『 Pangarap? 』

6 0 0
                                    

(Date Originally Written: July 9, 2020)

✧☆✧

Nakakasuko ang propesyon
Ngunit hindi ang motibasyon
Pangarap na binuo
Alam mo sa puso mo kaya mo tinahak ang daan na ito

Ngunit paano nga ba magpapatuloy
Kung puro pighati ang dumadaloy
Sa pagkatao mo, lalo na sa isip mo
Sabi nga nila, "Hindi yayaman ang guro sa bansa na ito."
Ang nais ko
Sana 'wag maglaho
Ayaw ko lamang na masayang kung papano ko nakamit ito
Nag aalab pa rin sa determinasyon para sa hinaharap
Subalit paano nga ba maabot ang pangarap
Kung sa sariling pinagmulan, hindi maramdaman ang kaginhawaan
Sayang, marami pa naman ang may kakayahan
At umaasam sa lisensyang makakamtan
Hindi ito para sa kung kani-kanino lang
Patuloy lamang bang kaiingitan
Ibang mga propesyon na naambunan
Ng grasya, na galing naman sa bulsa
Ng taong bayan, tayong lahat nagbabayad naman.
Kung patuloy na ganito
Hindi mo masisi kung hahanapin ko
Kung saan may halaga ang propesyong kinuha ko
Hindi puro pangako, mas inuuna pa ang batas na magdadala ng takot sa tao
Kaya kung ayaw niyong umayaw ang mga guro
Pahalagahan at ayusin niyo ang sistema niyo!

FlorilegiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon