Chapter 13. Dinner With Investors

125 3 0
                                    

(James POV)

Nandito na kami ngayon sa sasakyan ko. Hindi ko akalain na may tinatago pa lang ganda tong si Mimi mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Oo naiinlove na talaga ako kaya lang hindi ko naman masabi sa kanya tong nararamdaman ko. Torpe ba ako? Ano ba tong mga sinasabi ko mukha naman akong bading hindi ko kasi alam kung paano ko masasabi yung mga gantong bagay eh. Bakit nga ba ako nainlove sa babaeng to? Siguro dahil hindi sya katulad ng ibang mga babae na pera ang habol sakin. Pangalawa dahil sa mga characteristics nya kahit na minsan nakakairita yung pagiging bungangera nya gustong gusto ko pa rin at saka ang cute nya kapag inaasar kahit hindi sya nakaayos nun pero ngayon mas lalo akong naiinlove hindi ko akalain ang ganda ganda nya pero teka? May gusto kaya sya sakin? Hayyy! Nakakabading naman tong mga sinasabi ko. Agghh =_____=

"Hmm. James?" sabi ni Mimi sakin ang ganda nya talaga.

"Bakit?" sabi ko naman 

"Salamat pala ha?" sabi niya na nakangiti na parang nahihiya

"Para saan naman?" sabi ko naman na patuloy pa rin sa pagdadrive

"Sa lahat. Dito sa mga ginawa mo sakin ngayon alam mo naiintidihan kita kung bakit ayaw mo sa mga investors na yun wag kang mag-alala tutulungan kita." sabi niya sakin napangiti naman ako sa kanya.

"Salamat din." sabi ko. 

"Walang anuman." ngumiti sya at ngumiti rin ako nakakainlove yung mga ngiti nya. Hindi lang naman dahil sa investors lang yun kundi dahil naiinlove na rin ako sa kanya.

*~~

(Third Person's POV)

Nasa restaurant na sila kung saan sila mag-meet ng mga investors at kasama ang anak ng investors. Pumasok na sila at umupo sa nakareserved na seats sa kanila at ilang saglit lang dumating na rin ang mga investors kasama ang babaeng gusto ipagkasundo kay James para sa negosyo. Maganda ang yung babae mukhang model dahil sa tangkad, kutis at pananamit nito.

"Good evening Sir, Mam." sabi ni James at Mimi sa mga investors

"Good evening. So What's your name  iha?" sabi ng mga investors ng makita si Mimi 

"Mimi po." sabi ni Mimi at saka nakipashake hands.

"Nice to meet you Mimi. You look so beautiful." sabi ng mga investors

"Thank you po." sabi ni Mimi na parang medyo nahihiya

"Whatever." sabi nung anak ng investors maganda nga ito pero masama pala ugali at narinig ni Mimi yun nakita rin ni Mimi yung malagkit na tingin neto kay James at bigla itong tumingin sa kanya at inirapan sya parang lumalabas na rin ang pagka-maldita ni Mimi. 

"Have a seat." sabi naman ni James at saka sila umupo.

"So Mr. Matthew tatanggapin mo na ba ang aking proposal? Mas maganda kung magiging joined ang company natin para mas lumaki at maging powerful." sabi nung tatay ng babaeng masama ang ugali.

"Gusto ko man pong maging malaki at powerful ang pinaghirapan ng magulang ko kaya lang hindi po ata tayo pwede maging join force sa pagpapalaki ng kompanya ko at ninyo." sabi ni James na ikinagulat ng mga investors.

"Bakit naman iho? There's anything wrong?" sabi naman nung nanay nung babaeng masama ang ugali.

"Kasi po may girlfrend na ako at si Mimi yun." sabi ni James

"O-oh I thought na wala kang girlfriend iho?" sabi nung tatay ni babaeng maldita

"Opo dati pero ngayon nakilala ko na sya at sorry po hindi ko agad sinabi sa inyo." sabi ni James na nakangiti at tumingin kay Mimi si Mimi naman hindi alam kung anong irereact nya.

"Like Oh my gosh! Hindi ka marunong pumili. Wala kang taste pogi ka pa naman sana." sabi ni babaeng maldita.

"Rianna." sabi ng papa neto pero tumayo na ito 

"Totoo naman Dad eh. Napahiya pa ako, tayo dito ngayon. Like dah! May araw din sakin ang mga yan." sabi ni Rianna at nagwalkout.

"Sorry Mr. Matthew I apologize sa inasal ng anak ko ayaw nya kasi ng napapahiya at gusto ka nya ako na lang ang magpapaliwanag mauuna na kami. Very sorry." sabi nung nanay nung babaeng maldita.

"It's alright Mam, Sir. I'm sorry too hindi ko nasabi agad sa inyo. Sorry." sabi ni James at yumuko.

"Sige iho, iha mauna na kami." sabi ng mga investors.

Umalis na ang mga investors at naiwan sila James at Mimi sa restaurant.

"Okay ka lang?" sabi ni James kay Mimi

"Oo. Ikaw ba okay ka lang?" sabi ni Mimi na nag-aalala kasi parang naguilt sya kasi napakabait nung mga investors pero nagsinungaling silang mag-boyfriend sila kahit peke lang naman.

"Oo. Sorry dun sa inasal nung anak nila. Nadamay ka pa tuloy dito." sabi ni James kay Mimi

"Wala yun okay lang. Diba sabi ko tutulungan kita?" sabi ni Mimi kay James

"Salamat ha. Kasi naiintindihan mo ako." sabi ni James

"Wala yun. Tara na. Pinagtitinginan na tayo dito eh." sabi ni Mimi

"Sige." 

Pumunta na sila sa sasakyan at inihatid ni James si Mimi sa bahay nila. 

"Mimi, maraming salamat uli at maraming sorry." sabi ni James

"Wala yun. Ano ka ba diba may pinirmahan tayo na contract.." sabi ni Mimi na nakangiti.

"Oo na basta thank you uli at~~" sabi ni James

"At~~ano?" sabi ni Mimi

"N-nap-pakag-ganda mo." sabi ni James na nauutal.

"Hahaha. Ano ba yan. May sakit ka ba? Utal-utal ka pa dyan. Pero thank you rin sa lahat." sabi ni Mimi

"H-hahaha kasi .. Wala yun." sabi ni James

"Sige papasok nako. Ingat ka sa pagdridrive." sabi ni Mimi

"Sige. Bye. Goodnight." sabi ni James at umalis na ito si Mia naman kinikilig na pumasok sa bahay niya.

(A/N: Sorry po maikli may gagawin pa kasi akong final product. Busy ang author nyo ngayon. Huhuhu. Yung Diary pala ng assumera nasa drafts ko na. HOHOHO! Ipupublish ko sya kapag 10K reads nako. Hahaha. Vote and comment kapag nagustuhan. Hope you like it. ^______^)

PS. Ayan ang suot ni James sa  dinner date nila with investors and babaeng maldita. Tingin sa right side. Hihihi. Pogi! *____*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's Started With A Lies (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon