(Date Originally Written: December 2, 2019)
***
Kung nalalaman mo na ang bawat tunog sa bawat letrang iyong binibigkas, hindi mo na siguro kami kailangan.
Kung nauunawaan mo na ang bawat kahulugan ng mga salitang iyong binabasa, hindi mo na siguro kami kailangan.
Kung naiuugnay mo na sa sarili o sa iyong karanasan ang iyong nabasa, hindi mo na siguro kami kailangan.
Anupa't ang pagbasa sa kasalukuyan ay unti-unti nang kinakalimutan, hindi mo na rin siguro kami kailangan.Kung natutukoy mo na ang bawat pangalan ng bawat numero na iyong binibilang, hindi mo na siguro kami kailangan.
Kung nauunawaan mo na ang bawat gamit ng mga simbolo na kasama ng mga numero, hindi mo na siguro kami kailangan.
Kung nalulutas mo na ang suliranin batay sa ibinigay na panuntunan, hindi mo na siguro kami kailangan.
Bakit pa nga ba pinag-aaralan kung nagpapahirap lang ito sa buhay ng kabataan at hindi naman kailangan?Kung nauuri mo na ang iba't ibang klase ng siyensiya, hindi mo na siguro kami kailangan.
Kung nakikilala mo na kung sino-sino ang mga siyentipiko at ang kanilang naging ambag, hindi mo na siguro kami kailangan.
Periodic table of elements, matter, laws of motion, taxonomy at iba pa,
Maari mo namang malaman ang impormasyong ito sa tulong ng Internet, kaya hindi mo na siguro kami kailangan.Kung nalalaman mo na ang wastong paggamit at pagbaybay sa mga salita, hindi mo na siguro kami kailangan.
Kung malawak ang iyong talasalitaan, diksyunaryong para mo ng kaibigan, hindi mo na siguro kami kailangan.
Kung kilala mo na si Simon, Ibarra, Florante at Don Juan, bakit mo pa kami kailangan?
Nakakabagot nga namang pag-aralan, mas maganda pa ang millennial slang, at least in ka sa kasalukuyan.Kung malawak na ang kaalaman mo sa kasaysayan ng ating pinagmulan, hindi mo na siguro kami kailangan,
Kung nakapaglakbay ka pa mismo sa iba't ibang lugar at nagustuhan ang iyong nakita, hindi mo na siguro kami kailangan.
Kung magaling ka na sa pag kwenta, at nakikibalita sa mga isyung nagaganap sa twina, hindi mo na siguro kami kailangan.
Gamit nga naman ng cellphone at social media, nagpapadali na sa pagkalap ng impormasyon at balita.Kung may talento ka sa musika at magaling tumugtog ng piano o gitara, hindi mo na siguro kami kailangan,
Kung magaling ka sa paglikha ng sining, magpinta at makabuo ng kakaiba, hindi mo na siguro kami kailangan.
Kung napapsayaw ka sa mga nauusong kanta, nakakalikha pa ng galaw na kakaiba, hindi mo na siguro kami kailangan.
Minu-minuto nga, may nauusong dance challenges na sa amin ay tinuturo mo pa.Marahil ang panahon na nga ay nag iiba, at ikaw ay ibig nang makalaya
Ngunit laging tandaan, ang pag-aaral ay parte ng iyong paglalakbay, na sa iyo ay maghahanda
Ng mga pagsubok sa hinaharap, na marahil ay hindi mo pa lubusang makita
Sa ngayon, kaya ayos lang na ikaw ay magkaroon
Ng mga masasayang alaala na iyong mababaon
At mga kaalaman, pag-uugali, na sana'y iyong mapanatili
Kahit saan ka man maparoon, alam mong hindi ka susuko
Dahil sa kabila ng iyong mga tagumpay, may mga taong sa iyo ay gumabay at nagsanay
Kung sino at ano ang mayroon ka ngayon.***
"We are stepping stones to get where the students want to go. We keep pulling them until we can send them off without us."
- Junko Harumi
BINABASA MO ANG
Florilegium
PoesíaAnthology/Collection of poems, both in English and Filipino. Background cover © relatoscultos