Chapter 4: Mischievous Acts

224 6 0
                                    

NAALIMPUNGATAN AKO DAHIL SA MALAMIG NA SIMOY NG HANGIN. Automatic na hinanap ng aking kamay ang kumot at ibinalot ito sa aking buong katawan. Dahil sa kumportableng pakiramdam na ibinibigay sa akin ng malambot kong kama, muli akong dinalaw ng antok at nakaidlip.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nagising akong muli. Sa pagkakataong ito, hindi na kumot ang aking nahagip. Hindi ko alam kung bakit nangangati ang aking mukha. Maingat ko itong hinaplos. Baka may kung ano lang na insekto ang nag-lakas loob na gawing highway ang precious face ko.

Ngunit sa sandaling ilahad ko ang aking mga palad, itim na alikabok ang tumambad sa aking harapan na siya namang ikinasingkit ng maliliit kong mga mata. Ni minsan hindi sumagi sa isip kong mag-make up transformation gamit ang uling.

Mahihinang mga katok na sinundan ng tinig ng aking ina ang maririnig mula sa labas ng aking silid. Maaga talaga siyang gumising.

"Chloe? Gising ka na ba, anak? Tanghali na," teka, tanghali? Agad na nabaling ang aking atensyon sa katabing orasan at kumpirmado, 11:45 na nga ng tanghali. Ugh.

"Gising na po ako, Ma." pang-asar pa 'tong ulo ko. Bakit ka ba kumikirot?

"Ayos ka lang ba dyan? Masama ba ang pakiramdam mo?" totoo pala talaga yung "maternal instinct" ng mga nanay. Ayaw ko namang mag-alala pa siya. Konting sakit lang naman ng ulo, eh.

"Okay lang po. Susunod na lang po ako maya-maya," mabuti na lang at hindi naisipan ni Mama na pumasok. Kung nagkataon, makikita niya ako sa ganitong ayos.

Pero kahit pala ang amoy ng paborito mong ulam ay walang epekto sa tila minamartilyo mong utak. Para akong nabuhay na zombie habang naglalakad patungong kusina. Agad akong naupo at napayuko bigla. Muntik pa akong makipag-lips-to-lips sa sarili kong pinggan kung hindi ako nakaiwas.

"Chloe!" naramdaman ko na lang ang dahan-dahang pag-angat ng aking ulo. Sa una, blurred pa ang naaaninag ko pero di nagtagal ay naging malinaw na rin ang lahat. Mababakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng aking ina.

"Ano bang masakit sa'yo, anak? Namumutla ka na naman."

"Medyo masakit lang po ang ulo ko, Ma. Biogesic lang po ang katapat nito," narinig ko namang nagpakuha siya ng gamot kay Nay Ising at ipinainom sa akin.

Kahit na ilang beses ko nang sinabi na magiging maayos din ako, hindi pa rin sila mapalagay at maya't maya akong tinatanong habang kumakain. Konting pahinga at tulog na lang ang ibinibigay kong sagot dahil sa tingin ko, yun lang naman talaga ang kailangan ko ngayon.

Ipinahatid rin nila ako kay Kuya pabalik sa kwarto kahit kaya ko naman mag-isa. Napansin ko ring tahimik lang siya kanina habang ginigisa ako nina Mama. Ano kayang nakain ng isang 'to?

Naudlot naman ang balak kong muling pag-idlip nang bigla siyang magsalita.

"Mukhang puyat na puyat tayo, ah." komento niya sa isang sulok.

Napatingin agad ako sa direksyon niya at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakitaan ng concern ang kanyang mga mata. Tahimik lang niya akong pinagmamasdan mula sa kanyang kinatatayuan. Nice. Ano na naman kayang pakulo niya? 

"Masakit lang ang ulo ko pero sinisigurado ko sa'yong wala akong amnesia, Cyrus.putol ko naman sa humahabang awkward na sitwasyon naming dalawa. Ngumisi lang siya sa naging reaction ko at pailing-iling na lumabas ng kwarto. Mas kumportable ako pag ganyan siya. Nakakakilabot yung kanina.

Hindi naman kami umaabot sa sakalan at saksakan. Labag na sa batas ang ganun at mga bata pa kami para makulong sa likod ng rehas ng DSWD.

Humupa na rin ng kaunti ang sakit ng aking ulo. Masyado nga siguro akong napuyat kagabi. Pero tulad nga ng sinabi ko, malinaw pa rin sa akin ang lahat ng mga nangyari. Kahit na ang mga nasaksihan ko sa attic, alam kong hindi lang laman ng isang panaginip. Kahit na ang nilalang na 'yun, totoo siya at hindi lang isang ilusyon.

Namalayan ko na lang na nakatulog na pala ako nang magising ako ulit dahil sa nakakarinding tunog ng orasan sa aking tabi. Alas-6 na pala ng hapon at madilim na rin sa labas.

Ngunit ang mas ipinagtataka ko ay kung paano tumunog ang alarm clock. Sa pagkakatanda ko, hindi ko naman 'to sinet bago matulog.

"Kanina, uling sa mukha. Tapos ngayon, nagsasariling orasan. Ano naman kaya ang sunod?" teka, minumulto ba ako? Posible. Nakita nga siya ng dalawang mata ko, eh.

Kung ano mang hilakbot ang naranasan ko kagabi, ngayo'y parang isang bulang naglaho at napalitan ng inis. Wala na kong pakialam kung multo o ano mang klaseng nilalang siya. Magtutuos kaming dalawa. Ngayon na.

"Gising ka na pala. Eto at ipinagluto kita ng mainit na sopas. Maayos na ba ang pakiramdam mo, anak?" nakakagulat din si Mama minsan. Dahil siguro sa pag-aalala at sa dala niyang sabaw, nalimutan na rin niyang kumatok at agad na naupo sa aking kama. 

"Okay na po ako, Ma. Tulog lang po talaga ang gamot dito," sagot ko sabay ngiti na sinuklian naman niya ng isang halik sa aking noo.

"Ubusin mo na lang yan. Tawagin mo lang kami kung gusto mo pa. Saka yung gamot mo, wag kalimutang inumin ha?"

"Mama, 'wag na po kayo masyadong mag-alala sa'kin. Pwede po bang ito na lang ang hapunan ko?" nag-alinlangan pa siya saglit pero pumayag din siya at nagtungo na ulit sa kusina.

Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang pag-aalala nila sa akin. Wala naman akong lagnat. Dala lang talaga ng matinding pagod at puyat na hindi ko naman pwedeng sabihin ang dahilan.

Ewan. Baka lalo lang lumala ang sitwasyon kapag sinabi ko sa kanila ang natuklasan ko sa attic. Saka hindi rin sila maniniwala. And worse, baka asarin pa ako ni kuya pag nalaman niya. Sa tingin ko, sikreto na lang muna ito sa pagitan namin ng nilalang na 'yun at ng munting alitaptap. 

Sa ngayon, uubusin ko muna itong mainit na sopas at babawi ulit ng tulog pagkatapos. Mamaya ko na iisipin kung paano ko haharapin ang lalaki sa attic. Mukhang mapupuyat na naman ako ngayong gabi. -_-"

*****

The Not So Friendly Ghost Whose Name Is ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon