Chapter 4. In Heaven?

272 4 2
                                    

TIK-TIKLAOKKKKK ... TIK-TIKLAOKKKKK~~

Umaga na pala. Nakatulog pala ako. Uwaaaahhh! T___T mamaya na pala yung date nung Manager na yu~~ Teka anong sinabi ko DATE?! A DATE?!!!!!! Hindi naman date yun ah kakausapin nya lang ako! Ano bang nangyayari sakin? T____T Uwaaaaah! Nababaliw na ata ako! Waaaah. Wag naman po sana sayang naman ang kagandahan ko. =____=

TOK. TOK. TOK

"Pasok po." sabi ko

"Mam, nandyan na naman po yung mga manliligaw nyo." sabi ni Manang.

"Ano?! Ang aga-aga pa nandyan na agad." sabi ko na parang naiinis.

"Ano pong sasabihin ko Mam?" sabi ni Manang.

"Sabihin mo Manang ang aga nila mang-istorbo! At wag na silang bumalik kamo." sabi ko na naaasar.

"Talagang yun ang sasabihin ko Mam?" sabi ni Manang na napapakamot ng ulo.

"Oo Manang, o di kaya magdahilan ka na lang sa kanila. Aga aga nandyan na agad. Mga atat yumaman!" sabi ko

"Sige po Mam. Sa baba po ba kayo kakain Mam o dito?" sabi ni Manang

"Dito na lang muna Manang." sabi ko dahil na iinis pa rin ako sa mga bwisitor ko at iniisip ko parin kung anong gagawin ko mamaya.

"Sige po Mam. Ipapahatid ko na lang po." sabi ni Manang 

"Sige po. Salamat." 

(Third Person's POV)

Lumabas na si Manang. Tumayo na si Mia para maghilamos at magtoothbrush. Nagpag-isipan nyang itutuloy nya na ang plano nila kagabi. Namili na sya ng pang-disguise nya mamaya. Ang napili niya ay isang orange na sleeves at stripes na black and white na jacket with matching orange eyeglasses. At saka nya kini-curl ang buhok nya ng konti mamaya. Tinignan nya yung wall clock nya sa kwarto kung anong oras na. 10am palang.

"Maaga pa naman ii-fb muna ako. Bwahahahahaha!" sabi niya habang binubuksan ang laptop niya.

"Ang tagal tagal ko na rin hindi nakakapag-fb eh. Hihihi."

"May facebook account kaya yung James na yun?"

Para syang baliw na kinakausap ang sarili nya habang katapat nya ang screen ng laptop niya hinanap. Nag-makapag-sign na sya sa facebook account nya. Hinanap niya ang pangalan ng Manager nya. 

"Ano nga ulit whole name nun? James Cyril Mat~~sing bayun?"

Tinaype nya ang pangalan sa search at nakita nya JAMES CYRIL MATTHEW! 

"MATTHEW pala kala ko Matsing. HAHAHAHAHA!" sabi niya na tawa ng tawa

Pinindot nya ito at saka tinignan kung anong laman ng nasa wall neto. At nakita nya yung mga post neto.

"Wow! Ang sexy naman nya. Ang pogi!"

"Ayyy! Anong sinabi ko pogi at sexy? Binabawi ko na. Diba sabi ko okay na sakin kahit panget basta mahal ako at hindi habol ang pera ko."

"Bakit okay naman din siguro kung pogi tsaka hindi naman mukhang peraang habol nya sa akin eh. Tsaka hindi naman nya alam na mayaman ako." 

Kausap sya ng kausap sa sarili nya. Mukhang baliw na si Mia kakaisip. Hanggang sa naglalaway na sya sobrang daming hot pictures ni James na super hot talaga tignan. 

"Waaaahhhhh! Nagkakasala ako. Oh tukso layuan mo ako. Pero aaminin ko ang ganda mong lalaki! Waaaaahhh! Lord patawad po. T____T" sabi niya habang nagsisisigaw

Hindi niya namalayan ang oras na 5:00pm na may isang oras na lang sya para mag-ayos para sa pupuntahan nila mamaya ang Manager nya. 

"OHMYGAD! 5:00pm na pala may isang oras na lang ako para mag-ayos." nataranta sya ng mapatingin sya sa wall clock ibig sabhin 8 hours na syang nagnanasa sa mga pictures ni James.

It's Started With A Lies (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon