Chapter 2: Midnight Snack

265 6 0
                                    

AKALA KO KAPAG GALING KA SA ISANG MAHABA AT NAKAKAPAGOD na byahe ay mas magiging malalim ang tulog mo sa gabi. Halatang gusto na ng pahinga ng katawan ko pero ang aking utak, eto at ayaw pa din magpaawat.

Pinilit pang imulat ang mabibigat kong mga mata at ipinako ang aking paningin sa orasan sa tabi ng aking kama. 11:11 pm na ngunit tila may nais pang ipaalala sa akin ang sarili kong utak. Nababaliw na ba ako dahil naiintindihan ko ang mga internal parts ng aking katawan? Nah. Sa tingin ko hindi naman.

And when I tried to go back to sleep, the memory of what I saw earlier come flashing back again. Agad naman akong napabalikwas at tuluyan nang iniwan ng antok. Sa oras na kinasabwat ng aking utak ang isa ko pang pasaway na kuryosidad, wala na talaga akong magagawa. And I guess, it's time to sneak out and grab some midnight snacks para sa mga nagwawalang alaga ko sa tiyan.

Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ng buong bahay. Habang humihikab pa akong bumababa sa hagdan, mahihinang mga yabag naman ang narinig ko sa may kusina. Agad na napako ang aking paningin sa main door ng bahay. Naka-lock naman.

Posible bang may nakapasok na magnanakaw? Sa ganitong oras ng gabi? Kinakabahan man pero kailangan ko siyang mahuli bago pa niya ako maunahan. Kahit na mag-isa lang ako, kailangan kong masiguro na ligtas ang lahat kahit na ang magaling kong kapatid.

Buong ingat akong gumapang papuntang kusina at pilit na nagtago sa ilalim ng mesa. Element of surprise at talas ng pakiramdam ang pinaka-kailangan sa mga ganitong misyon lalo na sa mga makakalimuting katulad ko. Dapat kinuha ko na yung isang vase ni Lola sa sala kanina. Madali namang pagtakpan 'yun pag hinanap nila. Nahihirapan pa akong makita ang nilalang na ito dahil natatakluban siya ng bukas na pinto ng ref. Teka. Anong ginagawa niya dun?

Isang malamig na hangin ang bumalot sa buong paligid na sa tingin ko ay mula sa bukas na bintana ng kusina. Hindi ko tuloy napigilang mayakap ang aking sariling katawan. Nakapantulog lang ako at nakalimutan ko pang kunin ang jacket ko sa taas. Nakadagdag pa ata sa temperatura ng paligid ang lamig na nagmumula sa bukas na ref.

Maya-maya ay humupa rin ang lamig. Babalik na sana ako sa aking mala-mission impossible na drama ngunit parang nahigit ako sa isang ice bucket challenge video at tila tumigil ang oras sa gitna ng paghaharap namin ng nilalang na ito. Siya ang unang nakabawi sa pagkagulat naming dalawa at nang mapagtanto niya ang balak kong gawin, isang piraso ng mansanas ang isinalpak niya sa aking bibig. The heck with this guy!

Agad naman akong nakabawi at nasuntok siya sa mata. Napaatras siya sa impact at pati na rin sa sakit hanggang sa maaninag ko ang mukha ng halimaw. Argh!

"Shit! Ano bang problema mo?" daing niya habang tinatapunan ako ng matatalim na tingin gamit ang kabila niyang mata. Kahit kailan talaga. Nag-alala pa naman din ako sa kaniya kanina. Ha! Serves him right. He almost scared-slash-choked me to death.

"Subukan mo kayang humarap sa salamin nang makita mo ang problema ko." Kainis. Akala ko talaga may nakapasok ng magnanakaw dito sa bahay. Hindi ko agad naisip na may kasama nga pala kaming halimaw. Na-stress lang ako ng walang dahilan. Tss.

"Ako pa ang may kasalanan e ikaw 'tong nasa ilalim ng mesa kanina? Umandar na naman yang kaweirduhan mo," hindi ko na naman siya pinansin at kinuha na lang ang tunay na pakay ko ngayong gabi.

At nang kukunin ko na ang kukumpleto sa aking sneaky midnight snack adventure, isang piraso ng ubas naman ang biglang gumulong sa sahig. Huli na nang mapagtanto ko kung ano nga bang nangyari.

"Humanda ka talaga sa'kin, Cyrus!" naibulong ko na lang sa aking sarili.

Habang lumalalim ang gabi ay mas nagiging tahimik ang buong paligid. Maririnig mula sa labas ang mga huni ng mga nocturnal birds at kuliglig. Dahil maliwanag ngayon ang buwan, sa ganitong oras naman nagsisilabasan ang mga alitaptap.

Ayon sa alamat na ikinuwento sa amin ni Nay Ising nung mga bata pa kami, sa paligid daw ng isang lawa sa gitna ng gubat naninirahan ang mga munting alitaptap na ito. Napakaganda raw ng lugar ngunit iilan lang ang nakarating sa paraisong iyon noon. Lumalabas lang daw ang bahaging ito ng gubat tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan.

May isang mangangaso raw ang napabalitang naglakas loob na hanapin ang mahiwagang paraiso ngunit sa di maipaliwanag na dahilan ay hindi na siya nakabalik at tuluyan nang nawala na parang bula kasama ng misteryosong lawa.

Dahil sa insidenteng ito, iba't ibang mga kwento na ng kababalaghan ang nabuo sa isipan ng mga tao. May mga diwata raw na naninirahan sa lugar na iyon at marahil ay may koneksyon raw ang mga ito sa pagkawala ng mangangaso. May ibang nagsasabi rin na maaaring isang mabangis na lobo raw ang nakaharap nito at sinawimpalad na di makaligtas mula sa matutulis nitong mga pangil. Hindi naman naniwala sa kwentong ito ang aking magaling na kapatid at isang tanong ang iniwan niya sa isipan namin ni Nanay.

"Kalokohan lang po yan. Paano po mangyayari na ang isang lawa sa gitna ng gubat ay bigla na lang lilitaw at mawawala?" panira talaga siya ng mood noon pa man pero kahit hindi ko pa naiintindihan ang pinupunto niya, nawala naman ang takot ko ng mga panahong 'yun at agad na napalitan ng pagtataka at pagkainis.

"Kaya nga mahiwaga, di ba?" singhal ko naman dahil sa tingin ko noon, hindi pa rin tama na sumasagot siya sa mas matanda sa kanya. And that's how it all started; with him pinching my nose whenever he got offended in front of someone o kung matripan lang niya.

Hindi ko namalayan ang pagpasok ng isang alitaptap at napansin ko na lang na papunta ito sa 2nd floor ng bahay. Sinundan ko siya hanggang sa tuluyan na siyang pumasok sa loob ng pinto patungong attic. Bigla naman akong napahinto sa paglalakad at napaisip kung namamalik-mata na naman ba ako sa aking nakita.

"Bakit di mo kaya puntahan ng hindi na ko nahihirapan?" komento naman ng utak ko na sinang-ayunan naman ng kasabwat niya kanina pa. "Tama. Nakakaintriga na rin talaga ang silid na yan."

Muntik pang mahulog ang dala kong mga pagkain dahil sa inis. Now I'm starting to doubt whether this precious brain of mine was still in its proper condition or not. Bahala na. Kung totoo man ang sinasabi nilang "curiousity kills the cat" then, let it be. Hindi rin ako nito patutulugin at sisiguraduhin ko ngayong gabi na guni-guni ko lang ang lahat. Well, let's see.

*****

The Not So Friendly Ghost Whose Name Is ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon