Chapter 3: Kismet

225 5 0
                                    

MISTULANG NASA ISANG HORROR FILM ANG PAKIRAMDAM KO SA paglalakbay kong ito ngayong gabi. Kung hindi dahil sa ready-to-use na flashlight sa bag ko, mangangapa siguro ako ngayon sa dilim. Sa kabila ng makapal na jacket kong suot, namamanhid pa rin ang katawan ko sa sobrang lamig.

Maka-ilang beses din akong napaatras at nag-dalawang isip kanina pero dahil hindi rin ako patutulugin ng makulit kong utak, eto ako ngayon at narating na rin sa wakas ang kabilang dulo ng hagdan.

Bago tuluyang pumasok ay pinakawalan ko muna ang hiningang kanina ko pa pinipigilan habang paakyat dito. Kung ano mang kababalaghan ang nasa loob ng silid ay hindi ko na alintana. Wala namang mawawala kung susubukan ko, di ba? Baka may mga antigong gamit pang nakatago sa loob na pwede kong ibenta.

Wala namang kakaiba o kahina-hinalang bagay na mapapansin maliban na lang sa temperatura ng buong paligid na tila mas bumaba kung ikukumpara sa labas. Nakapukaw din ng aking pansin ang isang lumang silya na nakaharap sa bintana ng attic na naiilawan naman ng buwan.

"Hello? May tao ba rito?"

Ilang hakbang pa ay nasa loob na ako ng attic. Buong ingat kong isinara ang pinto at nilibot ang silid kahit hindi ko masyado maaninag ang buong paligid. Sa una ay napapakapit pa ako sa suot kong jacket dahil sa kakaibang lamig ngunit habang tumatagal ay nagiging mas kumportable na rin sa pakiramdam.

Mga lumang gamit ni Lola ang karamihan sa mga nakatago dito. May nasulyapan pa akong malaking painting nila ni Lolo na nakasabit malapit sa tabi ng isang lumang aparador sa may bandang dulo ng attic. Tinanggal ko ang puting tela na nakataklob dito.

Naramdaman ko na lang bigla ang bahagyang paghapdi ng aking mga mata habang pinagmamasdan ang noo'y matatamis nilang mga ngiti. Ipinatago lahat ni Mama dito ang mga larawan ni Lolo o kahit anong mga bagay na magpapaalala sa kanya kay Lola dahil hindi ito makabubuti sa kalagayan niya.

Nakakalungkot lang isipin na darating din pala sa punto na kahit ang maliliit na mga bagay na gaya nito na siyang nagsisilbing tanging alaala ng taong mahal mo ay hindi rin makakabuti para sa'yo. 

Kung hindi kaya kami umalis noon, posible kayang buhay pa si Lolo hanggang ngayon? Hindi rin siguro malulugmok sa sobrang kalungkutan si Lola at nakakapagsalita pa rin siya. At si Papa, ano kayang itsura niya? Ugh.

"Bakit kasi mahangin dito?" Buti na lang wala si kuya. Paniguradong aasarin na naman ako nun. 

Bago pa ko ma-discover ng Star Magic nito, ipinagpatuloy ko na lang ang paghahalungkat ng mga gamit. Binuksan ko muna ang katabing cabinet ng painting. Mga sapot naman ng gagamba at alikabok ang bumungad sa akin. Mabuti na lang at wala akong allergy sa mga ganito. Mas maraming larawan nina Lola ang mga nakatago dito. May mga lumang trophies at medals, kutsara, tinidor, mga baso at plato din.

Nakabalot naman sa malalaking puting tela ang halos lahat ng mga bagay dito sa attic na maayos na nakahanay kaya hindi masyadong masikip maliban na lang sa mga matataas na aparador, ang lumang painting at ang nag-iisang upuan sa may bintana na mukhang napaglipasan na rin ng panahon.

Nandito rin ang alitaptap na sinusundan ko kanina. Lumipad siya patungo sa nakasarang bintana. Bakit pa ba siya pumasok dito kung gusto rin pala niyang lumabas? Tss. Ma-effort din ang isang 'to, ah.

Dahil sa buwan na siyang nagsisilbing ilaw ng attic, hindi ko na maaninag ang liwanag ng munting alitaptap. In-off ko muna ang flashlight para makatipid sa battery at saka naupo sa bakanteng upuan.

And when I try to take a peek at the world outside, I suddenly feel everything around me was transforming into a beautiful midnight dream. It feels like I was riding on a giant 30-meter ferris wheel where I could see everything more clearly than ever before.

Looking down, I was more astonished to see not the actual ground but the reflection of the clear night sky with its scintillating moon and shimmering stars instead. Nagsilbing mga makikinang na bituin sa langit ang mga ilaw na nagmumula sa mga gusali na bumubuo sa syudad. Kahit pala madaling-araw na, marami pa ring mga tao ang abala pa rin sa kani-kanilang gawain. Sana mapagmasdan din nila ang ganitong kagandang tanawin.

Gumagana pa rin ang ilan sa mga ilaw ng poste na nakahilera sa entryway sa labas ng bahay. Nakatayo pa rin pala ang mini-fountain na ipinagawa ni Lolo para sa amin ni kuya noon. Bakit di ko nakita yun kanina?

Napansin ko namang tumigil na sa paglipad ang alitaptap. Naka-steady lang siya sa hangin na para bang may dinadapuan na kung ano. Susubukan ko sana itong hawakan ngunit tila nabato ako mula sa aking kinauupuan nang unti-unting lumitaw ang isang kamay kung saan nakadapo ang munting alitaptap hanggang sa mabuo ang pigura ng isang lalaking nakaupo sa may bintana.

Nakatitig lang ang lalaki sa maliit na alitaptap na para bang naiintidihan nila ang isa't isa. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o dala lang ng malikot kong imahinasyon ang lahat. Para bang bigla akong binuhusan ng isang timba ng napakalamig na tubig na may mga yelo pa.

Hindi ako makagalaw, ni ang kumurap ay hindi ko magawa. Tila napako sa sahig ang aking mga paa. Nanginginig ang aking mga kamay at tila nawalan ako ng dugo sa katawan. Gusto ko sanang gumawa ng kahit kaunting ingay man lang, heck no. I want to scream my lungs out ngunit parang iniwan ako ng sarili kong boses hanggang sa unti-unting paninikip na ng lalamunan ang aking maramdaman.

Ilang sandali pa ay muling lumipad ang munting alitaptap palabas ng attic at ako naman ang pinagtuunan niya ng pansin. Isang mapang-asar na ngiti ang ibinigay niya sa akin nang sandaling magtama ang aming mga tingin.

Hindi nagtagal ay mahihinang mga hikbi ang aking narinig na mas ikinataas naman ng ngiti sa kanyang labi. Tila umikot nang napakabilis ang kaninang kalmadong ferris wheel sa hindi ko matukoy na dahilan na nagpaikot naman sa aking paningin hanggang sa tuluyan na ngang lamunin ng dilim ang buong paligid pati na rin ang maliwanag na buwan at mga bituin sa langit.

*****

The Not So Friendly Ghost Whose Name Is ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon