Is it True Love?
by jlcamp
Ako nga pala si Rose, 27 years old. Ang goal ko lang naman sa buhay e yung matupad ko lahat ng parangap ko. Mabigyan ko ng justice yung buhay ko. Pero kasabay nun ay yung taong magpapasaya sa akin habang buhay. Paano ko nga ba sisimulan ang story ko? Hmm.. sige ganito nalang.
Simulan natin sa first job ko.
"RRROOOSSSEEEE!!. TANGHALI NA! Jusko kang bata ka. Paano giginhawa buhay natin nyan kung patulog tulog ka!" sigaw ni mama habang papalapit sa aking kwarto.
"Ma! Tinalo mo pa yung alarm ko sa lakas ng boses mo." Inunat unat ko ang aking katawan.
"Aba! At wala ka pang balak bumangon dyan? Ay teka nga."
Paglingon ko kay mama nakita ko syang dumampot ng panghampas sa lamok. Pero bago pa nya ito naihampas nakabangon na ako hahaha syempre kapag ganun bangon agad sayang ang kutis porselana ko no!
"Opo ito na po tatayo na. Nga pala ma nagchat sakin si papa kagabi. Miss ka na daw nya."
"Wala akong pake sa papa mo! Pagkatapos nya tayong iwan at sumama dun sa kabit nya magchachat sya ng ganyan ngayon. Ano!? papaloko pa ko?!"
"Oh ma kalma, kalma lang tayo kalma nga lang ako e." nakangiting sabi ko. "Oh sya sya kung ayaw mo pa din kausapin si papa hayaan mo na. Maliligo nako." Sabay dampot sa aking twalya at pasok sa banyo.
Matapos maligo at mag-ayos, magpapaalam na ako kay mama dahil ngayon ang araw ng interview ko sa isang kilalang kumpanya dito sa aming lugar. Unang beses akong sasabak sa interview matapos makagraduate ng college kaya naman katakot-takot na kaba ang nararamdaman ko ngayon. Buti na lang isa rin si Jaz, ang bestfriend ko mula highschool, sa mga tinawagan ng kumpanya kaya naman kahit paano medyo nabawasan ang pag-aalala ko.
"Ma! Alis nako maya nalang ulit." sabay halik sa kanyang pisngi.
"Oh sige na mag-iingat ka. Wag magpapaloko sa mga lalaking manloloko."
"Hahaha! Mama naman syempre ekis tayo sa mga ganyan!" sabay apir! Lagi syang bitter haha.
Nang makarating ako sa lobby ng company, narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko ng bff ko na si Jaz. Lahat ng bagay tungkol sakin ay alam nya, sya ang kasama ko sa lahat ng bagay. Masasabi kong isa sya sa mga taong nagpapalakas ng loob ko sa mga panahong nag-iinarte ako sa buhay ko hahahha . . . .
"Rose dela Cuesta! Ano ba super late ha? Baklang to." sabay hawi ng kanyang tuwid at mahabang buhok. Sa totoo lang maganda si Jaz pero walang tatalo sa ganda ko duhhhhh. "Ano nalang maaabutan natin nyan. Dapat tayo mauna dun! Balita ko pa naman gwapo daw yung mag-iinterview satin! Ayt excited nako bakla!" na may pagpadyak pa ng paa.
"Aaayuun! Interview ba pinunta natin oh landi?" I rolled my eyes 360 degrees.
"Landi agad te ??? Bakla syempre kailangan natin ng inspiration you know para sipagin tayo pumasok araw-araw sa trabaho hahhahaha." Tumingin pa sa kisame na animo'y nag-iimagine.
"Ewan ko sayo. Tara na nga!"
Nung nasa elevator na kami, may isang lalaki kaming nakasabay. Masasabi kong my itsura sya. Well sino ba naman ang wala duhhh! Matangkad maputi, mabago at maganda ang pangangatawan.
"Miss pwede pa pindot ng 17th floor?" sa likod namin sya pumwesto, medyo crowded na rin sa loob na halos lahat ay nagmamadali.
"Ay sure! sure! sure! Dun naman kami papunta."nagulat nalang ako ng bigla nya akong kurutin kaya agad akong napalingon sa kanya at kitang-kita ang pagning-ning ng knyang mga mata na akala mo nakita na ang pinakagwapong tao sa balat ng lupa. Pinanlakihan ko sya ng mata para matigil ang paglalandi nya. Ang landi landi!
BINABASA MO ANG
IS IT TRUE LOVE? (COMPLETE)
RomansSometimes accepting the truth hurts a lot, to forgive someone is hard, is it all worth it because of love? Am I willing to accept everything? I thought knowing the truth already hurts me a lot, pero hindi ko aakalaing darating ang isang araw na hi...