Xaira's P.o.V
Hello guuuuuys! Hihihi. Ako nga pala ulit si Xaira Lederson, kaibigan ako ni sungit. Oops, I mean ni Marie. Ayaw niyang tinatawag siyang marie. So ssshhhh lang kayo okay?
Oo nga pala, Mayaman kami, halata naman diba? Pano ako makakapagaral sa CXLISchool kung poor kami diba? Transferee kami ni mitch kasi gusto na naming makasama si adella lagi hihi. Mayaman din si adella and mitch, si Adella di halata sa kanya na mayaman siya kasi di talaga palaayos yun pero ang ganda niya parin, di lang napapansin ng iba..
Mabait ako sa mabait, minsan maarte sa ibang bagay, hahaha! Makulit kami ni mitch, kaya naiirita samin si adella. Pero, okay lang yun natatawa talaga kami kay adella pag naasar siya eh parang nalugi ng isang bilyon! So yun na nga, gusto niyo ba ako nalang magkwento kung ano ang buhay ni Adella?
(Opooooooooo!!)
Okay sige! Hihihi. Ganito yun Si Adella 15 palang yun, alam niyo namang 4th year Highschool na kami diba? Matalino yun! Nako nung elementary kami kahit di makinig sa teacher, pag exam at recitation alam niya na at lagi pa siyang perfect sa mga quiz. Minsan lang siya magkamali, tapos sa minsan na yun one mistake or two mistakes lang.
Ang galing diba? Ewan ko nga kung bat ganon yun eh. Too blessed. Pero wala eh ang snob niya sa mga tao, kaya blessed din kami ni mitch kasi kahit papaano kinakausap niya kami. Nahirapan din kami dun dati para kausapin lang kami. Back to the topic, yung mom niya nasa ibang bansa bumabalik lang yun tuwing bakasyon, so yung dad niya lang yung lagi niyang nakakasama. Lahat ng gusto niya nasusunod. Pero alam naming mabait yun si Adella, mukhang tinatago niya lang eh, sa tingin niyo tama ba ko? Tinatago niya lang siguro kung ano talaga yung pakiramdam niya no? Hahahaha joke. Yun lang ang alam ko sa kanya. Alam niyo naman di naman nagkikwento yun about sa personal niyang buhay..
2nd day na namin ngayon, kahapon kasi umuwi kaagad si adella.
Habang papunta ako sa pinto ng locker room may mga nagsisigawan..
"OMYGOOOOOD andito na yung TRIO ^.^"
"Ughhh ayan na sila ang popogi talaga nilaaa"
Tilian sila ng tilian at nagkukumpulan pa sila sa dun.
Ano kayang nangyayari?
Si mitch ba yun? "MITCHHHH Hoy babae!"
Tumakbo siya papalapit sakin.
"Uy Xaira anong meron dun?" nakangusong turo niya dun sa mga nagkukumpulan.
"Ewan ko!!! Kung makatili yung mga babae dun kala mo--"
Ohhhhmyyyyyy... Ang popogi~ ^.^
"Hoy anong nangyari sayo?" Sabi ni mitch.
"Mitch tignan mo ang popogi nila waaaah!"
"Oo nga no, Sila pala yung pinagkakaguluhan kaso mukang mga babaero, tignan mo yung isa oh kala mo napakagwapo may paflying-flying kiss pang nalalaman -.-" inis na sabi ni mitch.
Biglang dumating si Adella
"Hi Adella!!" Sabay na sabi namin ni mitch.
"Kilala mo ba yung mga yun? Yung the trio daw?" Sabi ni mitch.
"Hindi" cold na pagkasabi ni adella.
Hay kahit kailan talaga.
"Hey Girls, narinig namin ang usapan niyo, di niyo kami kilala?" Biglang may sumulpot sa likod namin. Golden brown ang kulay ng buhok niya. OhEmGi as in OMG totoo ba to? Ang lapit ng mga mukha nila samin? Bat dalawa lang sila? Kala ko ba trio? Pero Wieeee parin *o*
"Hindi nga, sino ba kayo? Bat ganyan kayo umasta? Mga artista ba kayo?" Sabi ni mitch.
"Oh easy lang babe, magpapakilala nalang kami sa inyo. *ehem ehem* Hi girls, I am Zander Tadeo. Ang pinakapogi sa trio." Tinuro niya naman yung may blonde hair tapos nakataas yung buhok niya, " Siya si Dwight Smith" tapos tinuro niya naman yung lalaki na black na black yung buhok, Ahhh yun pala yung pangatlo.. Nakaupo siya medyo malayo layo samin, nakatalikod eh di ko makita yung mukha. "Siya ang pinakasikat samin, siya si Zachary Brett Farell, pero kilala siya as Zach" ngiting ngiting sabi ni.. ni..
"Sino ka ulit?" Tanong ko.
"Zander! At your service ;)" kinindatan pa talaga ako hihihi ang pogi. Samantalang si mitch hawak hawak lang ang cellphone niya, si Adella pala kanina pa wala sa tabi namin. Grabe talaga yun.
"Ah okay. By the way, Hi zander and dwight, nice to meet you all, una na kami, by the way my name is Xaira and her name is mitch" ang weird nung dwight parang si mitch parehas silang hawak hawak mga cellphone nila.
"Woah nice name sweetie. Nice to meet you more pati sa kaibigan mo, see you later kung magkita ulit tayo dito sa school" kinindatan niya ko. OMG :"> Umalis nalang kami ni mitch hinila ko na siya. Para di halatang kinikilig ako, hahahaha!
Nasan na kaya si adella bigla biglang naglalaho. Nandito kami sa park, laki ng school na to eh.
"Napakalandi nung zander, wag ka masyadong magpacute dun ah? Nako Xaira wala kang mapapala dun mukang babaero" biglaan at bitter na pagkasabi ni mitch. Hay nako talaga tong babaeng to!
"Pwede ba, mind your own business, porket mtb lang kayo ni dwight ah"
"Huh? Mtb?" Nagtatakang sagot ni mitch.
"Meant to be!! Ano ba yan parang yun lang! Parehas kasi kayo ni dwight kaninang nagcecellphone lang at bagay kayo. Yieeeee" sinundot sundot ko yung tagiliran niya. Hahaha
"Pwede ba Xaira! Wag mo kong dinadamay sa mga ganyan. Iniiwasan ko na ngang magkagusto sa iba eh.." Napayuko siya..
"Uhm sorry mitch! Di na mauulit!"
"Oo na oo na! Tara hanapin natin si adella" mitch said.
Lakad
Lakad
Lakad
Tingin dito tingin doon.
Shoot si adella natulog nanaman sa room siya lang magisa.. Hay, As usual. Ano pa nga bang inaasahan namin dito?
--------------------------------------------------------------------
-inthroughvertpanthe✌️

BINABASA MO ANG
A Coldhearted Girl and the trio (ON HOLD)
Novela Juvenil[{ON HOLD}] Sa mga nangyari sa buhay ko noon, nadala na ako. Masakit, and at the same time nakakainis, bakit pa ako nagtiwala? Para saan pa? Ang mahirap kasi doon nagpadala ako sa emosyon ko. Noon yun. Pero ngayon, I am cold as ice...