Chapter 8: Zero

170 5 2
                                    

"BAD DREAM?" NAPATINGIN AKO SA DIREKSYON NIYA. NAKAMASID pa rin siya sa labas katulad nung una ko siyang makita.

Hindi na ako nakatulog simula nang magising ako kanina kaya naman napagpasyahan kong magpalipas muna ng oras dito sa attic. Siguro nga weird ako para pumunta rito sa gitna ng gabi. Wala lang. Gusto ko lang ng may kasama. Tulog na din kasi sina lola at ayoko namang abalahin pa sila.

"Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganun ang naging panaginip ko. Pero mas mabuting kalimutan na lang. Wala rin namang mangyayari."

Dinala ako ng aking mga paa papunta sa upuang nakaharap sa kanya. Hindi naman siya sagabal para makita ko ang ganda ng gabi sa labas. Transparent kasi siya.

Hindi na naman siya nagsalita. Mula nang pumasok ako dito hanggang sa makaupo ako, hindi pa rin niya inaalis ang kanyang tingin sa labas. Yan lang kaya ang ginagawa niya maghapon? Ako na rin ang bumasag sa katahimikan.

"Alam kong maganda ang tanawin sa labas pero ano ba talagang tinitignan mo dyan?

Wala pa rin. Ni hindi nga siya kumibo kahit na kaunti. Pakiramdam ko tuloy ako ang multo sa'ming dalawa. Hindi man lang ako pinansin.

"O. Baka gusto mo lang. Masarap 'to, promise." alok ko sa kanya sabay abot ng dark chocolate na kinuha ko kanina sa kusina. Ito ang gamot ko sa tuwing nai-stress ako sa buhay. Effective naman talaga. Kaya rin siguro lumakas ang loob ko na pumunta rito. Kanina pa ko kain ng kain nyan, e.

Mabuti na lang at hindi niya ako dineadma ngayon at kunot-noo na tinitigan ang hawak kong chocolate.

"Bakit ganyan ang reaction mo? Teka, 'wag mo sabihing-" napangisi tuloy ako sa na-realize ko. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at muling ibinalik ang poker face niya pero hindi niya maitatago ang katotohanang nakikita ko sa kanyang mga mata. Kinumpirma ng mga ito ang hinuhang nabuo sa aking isipan.

"Seryoso? Ngayon ka lang talaga nakakita ng chocolate?Hindi pa rin siya nagsasalita at mas inilayo ang kanyang tingin sa labas. Siguro naman nakatikim na siya nito nung buhay pa siya 'di ba?

Lumapit ako sa kanya pero sinigurado kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. Baka mawala na naman siya bigla. Kargo pa ng konsensya ko.

"Peace offering ko 'to sa'yo kaya tanggapin mo na. Sa susunod, may bayad na yan," halatang nagulat siya sa ginawa kong paglapit sa kanya kaya naman isang ngiti ang ibinigay ko kasabay ng paglagay ng chocolate sa kanyang kamay. Pero ako na ngayon ang nagulat. Muling bumalik ang pang-asar niyang ngiti.

"Nakakahawak ka rin ng mga bagay? Pano nangyari yun?" Nakita ko na lang na kinakain na niya yung chocolate at ibinalik na naman ang tingin sa labas. "E di kaya mo ring lumabas dito?"

Maraming tanong ang nabuo sa isip ko tungkol sa kanya pero mukhang wala siyang balak magsalita at hindi na naman siya namamansin. Ugh.

The Not So Friendly Ghost Whose Name Is ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon