『 Isang Pagbati 』

8 0 0
                                    

(Date Originally Written: August 25, 2014) || dedication poem again sent thru text as a birthday greeting to my high school friend, Faith. 🌷

✧☆✧

Bago pa man mag-alas dose ng gabi

Ay ipaparating ko na ang aking pagbati

Sapagkat mauubusan na ng load

At ayoko rin namang ako'y di umabot.


Kaklase na simula hayskul

Naging karamay na rin sa lahat ng trouble

Kahit na noong una'y nagkakahiyaan pa

Naging magkaibigan rin na sana'y tumagal pa.


Tahimik at mahinhin

Pero banatera at minsan topakin din

Sana 'wag mong baguhin ang mabuting pag-uugali mo

Kahit na tayo'y magkakalayo na sa ngayon.


Mauuna na akong bumati

Ng "maligayang kaarawan" sa iyo, binibini.

Sana 'wag magugulat

Sa mahabang mensaheng aking isinulat.

✧☆✧

FlorilegiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon