Chapter 9: Pain and Suffering

204 5 2
                                    

HALOS ISANG LINGGO NA PALA ANG LUMIPAS MULA NANG dumating kami rito sa bahay ni Lola. Saktong apat na araw na lang bago mag-pasko. At tatlong araw bago ang kaarawan namin ni Cyrus.

 "Oy, Daga! Tumawag si Mama kagabi. Baka raw abutin pa siya ng ilang araw sa Manila," wika ni kuya na ikinakunot naman ng aking noo. Kumuha siya ng  tubig sa ref at umalis na rin agad pagkatapos uminom.

"Hindi ka ba marunong maglagay ng baso sa lababo? Wala kang katulong dito, oy!"

"Kaya mo na yan. Sabi pala ni Mama, magpakabait ka raw habang wala siya,"' sabi pa ng mokong. Napakatamad talaga ng isang 'to. Akala mo naman isang metro ang layo ng lababo sa kanya at iniwan pa ang baso sa mesa.

"At nga pala, 'wag mo raw bigyan ng sakit ng ulo sina Lola," dagdag pa niya habang pabalik sa kanyang kwarto. Hindi ba siya nabuburo dun?

"Nahiya naman ako sa'yo na bigla na lang nawawala. Saka teka nga, bakit ang daldal mo ngayon? Ang dami mong alam. Maligo lang ang hindi," nakita ko namang inamoy niya ang suot niyang damit. Ha! Guilty?

"Akala mo ba wala akong alam sa mga kalokohan mo, Chloe? Kung ako sa'yo, titigilan ko na ang mga kahibangan mo bago pa may kung anong mangyari," pahabol niyang banat bago tuluyang pumasok sa kanyang kwarto at iwan akong nakanganga mula sa aking kinauupuan.

Nakita na kaya niya yung painting na itinago ko? Kung nahanap na niya, inaaway na sana ako ng halimaw na 'yon ngayon. Pero hindi, e. Iba ang kutob ko sa mga sinabi niya o baka napa-paranoid lang ako.

"O, Nikay. Kinakain mo na naman 'yang keso. Baka magkasakit ka naman niyan sa bato,puna naman sa akin ni Nay Ising na nagpaalam kaninang pupunta raw siya sa bayan.

"Ilalagay ko na lang sa sopas 'yan para mas masarap. Okay ba 'yun, sa'yo?" tanong niya habang inilalabas ang mga pinamili niya. Nakita kong may mga prutas din siyang binili.

"Sige po. Ah, Nay. Akin na lang po itong imansanas at strawberries. Paghahatian namin ni Lola. Di ba po, paborito niya 'to?" Tinanguan naman niya ako.

Iniwan ko ang keso sa mesa at kumuha ng mangilan-ngilang prutas na magkakasya sa'min ni Lola. Nang akmang pupunta na 'ko sa kanyang kwarto, bigla naman nagsalita si Nanay.

"Wala si Mrs. Lucero sa kwarto niya. Nakita ko siya kanina sa labas. Sa tingin ko, hinihintay niya ang paglubog ng araw kaya nandun siya sa may swing na ginawa ng Lolo mo," wika niya sabay ngiti sa 'kin.

"Sige po. Dun ko na lang po siya pupuntahan. May gagawin lang po ako saglit sa taas," medyo pabulong kong sabi kay Nanay.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kwarto niya. Nang mapatapat ako sa pinto, nag-iwan ako saglit ng isang mansanas sa sahig na may balot pa -yung net na mukhang loombands- at kumatok bago umalis.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto sa taas at maya-maya ay nagsara rin. Subukan lang niyang hindi kunin 'yon. Napapailing na lang rin ako sa mga ginagawa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Not So Friendly Ghost Whose Name Is ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon