Adella's P.o.V
Dapat talaga di na ko nagpabili ng phone sa tatay ko eh.
Ayoko na siyang makausap.
Dahil sa kanya..
Naging ganito ako! Bat pa niya naisipang bumalik? Nung araw na kailangan ko siya..
Wala siya sa tabi ko.. Yung araw na hinang hina na ko, yung araw na wala akong laban. Yun din yung araw na umalis siya. Di man lang siya nagpaalam.
Tapos ngayon babalik siya? Kung kailan wala na si Adella na kilala niya dati. Si Eyem na hangang hanga sa kanya. Kay ley, na tagapagtanggol niya. Those f*ckin' memories of ours? Binaon ko na yun sa lupa.
Tumingin ako sa phone ko.. Si harley, fine! Sasagutin ko to, ngayon lang! Tss
"Hello Adella! Punta ka dito sa starbucks malapit sa ***** road, usap naman tayo o! Namiss kita ng sobra sobrang dami kong gusto sabihin sayo. Unang una... Gusto kong magsorry" Sorry? Tss
"Kung ayoko?" Kahit nasa kabilang linya siya ramdam ko ang pagkagulat niya sa salitang binitawan ko.
"Adella? May problema ba? Ang sungit mo ngayon! Ikaw talaga hahahaha" Wow. As in wow. Parang wala lang nangyari ah. May utak ba to? Psh.
"Bukod sa pagdating mo, wala naman akong problema." Walang kaexpre-expression kong sabi.
May gusto pa siyang sabihin pero, bago siya magsalita agad ko nang pinindot yung end call.
Di na dapat ako magpaapekto dito eh.
Thursday ngayon. Kaaga aga tinawagan ako, kabadtrip ng umaga. Di niya ba alam na nagaaral ako? Oo nga pala wala namang paki talaga sakin yun simula pa lang. Bored lang siya kaya niya ko kinakausap. Pag may kailangan lang niya ko kakausapin. Great. Just great!
Makapasok na nga..
"Anak, nagenroll na ulit si Harley sa Cxlis. Anak naman, wag ka ng magalit sa kanya di niya ginusto yun, kailangan siya ng mga magulang niya."
"Tama na dad. Sawa na ko. Wala na rin naman akong pakialam eh. Sige dad, pasok na ko" dire-diretso na kong lumabas sa pinto namin di ko na hinintay ang gusto niyang sabihin.
Sumakay na ko sa motor ko. At pumunta na sa school.
"Ang cool niya na no?" Sabi nung babae. So what?
"Ang astig niya kaso ang sungit talaga eh" sabi naman nung katabi nung babae kanina.
"Sus akala mo kung sino."
"Porket kamaganak niya lang ang mayari sa school na to kala mo kung sino"
"Eh nung first year nga wala namang kalaban laban yan, loser!" Bullsh*t. And daldal na masyado netong mga babaeng to ah.
Nilapitan ko sila kinausap ko yung nasa gitna nila.
"Anong sabi mo? Kung magsasalita ka dyan nang kung ano anong kash*tan sakin siguraduhin mong hindi ko maririnig. Hindi mo alam ang kaya kong gawin sayo." Walang kagana-gana kong sabi.
"B*tch." Pabulong niyang sabi.
Hindi ko na pinansin yun. Dumaan nalang ako sa gitna nila, sinadya kong banggain ang braso niya.
May pinagaralan ako. Hindi ko sinasayang ang oras kong makipagtalo sa walang kwentang tao. At alam ko naman kung sino ang b*tch saming dalawa. Tss
Papunta na ako ng room.
Nakita ko si xaira. Himala di sila magkasama ngayon ni mitch.
"Goodmorning adella!" Bati niya sakin, habang papalapit sa kinatatayuan ko.
"Nasan si mitch?" Di ko alam kung bat natanong ko yun.
"WOAH! himala hinahanap mo siya, oo isang himala nga to" big deal ba yun?
"Grabe adella, mahal mo rin pala talaga kami no? Omygoodnesses to the highest level. Hihihihi nikikilig naman ako dun." The heck?! Tumingin siya sa likod ko at..
"MITCH! Tara, namimiss ka na ni adella!"
"Ang ingay mo pwede ba wag kang maingay. Kabadtrip eh"
"Sorry na adella, eh kasi naman nakakatuwa talaga tignan mo si mitch oh speechless. HOY MITCH!" Kinalabit niya na ito. Tulala ang kumag.
"Ay g*gang dwight na nakakabwisit." Wtf? Anong pinagsasabi neto?
"OMG Mitch anong nangyari sa inyo ni dwight? Ikaw ah? Ano yan?" Sabi ni xaira.
"Ang dumi ng utak mo xaira. Ano kasi eh A-ano.. Si Dwight kasi kahapon.."
"Anong nangyari? Ha? Dalian mo naiinip na si adella oh 10 minutes nalang magstart na yung klase" Xaira said.
"Ano kasi, nakita niya daw akong pinapanood si zander na may kahalikan, ek kasi naman di ko naman ginusto yun saka anong bigdeal diba? Nasabihan ko siya na, 'Pakielamerong Bakla', tapos yun sabi niya sino daw bakla, tapos, tapos papalapit siya sakin, Sabi niya 'Gusto mo testingin natin sayo kung ano pinagkaiba nang bakla sa lalaki', Nakakainis yung tingin niya ang bastos niya. Arghhhh!" Pake ko?! Bat pa kasi huminto pa ko dito eh. Nakakarindi -.-
"Omygash talaga? *o* Ang swerte mo naman mitch :"> Ano bang bigdeal dun? Parang yun lang maggaganyan ka kung nirape ka ng tao, ay hindi pala! Okay na rin kasi ang pogi kaya ni dwight :"> Hihihi!" The hell. Makapasok na nga sa room.
"Wait adella" sabi ni xaira pero di ko na siya nilingon pa."
Mitch's P.o.V
"BIG DEAL PARA SAKIN YUN!!!" Kainis talaga tong si xaira. Napakaano!
"Shhhh. Ang ingay mo teh! Oo na oo na!"
*kring kring*
Sa wakas.. Makapasok na nga sa kabilang room.
"Mitch mamaya ah? Hanapin nalang natin si adella. Kainis naman kasi dapat kaklase nalang natin siya eh" yep inilipat kami ni xaira sa section B dapat section A din kami siguro nirequest ni adella na ipalipat kami. Haaay :/
"Okay class! Goodmorning! Bago tayo magsimula sa lesson natin, may bago kayong kaklase, dati na siyang nagaral dito noong 1st year to 2nd year highschool. Nagmigrate sila nang pamilya niya noong 3rd year highschool na siya.
Pasok Mr. August, Introduce yourself.." Ohh. Mukang madadagdagan nanaman ang hearthrob dito sa school.
"Uhm Hi guys! I am Harley August. Mahilig ako magbasketball, ahm tumutugtog ako ng kahit anong instruments. Yun lang. Nice to meet you all." Pagkasabi niya nung binigyan niya kami ng isang matamis at nakakalaglag panty na ngiti. Oops. Hahaha! Kidding. As usual, nagtilian nanaman yung mga girls..
May naghagis ng nakabilog na papel sa ulo ko. Binuksan ko ito.
Ang pogi niya no mitch?! WAAAAH! Grabe bat ang daming pogi dito sa school.
Buti nalang talaga dito nagaaral si adella. Hihihi.
The gorg. Xaira <3
Mga kalokohan talaga netong babaeng to eh. Tumingin nalang ako sa pwesto niya at ngumisi.
Blah blah blah
Blah blah blah
Blah blah
1 hour later..
"Class dismissed"
Hay salamat naman!
"Xaira! Dalian mo tara na!"
"Grabe mitch! Ang pogi nung harley na yun no? Kilala kaya ni adella yun? Dito daw nagaral yun simula 1st year hanggang 2nd year eh. Sa tingin mo mitch?"
"Aba malay ko! Ano tingin mo sakin manghuhula? Madam auring? Ganon?" Sabi ko. -.-
"Ahm medyo? Kamuka mo kasi dear eh! Hahahaha!" Binatukan ko siya. "Aray ah! Di ka talaga mabiro mitch haha!"
"Ang daldal mo! Tara na nga!"
Habang naglalakad kami, Nakita ko yung trio. Nandun sila sa lagi nilang pwesto sa canteen. Mukha silang mga nalugi. Psh! As far as I Know, naiingit tong mga to kay harley kasi tatlo sila pero natalo sila nung isa. Mas na lamangan sila ni harley. Huh! Buti nga sa inyo! Tama lang sa inyo yan. Kala niyo kayo lang ang gwapo sa mundo? Psh! Lalo ka nang dwight ka?
"HOY MITCH! Nakikinig ka ba sakin? Kanina pa masama tingin mo dun ah sino ba tinitignan mo ha? Oy ah si dwight ba? Yieee"
"Ano ba xaira? Porket tumitingin dun sila na agad di ba pwedeng ano.. Hinahanap ko lang si adella?"
"Wushu! Hinahanap daw eh kanina ko pa sinasabi sayo na nakita ko na si adella di ka naman kumikibo dyan. Mga reasons mo eh no. Hihihi tinamaan ka na ba kay dwight?"
"What the?!! Ano bang pinagsasabi mo dyan? Eh kasi naman.. Psh! Nevermind!" Sabi ko.
"Hay nako Mitch! Hahaha! Natatawa ako sa itsura mo kanina habang nakatingin sa kanila. Tara na nga hanapin nalang natin ulit si adella" Sumangayon na ko saka kami naglakad.
Dwight's P.o.V
Nandito kami sa canteen! Nakakabadtrip yung bagong student na yun ah?! Feeling niya sikat na siya? Kainis!!
May tatlong section sa senior.
Section A, B at C. Kaming trio tanggap na namin na section C kami. Pero potek kabago bago nung lalaking yun bat napunta siya sa section B? Kainis.
"Nakakainis naman, di ako makadingwit ng chix! Bwisit kasi yun eh!" Inis na inis na sabi ni zander.
"Pwede ba Zander? Pinagkakaguluhan lang yun kasi bumalik na siya, ibang iba na siya ngayon. Di niyo ba natatandaan yong lalaking yun? Siya yung weird nating kaklase nung first year tayo."
Zach said.
Siya?! F*ck ano yun nagparetoke siya? Ibang iba na siya ngayon.
"Totoo ba yang pinagsasabi mo zach? Yung.. yung binubully natin? Siya yun? Laki ng pinagbago ng gunggong na yun ah" Zander said.
"Oo. Siya nga, alam ko naman na mahina parin yan hanggang ngayon. Sus!" Proud na pagkasabi ni zach.
Tama! Di kami matatalo ng isang tulad niya.. Si harley? .. Wala naman siyang kwenta mula pa noon, kahit pa hanggang ngayon. Tss!
-----------------------------------------------------------------------------
Pagpasensyahan ang chapter 5. Hahaha ✌️
BINABASA MO ANG
A Coldhearted Girl and the trio (ON HOLD)
Roman pour Adolescents[{ON HOLD}] Sa mga nangyari sa buhay ko noon, nadala na ako. Masakit, and at the same time nakakainis, bakit pa ako nagtiwala? Para saan pa? Ang mahirap kasi doon nagpadala ako sa emosyon ko. Noon yun. Pero ngayon, I am cold as ice...
