•Nasa Bahay•
Adella's P.o.V
Nagmadali akong umuwi, may sasabihin kasi tong tatay ko sakin. Siguraduhin niya lang na nakakatuwa yung sasabihin niya..
"Oh anak andyan ka na pala!" Panimula ni papa.
"The heck dad! Ano ba sa tingin mo? Tss. Pinagmadali mo pa ko ganyan lang naman pala sasabihin mo."
"Hay nako anak! Hindi pa nga ako tapos eh. Ganito kasi anak, kailangan ako ni mama mo para asikasuhin yung business natin doon sa china. And hindi kami kaagad makakauwi kasi madami talagang aasikasuhin, at isa pa wala kang makakasama dito, kaya napagdesisyunan ko na.." He said while thinking.
"Ano dad?!"
"Ano anak, sasamahan ka dito ni harley" napasigh siya.
"No dad. Mas gugustuhin ko pang magisa ako dito. Ayoko." Walang gana kong sabi.
"Anak!! Hindi pwedeng ikaw lang magisa dito! 16 ka palang! Intindihin mo naman anak.. Yung negosyo kasi nila fred bumabagsak na at binenta na nila ang bahay nila. Hindi pa nga alam ni harley na nangyayari yun. Walang kaalam alam ang anak niya. Maawa ka sa kanila adella, wala silang tirahan, lalo na kay harley, 16 lang din yun at may tiwala ako sa kanya. Gusto kong siya ang makasama mo dito. Pansamantala lang naman habang aayusin din yung negosyo nila matatagalan ako kasi tutulungan din namin ang mga magulang ni harley sa ibang bansa." Speech ng tatay ko. Tss
"So what? Wala akong pakialam sa kanila. Kung gusto mo dito mo siya patirahin kasama ng mga maid. hahanap ako ng sarili kong matitirhan!" Mariin kong sabi.
"Akyat na ko" bago pa siya magsalita umakyat na ko.
Habang nakahiga ako, iniisip ko yung kalagayan ngayon nila harley. Wala naman talaga akong pakialam. Kaso kasi maaring hindi na makapagaral si harley sa CXLIS kasi wala na silang pera. Tss oo nga pala andyan yung dakila kong tatay.
*tok tok tok*
Agad akong tumayo at binuksan ang pinto.
"Anak, pwede ba kitang makausap?"
"Ano pa bang ginagawa mo?"
"Anak, hindi ko na gusto yung pagiging ganyan mo. Sobra na yan anak, hindi mo na iniisip ang kapakanan ng iba. Puro nalang ikaw. Bakit ka ba nagiging ganyan? Sobra na adella. Di na kita kilala. *sigh*" napayuko siya.
"Puro ako? Sa tingin niyo pa? Bakit ako naging ganito? Gusto ko lang naman sumaya pero dahil sa mga lintek na mga taong nasa paligid ko damn dad! Naaalala't naaalala ko lahat ng nakaraan. Kung gaano nila ako pinagtabuyan, sinaktan, sinabihan ng masasakit na salita sa harap ng maraming tao, at higit salahat.. Ang iwan. Wag na wag niyo sakin isisisi kung bakit ako naging ganito. Bakit sila? Inisip ba nila yung mangyayari sakin? Yung magiging epekto sakin?" Walang gana kong sabi habang diretsong nakatingin sa kanya.
"Anak naiintindihan ko lahat ng pinagdaanan mo. Pero anak! Nakaraan na yun! Dapat mo nang ibaon yun sa limot! At magbagong buhay ka. Hindi mo kailangang baguhin ang pakikitungo mo sa ibang tao. Ang gusto ko lang naman magkausap rin kayo ni harley ng maayos. Hayaan mo siyang makapagpaliwanag sayo kung anong nangyari.. Kung bakit umalis siya. Hindi ka niya iniwan anak! Hindi! Sa ayaw at sa gusto mo dito muna titira si harley. Tapos ang usapan!" Sabay talikod niya.
Damn it!! Ngayon, sila pa ang kinakampihan ng tatay ko.
Ugh! Nakakainis!
Ano ba sa tingin ni papa? Na madali lang makalimutan ang mga nangyari sakin? Kung siya kaya makaranas na isa laban sa lahat? Isa ka lang pero inaapi ka ng lahat. Oo andyan nga si harley, pero hanggang salita lang siya! Yun pala iiwan din ako. Hindi ko kailangan ng paliwanag niya.
Hindi ko binago ang sarili ko.
Naging ganito na talaga ako ng dahil din sa kanila. At mas gusto ko yung ganito. Alangan namang maging mahina nanaman ako diba? Nakakasawa na kasi eh!
Ang sakit pa kasi.. Nagustuhan ko na si harley nung mga panahon na iniwan niya na ko.
Sa kanya ko lang naramdaman yung kakaibang feeling. Ugh! Enough. Ayoko na!
Magkakasama kami ni harley dito? Argh!!!!
Magpapahinga na muna ako. Ayoko nang magisip! Psh.
Harley's P.o.V
Kanina pa ako nakauwi~
Biglang may tumawag.
Ah si papa..
"Oh hello pa!"
"Anak tinawagan ka na ba ni kumpare?"
"Sinong kumpare mo pa?"
"Si pareng daren yung tatay ni adella anak. Hindi ka pa ba tinatawagan?"
"Huh? Bakit naman niya ako tatawagan? Ano bang meron pa? Anong nangyayari?"
"Anak, pasensya ka na kung ngayon ko lang to sasabihin. Yung negosyo natin dito anak bumabagsak na, simula nung umuwi ka nagkagulo gulo. Ayoko nang pabalikin ka dito kasi iniisip ko din si adella, gusto kong makapagusap kayo. Kaya naman napagdesisyunan ni pareng daren na umalis muna dyan sa pilipinas at asikasuhin ang negosyo nila buti nalang mabait siya kaya tutulungan niya din kami dito anak. Saka nga pala, binenta ko na ang bahay natin dyan anak"
"ANO?!! pero pa saan ako titira?"
"Kalma lang nak. Tatawagan kita bukas, bukas ko sasabihin kung saan ka pansamantalang titira. Okay? Sige bye na" hindi niya na ko hinayaang pagsalitain, binaba niya na kaagad.
Nandito na ko sa kwarto ko.
Ano na kayang nangyayari sa ibang bansa? Hay daming problema. Kainis.
San ako titira? Makakapagaral pa ba ko? Badtrip talaga!! Kakausapin pa kaya ako ni adella? Magkakabati kaya kami? Magiging okay ba ang lahat? Ang dami kong tanong pero sino naman ang sasagot? Wala diba.
May kumakatok sa labas.
Dali-dali akong bumaba at binuksan ang pinto.
Ang tatay ng pinakamamahal ko.. sh*t so gay..
"Uh, Goodevening po Sir Daren" magalang na sabi ko.
"Nako harley. Napakapormal mo naman. Call me tito nalang." Sabi ni tito.
"Uh sige po tito. Pasok po kayo"
"Salamat iho" nakangiti niyang sabi.
"Upo muna po kayo, gusto po ba ng makakain? Maiinom?" Sabi ko. Bait ko eh no? Tatay kasi to ni adella eh :")
"Hindi na iho, may sasabihin lang akong importante sayo." Pagkasabi niya nun tumabi ako sa kanya.
"Ano po yun?"
"Sa tingin ko naman nasabi na sayo ng tatay mo kung anong nangyari sa negosyo niyo. Willing akong tulungan kayo harley. Wag kang magalala kung saan ka titira at saan ka magaaral na, kasi sa cxlis ka parin magaaral, ako na ang bahala sayo. Iho, maari ko bang ibilin sayo ang anak ko? Tulungan mo siyang magbago. Matatagalan ako, bago makauwi. Ibang iba na siya. Binabalot siya ng nakaraan. Gusto kong saamin ka tumira.
May tiwala ako sayo na babantayan at proprotektahan mo si adella. Wag mo kong biguin harley"
"Ah..ehh.. Oo naman po proprotektahan at babantayan ko po ng maigi si adella. Pero tito, okay lang po ba kay adella na doon po ako tumira?"
"Hindi. Hahaha, pero sa ayaw at sa gusto niya ako ang masusunod. Ama niya pa rin ako. Bukas na bukas, mabuti nalang at friday ngayon makakahanda ka na. Bukas na ang alis ko kaya ikaw bahala kay adella ha?." Hanep din tong tatay ni adella eh.
"Sige po tito. Salamat po sa lahat, sana po maayos na ang lahat" napayuko ako.
"Alam mo iho, natutuwa ako kasi nagkaroon si adella ng kaibigan katulad mo. Maayos ang lahat iho magtiwala ka lang" tinapik niya ko sa likod.
"Oh sige uwi na ako ha? Goodluck nalang kay adella hahaha" pagkasabi niya nun hinatid ko na siya sa labas at nagpaalam narin ako.
Haaaaaaaaaaaay
Anong gagawin ko? Pero masaya na rin kasi matagal tagal kong makakasama si adella. Parang magasawa lang kami noh? :")
Makapaghanda na nga para makatulog narin ako.
****
Kinabukasan
Nahanda ko na pala yung mga gamit ko.
Kakain na muna ako bago pumunta kila Tito Daren. Nang biglang may tumawag.
Si papa ulit.
"Hello anak!! May lilipat na dyan sa bahay natin. Mabuti nalang malapit lapit lang yan sa bahay nila adella. Iwelcome mo yung bagong titira dyan ah? Balita ko may anak din silang nagaaral sa CXLIS. Osya nakausap mo na ba si pareng daren?" Grabe naman tong si papa haba ng sinabi -.-
"Oo pa. Alam ko na ring sasamahan ko si adella pansamantala habang wala si tito."
"Oh. Good, good. Sige bye nak. Goodluck ah! Haha" napangiti naman ako at ibinaba niya na.
Narrator's P.o.V
Sa kabilang banda, ang ama ni adella ay naghahanda na para sa kanyang pagalis. At si adella naman ay may sariling mundo at para bang walang pakialam sa mangyayari mamaya.
Magpapaalam na si Daren sa kanyang anak.
Nakaupo lamang si adella.
"Anak, aalis na ko. Magiingat ka dito ah? Alam ko namang kayang kaya mo ang sarili mo. Tatawag nalang ako sayo pag may time okay?" Pagkasabi niya nun hinalikan ng ama ang noo ng kanyang anak. At walang kagana-ganang sabi ni adella,
"Okay dad. Ingat din kayo"
"Sige nak. Loveyou." At tuluyan nang lumabas ang ama ni adella. Napangiti naman si adella ng kakaunti.
Ramdam na ramdam ni adella na mahal na mahal siya ng kanyang ama.
At nakaramdam siya ng lungkot sapagkat hindi niya alam ang mangyayari sa mga susunod na araw.
****
Sa kabilang banda, may mga naghahanda narin upang lumipat sa dating tirahan ng pamilyang august. Malapit lamang ito sa tirahan nila adella.
Si Harley naman, hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sapagkat halo halo ang kanyang emosyon ngayon, iniisip niya ang magiging reaksyon ni adella, at ano kayng mangyayari sa kanila dahil matagal tagal din silang magsasama.
Isa lang ang tanging nangingibabaw kay harley,
Masaya siya, sapagkat marami siyang pagkakataon para makausap ang taong gusto niya, sabihin na nating mahal niya na.
Sa huling pagkakataon bago tumungtong ang ama ni adella sa eroplano, tumawag ito sa kaibigan ni adella, na si Mitch, nalaman nito ang numero sa ama ni mitch dahil isa ang ama ni mitch sa mga malapit na kaibigan niya. Di-nial niya na ang numero ng kaibigan ng kanyang anak at agad naman nitong sinagot.
~
"Hello? Sino po ito?"
"Mitch, iha, I am adella's father. Can I have a favor my dear?"
"Uhh tito, kayo pala, oo naman po sure. Ano po yun?"
"Please take care of my daughter. I trust you and xaira. I know na totoo kayong kaibigan ni adella. I am really thankful na kahit hindi ganon kaganda ang pakikitungo sa inyo ng anak ko, but the two of you still there beside her. Thank you for that."
"Nako tito. Wala po yun. Napamahal na po talaga si adella samin kahit nung mga bata palang po kami. Kaso mahirap po talaga minsan pakisamahan si adella tito hehehe. joke lang po, me and xaira will try our best po para mabago ang ugali niya ngayon. Bakit niyo po pala sinasabi to tito?"
"Business iha. Marami akong dapat asikasuhin. At ngayon na ang alis ko. Gotta go mitch. Tinatawag na ang mga pasahero. I trust you okay? Thanks." At ibinaba niya na ito.
Napaisip naman si mitch. Sino kaya ang kasama ngayon ni adella. At naisipan niyang puntahan si xaira at gusto niya itong yayaing pumunta sa bahay nila adella.
------------------------------------------------------------------------
Sino kaya ang lilipat sa bahay nila harley? At ano kaya ang mangyayari sa bahay nila adella kung ang tanging kasama niya lang ay si harley at ang iba pang maids? goodluck nalang kay harley. =)
MAHALAGA PO ITO, PAKIBASA PO: >
Other characters maliban kila Adella, Mitchira Makinawa, Xaira Lederson, Zander Tadeo, Zachary Farell, Dwight Smith, at Harley August.
~ Johnny Nareo - tito ni adella
~Arcy Nareo - first love ni zach, anak ni johnny pero hindi alam ni adella na may anak ang kanyang tito :)
~Daren Lui Chiu - adella's father
~Marilou Go Chiu - adella's mother
~Fred August - Harley's father
~Heartily August - Harley's mother (astig nung pangalan eh no? sa my husband is a mafia boss ko yan nakuha haha *peace* ganda eh XD)
~Theresa & Kenneth Lederson - Xaira's parents
~Mandy & Kichiro Jung Makinawa - Mitch's parents
~Candice & James Tadeo - Zander's Parents
~Marie & Carlo Smith - Dwight's parents
~Carlita & Eric Farell - Zachary's parents
**
Sana nagugustuhan niyo po itong story kahit medyo boring walang kilig kilig. Hahaha sa susunod na mga chapters, promise ko lagi ko nang sisingitan ng mga kilig scene XD Yun lang salamat ^.^
-inthroughvertpanthe-
Sa nagtatanong po kung ano yung pronunciation as in introvertpanda po talaga dapat, pero iniba ko lang. Wala lang hahaha XD
BINABASA MO ANG
A Coldhearted Girl and the trio (ON HOLD)
Teen Fiction[{ON HOLD}] Sa mga nangyari sa buhay ko noon, nadala na ako. Masakit, and at the same time nakakainis, bakit pa ako nagtiwala? Para saan pa? Ang mahirap kasi doon nagpadala ako sa emosyon ko. Noon yun. Pero ngayon, I am cold as ice...