Chapter 1: On The Way Home

383 7 0
                                    

DAHIL MAHABA ANG BYAHE MULA MANILA PAPUNTA RITO SA probinsya, inabutan na kami ng paglubog ng araw. Sa lahat ng makakalimutan kong dalhin, ang camera pa. Sayang. Napakaganda sana ng sunset na 'to. Pang-insta - "Aray!"

"Anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan? Tsk. Malala ka na," pang-alalaska ni kuya habang pailing-iling pa na para bang may malaki siyang pinanghihinayangan sa buhay. Ano bang meron sa ilong ko at paborito niyang pitikin? Pati pag-ngiti ko, issue rin? Ugh.

"Bully! Mukha ka talagang bull, Kuya." Lagi na lang akong pinagti-tripan sa school, sa bahay. Hanggang dito pa rin ba?

Isa pang nakakasira ng mood ang kung sino mang nilalang na nagpadala ng mensahe sa cellphone ko. Agad ko naman itong binuksan at binasa.

1 new message received

From: Sheryn (daldalita), 4:15 pm 

"Best, nakaalis na ba kayo? Nagpunta ako sa bahay niyo kahapon. Bakit parang walang tao? Ni hindi mo man lang ako sinabihan. Tinahulan pa ko ni Pluto. Para namang kahapon lang nakakita ng magandang nilalang. Btw, ingat na lang kayo. And DO NOT forget to bring home some hot boys for me, huh? Wag kang babalik nang di ka nakakahanap maski isa. May atraso ka pa sa'kin. >^<"

Saan ka pa? May pasaway ng kuya, may madaldal at demanding pang kaibigan.

"Nandito na tayo!" sigaw naman ni Mama mula sa driver's seat na hindi ko alam kung pinipili na lang ba talaga niyang wag pansinin ang pag-aaway namin ni kuya. Kaya malakas ang loob ng mokong, e. Alam niya kasing wala ring mangyayari kung magsusumbong ako.

Kung sabik ako sa bakasyon na ito, mukhang mas excited ang Mama ko. Ilang taon na rin kasi kaming hindi nakakauwi rito.

"Nauna na siya sa loob. At mauuna na rin ako. Rule number 5," paalala naman ni kuya sa akin habang nakangisi sa tagumpay niya. Naisahan na naman ako.

Since ako ang huling bumaba dahil abalang-abala ako sa pagta-type ng bago kong kwento -feeling writer-, instant kargador tuloy ang kinalabasan.

Chloe Mo -di bale na lang, di naman masyado mahalaga ang second name- Chavez ang aking pangalan. Yung isang pasaway naman ay ang aking monster twin brother na si Cyrus Sunnie. Syempre, Chavez din. Haha. Yes. Kambal kami at dito na lang ako makakabawi sa mokong na yun, that's why I revealed his second name here. At dahil din dyan, tampulan lagi siya ng tukso ng mga kaibigan niya.

Mas nauna lang akong nasilayan ng mundo pero ayaw niyang pumayag na ako ang maging panganay dahil mukha raw akong iresponsable kumpara sa kanya. Gusto niya pang tinatawag ko siyang "kuya" kaya nasanay na rin ako kahit minuto ang tanda ko sa kanya.

Sa tingin ko nga, palusot niya lang 'yon para may mautusan siya. Minsan lang pumalya ang intuition ko kaya nga eto ako ngayon, ipinapasok ang mga gamit namin sa bahay nang mag-isa. Nang walang katulong.  

Nakita ko namang palabas si Mama. Teka. Isusumbong ko lang si -

The Not So Friendly Ghost Whose Name Is ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon