Chapter 12. Transformation

124 3 0
                                    

(Mia's POV)

Nakatulog pala ako kagabi. Hayyy. Ang sarap ng feeling ng kinikilig ka. Hayyy. Teka anong oras na ba? OMG! 10pm na pala. Napasarap ako ng tulog. Makabangon na nga. Psh kasi hindi man lang sinabi kung saan pupunta eh. Magpapaalam muna nga ako kay Manang. Bumababa ako ng kwarto at dumiretso kay Manang.

"Manang, aalis po ako ngayon kasama po si James may pupuntahan po kaming dinner date mamaya. Bale medyo gagabihin po ako ng konti." pagpapaalam ko kay Manang.

"Sige Mam, basta wag pong masyadong gabi at mag-iingat po kayo dahil hindi nyo pa naman masyadong kilala si James." pag-aalala ni Manang sakin.

"Opo Manang. Oo nga po pala puunta po sya dito ng 2pm ewan ko kung saan nya ako dadalhin basta raw. Ang daming alam nung lalaking yun." sabi ko kay Manang.

"Baka naman may pupuntahan muna kayo bago umalis." sabi ni Manang

"Saan naman yun Manang?" sabi ko na napapaisip pa rin

"Mamaya mo malalaman Mam." sabi ni Manang at saka ngumiti.

"Si Manang naman yung mga ngiti mo ha." sabi ko

"Hahaha. Wag kana kasi masyadng mag-isip Mam. Mukha namang matino si James eh at saka feeling ko may feelings na sya para sayo." sabi ni Manang

"P-paano mo naman nasabi Manang?" sabi ko na parang nagulat at the same time kinikilig. Anoba! Ang landi ko. Alam ko maldita ako sa mga lalaki eh. Pero bakit ngayon kinikilig ako?

"Halata namaman kasi Mam." sabi ni Manang

"T-talaga? Ano ka ba Manang baka nagkakamali ka eh ubod ng mapang-asar yun eh." sabi ko na parang gusto ko maniwala sa sinasabi ni Manang.

"Basta Mam. Sige Mam aasikasuhin ko muna yung graden kumain na po kayo nakahanda na sa dining yung mga pagkain." sabi ni Manang na nakangiti.

"Sige Manang." sabi ko na ngumiti pa rin pero bakit ganun makangiti si Manang parang may alam sya na hindi ko alam.

Pumunta na ako ng dining room para kumain at saka ako dumiretso sa kwarto ko iniisip ko parin yung sinasabi ni Manang na may feelings na sa akin si James? Totoo kaya yun? Okay lang sa kanya kahit pangit ang itsura ko sa disguise ko? Hayyyy. James makakabaliw ka na! Makapag-ayos nga muna 12pm na pala 2 hours na lang para makapag-ayos. Namili ako ng simple lang na damit at saka pantalon at rubber shoes. Naligo na ako at nag-ayos. Natapos ako ng 1:30 pm ang tagal kong mag-ayos nu? Hahahaha. Malamang ganun talaga ang mga babae. Nagselfie muna ako at bumaba sa dining room saka naglaro ng Clash Of Clans. Hahaha nagpapayaman ako dun eh. Nakakaadik. 

DING DONG~ DING DONG~

Ayyy pusa ka! Anong oras na ba? Pakatingin ko sa orasan 2pm na. Nataranta naman ako bigla tapos biglang lumabas si Manang galing ng kawrto nya. 

"Mam, ako na po magbubukas ng pinto." sabi ni Manang

"Sige Manang." sabi ko tsaka ako huminga ng malalim. Inhale, exhale.

*~~

(Third Person's POV)

"Oh, iho ikaw pala. Tuloy ka." sabi ni Manang.

"Opo. Magandang hapon po." bati ni James kay Manang

"Magandang hapon din. May lakad pala kayo ni Mimi." pagtatanong ni Manang.

"Ahhh opo. Nasabi nya po pala sa inyo mga 9pm na po kami siguro makakauwi kasi 7pm po ang dinner namin eh." pagpapaliwanag ni James

"Oo nasabi nya nga sakin pero iho. Ingatan mo ang anak ko ha. Bata pa yan." sabi ni Manang kay James

"O-opo naman. Ihahatid ko rin po sya ng maayos at ligtas wag po kayong mag-alala." sabi ni James kay Manang at saka ngumiti.

"Sige iho, tatawagin ko lang sya. Umupo ka lang muna dyan." sabi ni Manang

"Sige po." sabi naman ni James.

Pumunta na si Manang sa dining para tawagin si Mia.

"Mam, nandyan na si James sa sala." sabi ni Manang.

"Sige po Manang. Salamat." sabi ni Mia kay Manang at saka ngumiti at pumunta na sa sala para puntahan si James.

"Hmmm~" sabi ni Mia ng makita si James na nakaupo sa sala at nagcecellphone.

"Nandyan ka na pala. Tara." pag-aaya ni James.

"Sige." sabi ni Mia at umalis na sila at pumunta sa isang parlor at make-up session.

"James, anong gnagawa natin dito?" pagtatanong ni Mia kay James

"Hindi ba obvious aayusan ka syempre para mamaya." sabi ni James si Mia naman nagulat at buti na lang hindi sya nakawig ngayon kung hindi ay mabubuko sya. 

"Halika na. Pumasok na tayo. Mamaya bibili pa tayo ng susuotin mong damit." sabi ni James 

"O-okay." yun na lang ang nasagot ni Mia sa mga biglaang nangyayari ngayon

Pumasok na sila sa parlor at inayusan si Mia, ginupitan ang buhok nya na lagpas medyo hanggang balikat at saka kinulayan ng brown saka ito tinali ng pony. Yung kilay nya rin na napakakapal binawasan at saka sya minake-up-pan ng light. Nakikita ni MIa ang sarili sa salamin yung totoong sya nakikita nya. Matapos syang ayusan tumayo na sya at saka humarap kay James na tapos na rin ayusan at ang mga mata ni James ay parang nakakita ng diamonds na kumikinang. 

"Mimi, napakaganda mo pala pag nag-ayos." sabi ni James kay Mimi si Mimi naman parang nagblublush sa sinasabi ni James

"E-ewan ko sayo! Pero impernes mas lalo kang gwumapo." sabi ni Mimi na nahihiya at kinikilig dahil sa sinabi ni James sa kanya pero hindi nya ito ipinahahalata.

"Totoo nga. Well, alam ko na yan." sabi pa ni James na nagyabang.

"Hay nako. Yabang magbayad ka na nga lang ng makaalis na tayo." sabi ni Mimi at nagbayad na nga si James at saka sila tumungo sa bilihan ng mga dress.

"Tara." aya ni James kay Mimi

"Sige." sabi ni Mimi

Pumasok na sila sa boutique ng mga damit. 

"Yes Mam, Sir?" sabi nung taga-assist 

"Pilian mo sya ng damit na babagay sa kanya kung maaari yung simple lang tignan pero mamumukhang elegante sya at ako rin." sabi ni James

"Okay Sir, ako pong bahala kay Mam at sya naman po ang bahala na mag-ayos sa inyo. Mam. this way po tayo." sabi nung babae

"S-sige." sabi ni Mimi at sumunod sa babae namili ang babae na susuotin ni Mimi at ang napili nito at 3/4 na dark at saka palda na na pa-volka. Napakasimple pero kapag sinuot ay para kang model kumuha rin ng sandals na black na may takong na 4 inches yung taga-assist at perfect. Napakaganda ng combination. Pinasuot nya na ito kay Mimi sa dressing room at after 15mins sa loob ng fitting room lumabas na si Mimi at lahat ng mga bumibili ay napatingin sa kanya at lalong lao na si James na nasa labas na rin ng dressing room nya at nakabihis na rin ito at napakagwapo sa tuxedo nya. Mukha sila couple na may date na pupuntahan.

"WOW! Hindi ko inakalang napakaganda mo pala." bulaslas ni James na kumikinang pa yung mata kay Mimi

"Alam mo kanina ka pa. Wag ka nga dyan." sabi ni Mimi na medyo napapangiti kasi feeling nya parang nailabas nya na rin ang totoong itsura nya kay James yun nga lang hindi nya parin alam ang totoo. 

"Nagsasabi lang ako ng totoo." sabi ni James na halatang nabibighani parin sa kagandahan ni Mimi

"Oo na. Kamukha na ba ako ng mga type mo na sila Marian, Nadine at Anne?" sabi ni Mimi na nakangiti ang ganda nya.

"Mas higit pa." pangbobola ni James

"Sus. Tara na nga." sabi ni Mimi 

(A/N: Oh diba? Make up transformation lang ang peg. Ganda ganda talaga ni Yoon Eun Hye. Hihihi. Nagustuhan nyo ba? Comment and vote kung nagustuhan. Thank  you. Hope you like it ^______^)

PS. Tingin kayo sa right side nandun yung picture ni Mimi. Ganda nya no? HIhihi. ^______^

It's Started With A Lies (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon