsawa narin sila sa pambubully sa akin.. Pati na rin kay harley dahil sa sinabi niya sa mga yun. Masaya ako kasi nakilala ko siya.
Sobrang saya.
Hanggang sa may nakipagkaibigan na sa akin.. Grupo sila, sikat sila sa school, kung dati lima sila ngayon anim na sinasama nila ako sa kanila. Sobra yung tiwala ko sa kanila. Tama na man yun diba? Dapat pinagkakatiwalaan ang mga kaibigan.
Ang saya saya ko kasi may mga nagiging kaibigan na ko, kahit na ganito ako.
Masaya ako nung 1st year kahit noong una hindi maganda ang pakikitungo nila sakin.
Hanggang sa matapos ang pagiging first year namin.
Hangang hanga ako kay harley kasi ang tatag niya.. Napaka tatag niya. Di ko man kilala yung mga taong nanghusga sa kanya pero grabe sa tingin ko.. Nagugustuhan ko na si Harley.
Ewan ko bat nararamdaman ko to. Inisip ko na baka wala lang yun baka natutuwa lang ako kay harley kasi siya yung nasa tabi ko nung mga panahon na malungkot ako..
Hanggang sa naging 2nd year Highschool na kami..
Ganon pa rin. Masaya pa rin kami.
Nagkaroon pa kami ng tawagan ni Harley.
Eyem at Ley, yung eyem nakuha sa pangalan kong adella marie (AM) tapos yung Ley sa Harley.
Nagpatuloy yung year na yun na masaya.
Kung kailan patapos na..
Narinig ko silang naguusap nun.
"Sukang suka na ko sa nerd na yan. Di pa ba natin gagawin yung paghihiganti natin sa kanya ha?!"
"B*tch nga yun eh. Feeler. Assuming pa! Sa tingin niya kasama na talaga siya satin? Psh. Tanga talaga yun. Siguro kailangan na natin gawin.."
Tumakbo na ko. Hindi ko na pinakinggan yun.
Eto nanaman nasasaktan nanaman ako.. Nasaan na ba si harley?
Unti unting tumulo ang tubig na nanggagaling sa mata ko.
Nasan ba siya?
Ayan na sila..
"Hi Adella! Tara punta tayong Locker room? Samahan mo kami." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Oh c'mon wag ka nang maginarte bobita! Oops. I mean adella!"
"Ah-eh sige" hindi ko alam kung bakit lumabas yun sa bibig ko.
Nung nandoon na kami sa locker room.
"Alam mo adella? Ang uto uto mo talaga no? Ang t*ng* mo!" Sinipa nila ako na dahilan kung bakit ako bumagsak sa sahig.
"Ayan! Yan ang bagay sayo lampa!" Pumasok lahat ng mga kaklase ko dun. At pinagbabato nila ako ng kung ano ano. Ang sakit..
Harley? Nasan ka na ba?
Nilinlang mo din ba ko?
Katulad ka rin ba nila?
Sinasabunutan na nila ako. Punit punit na yung uniform ko.
Nanghihina na ko.. May pumalo pa sa likod ko ng napakalakas..
Ang dami nila.
Wala man lang isang tumutulong sakin. Nanghihina na ko.. Nanlalabo na yung mga paningin ko..
"Hoy, hoy tigil na! Mamamatay na ata yang nerd iwan niyo na" yun ang huli kong narinig umalis na sila. May bumuhat sakin, sino siya? Bago ko pa makita ang mukha niya nawalan na ko ng malay..
Nagising ako ng nasa clinic. Si harley kaya ang nagdala sakin dito?
"Uh, Ate? Sino po yung nagdala sakin dito?" Tanong ko sa nurse.
"Okay ka na ba? Di ko nakilala eh. Umalis kasi siya agad. Basta meron siyang bracelet na may nakalagay na B." Sabi naman niya.
"Ah sige po. Okay na po ako. Salamat po mauna na ko"
"Sandali! Anong nangyari sayo? Bat ka nga pala nagkagalos ng ganyan? At para bang may nanakit sayo?" Pagaalalang tanong nung nurse.
"Uhm wala po to ate! Wag niyo na pong pansinin! Wag niyo nalang pong ipagsabi sa papa ko!"
Lumabas na ako ng tuluyan..
Ayan nanaman sila sa mga bulungan nila.
Iniwan ako ni Harley na nagiisa. Babalik pa kaya siya?
At sino yung lalaking nagdala sakin sa clinic? Hay ang sakit na ng katawan ko kailangan ko nang uwuwi.
Wednesday ngayon at sa friday bakasyon na. Makakalaya na ko ulit sa kanila.
"Hep hep hep! Ano sa tingin mo? Makakaligtas ka samin ha? Nasan na yung tagapagtanggol 'kuno' mo? Sa tingin niyo ba matatalo kami ng ganon ganon lang? Mga hunghang!" Para silang.. mga demonyo!!! Mga demonyo kayo! Umiyak nalang ako ng umiyak. Hindi ko akalain na magiging ganito kamiserable ang buhay ko. Gusto ko lang naman maging masaya..
Bakit may mga ganitong klaseng tao? Tao pa ba sila?
Hindi na ko nakapagpigil..
"Kayo! Pinagkatiwalaan ko kayo! Akala ko.. Akala ko kaibigan ko kayo! Akala ko mabait na kayo! Yun pala, wala rin kayong kwenta! Nakakasawa na, Sige gawin niyo na lahat ng gusto niyo. Dito kayo masaya? Sige!!" di ko alam bat lumabas yun sa bibig ko.
"Aba! Sumasagot ka pa?!" Sinampal niya ko ng napakalakas. "Tiwala? Para lang sa mahihina yun dear. Wala ka talagang kwenta. Oh asan na yung prince charming mo?! Wala rin diba? Pinagtatanggol ka niya ba ngayon? Ha?!" Pinaghahampas nila ako. Lahat sila.. Hinayaan ko nalang na gawin nila sakin lahat ng yun.
"TUMIGIL KAYO! ANONG NANGYAYARI DITO?! Adella? Ginawa niyo to sa kanya ha? Ano bang pumapasok sa utak niyo? Lahat kayo, ipapakick-out ko di kayo kailangan sa eskwelahan na ito. Di lang kayo ang taong papasok rito. Umalis na kayo!" Pagkasabi ni daddy nun umalis na sila.
"Daddy sorry hindi ko sinabi sayo na ginagawa nila sakin to, akala ko okay na yung lahat akala ko mga kaibigan ko sila. Pa! Si harley yung kaisa isang akala ko totong kaibigan ko yun pala iiwan din ako sa ere. Pa ang sakit! Bat ganon sila pa? Dahil ba ganito ako?" Kahit na umiiyak ako malinaw na malinaw kong nasabi lahat ng yun.
"Shhh anak, tahan na. Umuwi na tayo. Pasensya ka na kung nagkulang ako ng pagbabantay sayo. Sabi ko na nga ba may mali. Kung di pa sinabi sakin nung nurse. Ang nangyari sayo. Yung harley ba anak? Tumawag sakin ang mga magulang niya. Sa ibang bansa na siya magaaral" pagkasabi niya nun mas lalo akong humagulgol sa iyan. " Anak Tahan na.. Ang mahalaga Wala na sila, wala ng mananakit sayo. Magpahinga ka na wag ka nang pumasok bukas." Pagkatapos nun umuwi na kami.
Hanggang ngayon masakit pa rin.. Hindi dahil sa mga nambully sakin. Kundi dahil sa kanya. Kay harley! Kay ley na hinangaan ko, na pinagkatiwalaan ko! Ang sakit sakit! Sobra.
Simula ngayon. Hinding hindi na ko magtitiwala.
Magiging matatag na ko. At itong itsura ko ba ang problema nila?
Sige! Tignan lang natin kung may magtangka pang kumalaban sakin.
Hanggang sa nag3rd year kami.
Wala na ang mga nambubully sakin. May bago nanamang mga taong walang kwenta!
Sayang wala na yung mga nambubully sakin eh. Si harley na iniwan lang ako. Sayang wala sila dito ngayon. Edi sana nakikita nila ako ngayon. Napangisi ako. Mali ako. Wala dapat na pagkatiwalaan. Kasi sarili ko lang ang makakaintindi sakin. Nagkamali akong magtiwala sa mga pekeng mga naging kaibigan ko.
*End of Flashback*
Ayoko nang ipagpatuloy pa ang mga nangyari nung 3rd year. Nakakaumay lang. Tsk!
Sana di ko nalang sila nakilala.
Ayoko nang maalala pa ang mga panahong mahina pa ko. Basta kung ano ako ngayon dahil yun sa kanila... Sa kanya. Ang lakas niyang batiin ako ng ganon ganon na lang, na para bang wala lang sa kanya lahat ng nangyari? Tss.

Ang bagong adella.
Matatag.
Matapang.
Kakaibang adella na nakilala nila noon.
Naranasan ko lahat nang mga yon sa edad kong 13 ang saya diba? Kaya ngayon..
Wala na kong pakealam sa pakikipagkaibigan.
Mas gusto kong mapagisa.
Wala silang nakikitang emosyon sa mukha ko. Anong paki nila diba? Mga impostor.
Hindi ako ngumingiti. Para san pa? Para magpanggap?
Hindi ganon kadali na kalimutan ang ginawa nila sakin.
Hay! Kailangan kong magrelax ngayon..
Pumunta ako sa Music Room.
Tumugtog ako ng piano saglit.
"Ang lungkot naman ng tinutugtog mo. May problema ka ba?" Sumulpot nanaman tong si Zach. -.-
Di ko siya pinansin. Pero hinila niya ko, "Kung may problema ka nandito ako. Di mo naman kasi ako napapansin eh. Kahit nung 1st year pa lang tayo.. Di mo man lang napansin yung mga kabutihang nagawa ko." Umalis siya bigla di ko gaano narinig ang huli niyang sinabi. Weird ~.~
Hanep ah? Siya pa may ganang umalis ng ganon.
.
.
.
ANO? Di napapansin? Dito na siya nagaaral nung first year pa lang? Pero bakit di ko siya nakikita?
Psh! Nevermind! Wala akong pake sa kanya. The hell I care?
Napabuntong hininga nalang ako at umalis na din don.
Uwian na pala. Di na ko naka-attend ng klase. Psh!
"Adella! Nandito kami uwi na tayo" naghihintay na sila dun sa gate.
Nagmotor ako. At sila naman nakasasakyan.
Nang makarating kami sa bahay namin..
"Bye adella! Thanyou pumayag ka sa pagsabay sa paguwi!" Napangiti naman ako dun.
Hay. Totoo na kaya tong pinapakita nila sakin?
Di kaya sila katulad ng mga naging kaibigan ko dati? I mean ng mga walang kwentang nagkunwaring kaibigan ko dati?
---------------------------------------------------------------------------

Yan nareveal na kung ano yung mga naranasan ni adella kung bakit naging ganon na lamang ang naging ugali niya ngayon.
Sorry masyadong mahaba yung flashback. Pinaikli ko na lang yun eh!
Abangan ang mga susunod pang mare-reveal XD =)

A Coldhearted Girl and the trio (ON HOLD)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon