『 Mga Kaibigan 』

20 1 0
                                        

(Date Originally Written: August 26, 2019)

***

Napasarap ang kwentuhan
Ang oras di na natin namalayan
Para bagang tumigil na lamang
Pero hindi pa rin sapat para balikan
Ang mga alaala na noo'y ating pinagsamahan
Noong tayo pa ay magkakasama at masayang nagtatawanan
Sa ating buhay noon na puno ng kulitan
Mahirapan man, tayo pa rin ay nagdadamayan

Pero ngayon may mga kanya kanya ng responsibilidad
Sa buhay, na di natin matatakasan o pwedeng takbuhan
Masarap balikan ang mga gunita ng nakaraan
Para na rin may karamay sa mga ganap ng buhay kahit paminsan-minsan
Madalang na mang magkita, ang nais ko pa rin
Manatili sa atin ang samahan hanggang sa pagtanda natin
Hindi man natin alam sa ngayon ang daan na ating tinatahak
Naniniwala akong sa hinaharap makakamtan rin natin ang ating mga pangarap.

***

A/N: Cheers sa adulting life, even if it's hard but we will survive. Kapit lang 😁

FlorilegiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon