Chapter 7.

91 8 3
                                    

Harley's P.o.V
Nasa bahay~
Hello Guys! Kilala niyo naman na ako diba? So yun, nagsimula akong magaral sa CXLISchool noong First year. Mag se-seventeen na ko, uhm
Mayaman kami. Pero kasi nagkaroon ng problema ang business namin. Kailangan ako doon kaya nung 2nd year ako kung kailan magbabakasyon na doon pa ako biglaang pinatawag.
Kaya ayun, di ko rin masisisi si Adella. Kung alam niya lang kung gaano ko siya gustong puntahan pero huli na kailangan na kailangan ako ng magulang ko nung mga panahon na yun.
Hindi niya alam kung gaano ako nagsuffer sa school na yun. Sh't lang! Nagsisisi ako na don ako nagaral.
Until I met her. Nang makita ko kung pano nila saktan si adella, Ang bilis ng tibok ng puso ko nun, Parang gusto ko sila lahat saktan. Pero di ko magawa kasi katulad lang din ako ni adella. Puro salita lang ako pero di ako makalaban.
Nung mga panahon na sinabihan ko siya na maganda siya, hindi ako makatingin sa kanya nun.
Oo. Matagal ko na siyang gusto. Kahit na ganon ang itsura niya? Hindi importante sakin yun. Sa kanya lang tumibok yung puso ko ng ganito.
Naalala ko pa nung sinasaktan at sinasabihan ako ng masasakit na salita nang mga taong yun.. Tatlo sila! Hinding hindi ko makakalimutan ang mga mukha nila! Wala silang kwenta! Mabuti na lang at hindi nila sinasaktan si adella.
Nung nag2nd year kami, di ko akalain na mas lumalalim ang nararamdaman ko. There, I realize that I am deeply inlove with her.
Hindi ko alam kung paano o kung bakit, I just did. Nangyari na. Ganon naman pag nagmahal diba? Hindi kailangan ng dahilan kung bakit nagustuhan mo siya basta siya ang tinitibok ng puso mo.

Kapag nandyan siya, nakakalimutan ko yung mga problema ko, pag nakikita kong masaya siya, automatic na rin na napapangiti ako.
Damn! Ganito ba talaga? Tama ba yung nararamdaman ko? Kasi kahit nung nasa ibang bansa ako, siya parin ang nasa isip ko. Siya kaya? I force a smile.. Oo nga pala galit siya sakin. Oo ako na masama!
Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya.
At ang sakit kasi akala niya iniwan ko lang siya sa ere.
Kung alam mo lang adella.. Di mo kasi ako hayaang makapagpaliwanag..
Tss! Nababaliw na ko! Baliw na baliw na ko kakaisip... sa kanya..

****
Si papa.
"Hello Anak? Musta school? Nako anak ang sabi sakin ni kumpare galit sayo si adella. Nako anak, kausapin mo na siya, dalian mo. Ang sabi pa sakin ni kumpare eh malaki daw pinagbago ng anak niya nung nawala ka.." Kelan pa naging madaldal tong tatay ko haay hahaha!
"Oo pa! Kakausapin ko siya kahit ilang beses niya kong ipagtabuyan. Pa naman, wag mo nang ipamukha sakin na iniwan ko siya! Hindi ko naman ginusto yun eh diba?"
"Oo na oo na. Hay anak! Matured ka na dati baby ka lang namin ng nanay mo. O sige pag di kayo nagkabati hintayin ka namin ulit dito sa Korea ha?"
"Pa naman! Ayoko nang mawala ulit sakin si adella"
"Osya osya, sige na. Marami pa kong tatapusin, kinakamusta lang kita dyan nak. Magiingat ka. Sige baba ko na"
"Salamat pa" at ibinaba na ni papa. Narinig ko pa siyang natawa.
Hanggang ngayon, inaamin ko, di pa rin nagbabago yung nararamdaman ko para sa kanya. Masyado akong natamaan eh! SAGAD Brad! Hanggang sa ilalim ng buto ko. It may sounds so cliché and cheesy but adella is my strength. my world. Siya ang nagsilbing lakas nung mga panahong mahina ako. Di ko nga akalain na masasabi ko yung mga nasabi ko noon sa mga nanakit sa kanya eh. Siya ang nagpasaya sakin habang nasa ibang bansa ang mga magulang ko, despite of my physical appearance, my presence, nung sinabi ko na parehas kami, tingin niya matatag ako at tinanggap niya ko bilang kaibigan niya.
Hanggang kaibigan nalang talaga adella? ..

Adella's P.o.V

Urgh! Ang sakit nang ulo ko! Darn!
Tumingin ako sa cellphone ko, what the?! 2:10 am? Ano bang nangyayari sa utak ko at ginigising ang buong katawan ko ng ganitong oras?
The hell!!
Makainom nga muna ng tubig!
"Madaling araw nakabusangot ka dyan"
"Pa?! I almost died! Bat ba bigla bigla kayong sumusulpot? You really creeping me out. Tss."
"Ano ba yan nak, di ako aware na dumadaldal ka na ah. Anong kayo? Isa lang ako nak. Dahil ba kay harley nak? Pati pagbibilang nang maayos di mo na alam?" Tinataas baba niya pa ang kilay niya habang nakangiti. F*ck! I am really pissed right now! Tsk. Di hamak na mas madaldal tong tatay ko. Diba?!
"Are you done talking about nonsense dad? Pwede na ba kong umakyat? Tss." Walang kagana gana kong sagot sa kanya.
Umakyat nalang ako. Damn. Umagang umaga, I mean madaling araw gising si papa? Tapos babadtripin ako?
Makatulog na nga lang ulit!

A Coldhearted Girl and the trio (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon