『 Kapalaran 』

9 0 0
                                    

(Date Originally Written: June 27,2020)

✧☆✧

Minsan napapaisip na lang ako
Ano pa ang kwenta ng lisensyang aking natamo
Kung ganito lang din ang sistema sa bansa na'to
Pinaghirapan mong grado at diploma mo
Kapag mag aaply nilalampasan lang kamo
Kasi mas tinatanggap ang kamag-anak, kakilala
Open for hiring, reserved slots na pala
Ginalingan sa interview, resumé inayos ko
Umaatend pa ng training kahit galing pa sa pera ko
Ngunit walang nagagawa, ang magbabayad ang mauuna
Sino ba naman ako na hindi naman kilala
Sayang talino pati experience na natutunan ko
Mas napupunta pa sa pwesto kahit simple sentence di pa alam gawin kung pa'no
Buti sana kung ginagawa nang maayos ang trabaho
Kaso mas tinatanggap, basta may kapit ka sa mataas
Ayos lang naman, mag kibit-balikat ka na lang
Hindi ko rin masisi kung bakit kulang sa kasanayan
Sabi niyo hanap niyo 'yung may napatunayan
Ngunit bakit tila nanatiling puro salita na lamang
Hindi ko nilalahat, kaso paano tayo uunlad
Kung mananatiling ganito ang sistema hindi na matutupad
Pinapangarap mong career noon ano pa nga ba ang silbi
Maiisip mo na lang kailangang magpatuloy kasi ang bills nanatili
Alam mo sa sarili mo na deserve mo ng transparency
Kaya nga may HR kasi sila ang mag mo-monitor ng consistency
Ngunit wala, may nakaluklok na sa item na inaasam-asam mo
Sinabi mo sa sarili mo sana binigay ko na ang todo
Di ka nagkulang sa effort, sadyang decided na bago
Magsimula kung sino-sino ang dapat, ginawa lang na may proseso para di mabuko
Malas lang siguro na dito ka lumaki
Mahirap maghanap ng trabaho, lalo pang mas tumitindi
Tapos na ang laban bago pa man sabihin ang kinalabasan
Kaya nga naiisip ko na lumayo na lamang
Kasi hindi ko naman makikita ang future ko dito sa lalawigan
Talagang mapipilitan, sarili lang at Diyos ang makakapitan
Kung dito lang, walang mangyayari, sila ang may huling sabi
Pagod na ako sa sistema, kinalakihan ko na
Ang mga pinunong inaasahan, umiiwas na lang
Sabagay, mas madaling umaktong walang alam
Paano na kaya ang mga susunod sa akin
Kung mananatiling ganito pa rin ang sistema dito sa atin
Paulit-ulit na lang, kailangan ng trabaho kasi buhay hindi biro
Sana suportahan man lamang kung sino ang may totoong talino.

✧☆✧
*picture credits from Morgan Harper Nicole's fb page*

FlorilegiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon