Chapter 5. A Date and A Deal?

255 5 0
                                    

"I-in H-heaven?? A-ano b-bang p-pinagsas-sabi m-mo?" sabi ni Mia na nauutal at kinabahan.

"HAHAHAHAHAHA! Nakakatawa ka ta laga Ms. Alibangbang! HAHAHAHAHA!" sabi ni James na halos makahawak na sa tyan kakatawa sa sala.

"Kahit kelan ka talaga! Hindi na ako sasama sayo. Tanggalin mo nlang ako sa trabaho kahit di pa ako nag-uumpisa." sabi ni Mia na akmang babalik na sa dining room ng hinawakan siya ni James sa kamay.

DUG.DUG.DUG

"Pusang gala! Ano yun?!" sabi niya sa isip ni Mia

"Bitawan mo nga ako. Ayoko na magtrabaho sayo kahit wag mo na akong tanggapin nu. Mag-aaply na lang ako sa iba." bigla niya binitawan ang pagkakahawak sa kanya ni James

"Sorry. Nakakatuwa ka lang kasi eh." sabi niya 

"So anong tingin mo sakin clown ganun?! Kasi nakakatuwa ako?" sabi ni Mia in sarcastic tone

"Hindi. Sorry na." sabi ni James with puppy eyes

"Puppy puppy eyes ka pa dyan. Sipain kita eh." sabi ni Mia na pahard to get muna.

"Please?" sabi ni James with puppy eyes parin

"Oo na! Kulit mo. Tsaka sabi mo di ka tumatanggap ng pangit diba? Mas gusto mo mala-Marian Rivera, Nadine Lustre at Anne Curtis? Ngayon paplea-please ka pa dyan nalalaman." sabi ni Mia na nagtatago ng ngiti. Kasi deep inside kinikilig sya. Landi lang!

"Kasi napag-isipan kong ikaw na lang." sabi ni James na parang di maisip ni Mia kung bakit sya pa.

"Okay sabi mo eh." sabi ni Mia

"So let's go?" sabi ni James

"Okay." sabi ni Mia

*~~

 Nagpunta sila Mia at James sa parang couple na restaurant.

"Hindi mo man lang sinabi na dito tayo pupunta edi sana nagsuot na lang ako ng dress. Nakakahiya naman. Siguro sinasadya mo akong mapahiya nu?" sabi ni Mia

"Wala naman problema sa ayos mo ah. Okay naman ah." sabi ni James na medyo natatawa ng mahina

"Oh bakit parang tumatawa ka dyan?" sabi ni Mia na nakataas kilay

"Hindi ah. Ibang klase ka rin anu Manager mo sinusungitan mo." sabi ni James

"Eh anu naman ngayon? Diba sabi ko naman sayo wag mo na akong tanggapin sino ba nagpupumilit?" sabi ni Mia 

"Oo na! (Kung di lang kita kelangan di rin kita tatanggapin nu. Feeling mo naman)" pabunong na sabi ni James

"May sinasabi ka dyan?!" sabi ni Mia na nagtataray.

"Wala tara na sa loob." sabi ni James

"Okay!" sabi ni Mia na sumunod kay James maglakad.

"Goodevening Sir! This way." sabi nung waiter

Sumunod naman sila sa waiter at pinaupo sila sa may tapat ng nagpiapiano. Umupo si James at si Mia nakatayo. Sabi niya sa isip-isip niya ...

"(Bwisit na lalaki to! Wala man lang kagentle gentleman sa katawan)" umupo si Mia na nakabusangot ang mukha.

"Oh ano na naman nangyari sa mukha mo? Mukha ka na namang binagsakan ng lupa at langit. (Pumapangit ka lalo. Hahaha)" sabi ni James na medyo natatawa.

"WALA! Ano bang pag-uusapan natin?" sabi ni Mia na iritable na.

"About to sa pag-aaply mo. You're hired but there's one deal that you should do." sabi ni James

"May ganun ka pang nalalaman. Sus! Ano bayung deal na yun?" sabi ni Mia na nakacrossed arm

"Magpapanggap ka na girlfriend ko." sabi ni James na hindi nya alam ang magiging reaksyon nya rin

"A-ano?! G-girlfriend m-mo?!!!!!!!" sabi ni Mia pero deep inside. (OHMYGAD! Papayag nako wait kunwari na shock pako. Ang landi ko! ^____^ Paki nyo ba kinikilig ako eh. Hihihi.)

"Oo. Bakit angal ka pa sa pogi kong to?" sabi ni James na nakapogi points.

"Aba napakahangin mo naman ata nu. Ano ngayon kung pogi ka? Sa tingin mo papayag na lang ako ng ganun ganun? AYOKO!" sabi ni Mia pero sabi niya sa  isip nya (Pilitin mo ko papayag na talaga ako. Hihihi.)

"A-anong ayoko?" sabi ni James na hindi makapaniwala na tinanggihan sya.

"AYOKO pumayag sa deal mo. Nag-aapply ako bilang secretary hindi bilang girlfriend nu. Tsaka wala akong mapapala dyan MANAGER. Mag-aapply na lang ako sa iba!" sabi ni Mia na kunwaring nagtataray.

"Ganto na lang. Lalakihan ko ang sweldo mo. Gagawin kong triple para lang pumayag ka." sabi ni James na desperdo si Mia naman napaisip kung bakit ganun kadesperado si James.

"Okay wait. Pag-iisipan ko muna ...." sabi ni Mia 

"Okay sige. Aantayin ko desisyon mo. Oorder muna ako." sabi ni James pero sa isip isip ni James (Ang choosy naman neto! Kala mo talaga type ko sya.)

"Waiter!" sabi ni James

"Yes Sir? What's your order?" sabi ng waiter

"Give us your best specialty." sabi ni James

"Okay Sir, coming. Please wait for a while." sabi nung waiter

After 30 minutes ng pag-iisip ni Mia ...

"Okay nakapagdecide nako." sabi ni Mia kay James na kanina pa inom ng inom ng wine at dahil naubos nya na rin ang pagkain nya sa pag-aantay kay Mia sumagot.

"Grabe ngayon mo lang nalaman yung sagot. Naubos ko na lahat lahat ng pagkaen ko ngayon mo lang nalaman ang isasagot mo." sabi ni James

"Ang daldal mo kalalaki mong tao! Gusto mo bang malaman ang sagot ko o hindi?!" sabi ni Mia

"Oo na! Hindi madaldal. Sige anong sagot mo?" sabi ni James na umiinom parin ng wine

"Galit? galit?! Kakain na nga lang muna ako." sabi ni Mia habang kinuha na yung spoon at fork

"Ayyjusko. Talaga." sabi ni James na napahilamos na lang sa mukha.

After 45 minutes natapos din kumain si Mia ....

"Okay. Tapos nako. Sasabihin ko na ang sagot." sabi ni Mia na nakangiti kay James dahil halatang nababagot na sa kakahintay.

"Oo na sabihin muna. Kanina ka pa eh." sabi ni James na nagtitimpi lang.

"Oo na payag nako. Pero matanung ko nga bakit ka desperadong maging girlfriend ako?" sabi ni Mia na nagtataka

"May gusto ka sakin nu?" pahabol ni Mia

"Aba! Ang lakas naman ng apog mo! Ang takaw mo na nga panget ka pa assumera pa." sabi ni James

"Aba! aba! Ang yabang mo ah. Babawi~~" sabi ni Mia ng maputol sya sa pagsasalita dahil tinakpan ni James ang bibig nya para hindi nya matuloy ang pagsasalita nya.

"Wala ng bawian! Period. No erase!" sabi ni James na dumila at saka tinanggal yung kamay sa pagkakahawak sa bibig ni Mia.

"Bwisit ka talaga! Kadiri yang kamay mo." sabi ni Mia pero deep inside nacute-tan siya kay James sa pagdila nya neto at paghawak sa bibig niya.

(A/N: Cut na muna. May gagawin pa ko eh. Sorry! Babawi na lang ako ^____^ Please comment and vote kung nagustuhan nyo. Abangan nyo na lang next update ko. Salamat. Hihihi ^____^ Hope you like it.)

PS. Tignan nyo po yung picture sa right side sila po si Mia/Mimi at James. Ang cute nila nu ^_____^

It's Started With A Lies (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon