Chapter 9. The Contract

212 4 0
                                    

After 154645565656151564865481567418451568  years nakahanap rin ng susuotin ... Hindi naman ako masyadong mahilig sa damit wala lang trip ko lang. Syempre simple lang yung kinuha kong damit baka malaman nyang mayaman pala talaga ako. Mahirap na kapag nabuko. Tsk. Hindi ko na maintindihan kung tama pa ba tong pagpapanggap kong to feeling ko kasi parang niloloko ko sya sa ginagawa ko eh. Kawawa naman sya malay nyo nafall na pala sya sakin tapos ako rin nafall ano na lang mangyayari samin diba? WAAAAAAHHHHHHHH! Ano bang pinagsasabi ko? Anong fall fall? Diba nga tinetest ko pa sya? Tinetest bakit nanliligaw ba sya? Mukha naman akong assumera neto sa ginagawa ko eh. Nakakainis naman. Malapit na mag-December may Christmas wish ako gusto nyo malaman? Ayoko nga! Tsaka na sa akin muna yun. Pero sana talaga mag-katotoo na yun. Oh sya makapagready na nga muna para mamaya.

*~~

6:50pm na tapos na ako makapag-ayos. Magbabasa nga muna ako wattpad.

 "Love is a continuous battle." wow ang ganda nung sinabi ni Pipay. Naiiyak na ako OMG! Pero impernes nakakaloka ang kwento ng buhay ni Pipay. Gusto nyo ba malaman? Osya basahin nyo nalang "Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang!) by Sic Santos" pogi nyan pero mas pogi parin si James ko! OHMYGEE! Ano sabi ko? James k~? Erase! Erase! Hindi pwede tooooo!!!!~~

TOK.TOK.TOK

"Bukas po yan. Pasok." sabi ko.

"Ahh Mam nandyan na po si James sa baba." sabi ni Manang

"Sige po susunod na ako. Manang alam muna ang gagawin ha." sabi ko kay Manang dahil syempre may tinatago nga kami.

"Opo Mam. Sa kabilang hagdan na lang po kayo dumaan para hindi nya kayo mahalata na galing dito sa itaas." sabi ni Manang

"Sige Manang." sabi ko.

Umalis na si Manang at syempre tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin kung ayos pa o hindi na. Okay pa naman kaya keribells na yan. Bumababa na nga ako sa kabilang hagdanan para hindi ako mapansin ni James at nakita ko agad ang napakagwapo nyang likod! OMG! Ang yummy ng likod nya. Likod pa lang palaman na. OhGhad! Nagkakasala ako neto eh. Aaminin ko na nga naiinlove na talaga ako sa lalaking to. First time ko mainlove ever! Grabe pero syempre kelangan ko parin mapanggap hindi ko pa sya ganoon kakilala malay mo talaga tsaka mahirap din hindi pa naman ako gusto nitong lalaking to. Nagpapanggap lang kami at hindi nya pa alam kung sino talaga ako. Nasa may kusina na ako lumabas.

"Oh nandyan ka na pala." sabi ko sa kanya na palakad papunta sa kinauupuan nya

"Ahh oo." sabi niya na tumayo.

"So ano na? Saan tayo pupunta ngayon at nadala mo yung ginawa mo kagabi?" sabi ko na kunwari taray effect .

"Oo naman nu yun pa ba makakalimutan ko." sabi nya

"Mabuti naman kala ko may sakit kang Amnesia eh." sabi ko

"Wala no. Tara na nga!"  sabi niya

"Okay~" sabi ko na nahinto sa pagsasalita dahil ..

"Asan ka nga pala ang mama mo? Magpaalam muna tayo." sabi nya kelan pa natutong maging magalang to himala ata ano kayang nakain nito.

"Himala ata. Natuto kang magpaalam." sabi ko

"Ano naman akala mo sakin? Kaw talaga!" sabi niya

"Osya teka tatawagin ko." sabi ko at pumunta sa kwarto nila Manang

*~~

"Hmm~ mauuna na po kami ni Mimi wag po kayong mag-alala ihahatid ko rin po sya ng maaga." sabi ni James

"Sige iho ikaw na bahala sa anak ko ingatan mo yan ah." sabi ni Manang na ang galing galing umacting bilang nanay ko talaga.

"Opo. Sige po mauna na po kami." sabi ni James

"Sige nay. Alis na po kami." sabi ko 

"Sige ingat." sabi ni Manang at umalis na kami ..

*~~

Nagpunta ka sa isang kainan na mamahalin din pero mas mamahalin dun sa unang pinagpuntahan namin. Syempre ang scenario ulit eh may nakareserved na table para sa amin at dun kami umupo at umorder na sya ng makakain bago nya inilabas ang kontrata na ginawa raw nya kagabi.

"Ito na yung ginawa kong kontrata nakalagay dyan lahat ng rules." sabi ni James na inilapag ang mga papel sa table at kinuha ko ito at binasa.

1. Bawal ang late kapag may lakad tayo. 

"Hindi naman ako late ah."

"Sinisigurado ko lang. Mas mabuti nang nagkakaintindihan nu. Ayoko kayang pinaghihintay ako." sabi niya

"Aba! Ang taray nito ah."

2. Bawal ang bungangera.

"Hoy! Hindi naman ako bungangera ah!" sabi ko na medyo napalakas ang pagkakasabi ko.

"Hindi ba pabubunganga yang ginagawa mo ngayon?" sabi niya aba namumuro na tong lalaking to ah. Kung di ko lang to gusto sinapak ko na to eh.

3. Lagi dapat attentive kapag kelangan kita. 

"Attentive ako pero tamad ako magreply." sabi ko sabay irap sa kanya

"Okay. Basta tiyakin mong pupunta ka kapag tinext kita or tinawagan." sabi niya

"Whatever!" sabi ko

4. Bawal ang makipag-date sa ibang guy since nagpapanggap tayo na in a relationship.

"Sus! Ang daming alam siguro nagseselos ka lang kaya ayaw mong makipagdate ako." sabi ko

"Wow lang ha. Hindi nu! Wala akong gusto sayo nu. Hindi kita type. Tsk." sabi niya 

"Ouch sakit naman nun. Hindi nya ako type. Kakainin mo yang sinasabi mo kapag nakita mo ang kadyosahan ko." sabi ko sa isip ko.

5. At last, bawal ang lumabag sa lahat ng rules dahil kapag lumabag may katumbas na parusa.

"Wow ha. May ganun effect pa. Eh kung di ako pumayag anong magagawa mo?" sabi ko na nagtataray

"Wala ng atrasan at umo-o ka na ang gagawin mo na lang is pumirma. Yung lang." sabi niya 

"Ang dami mong alam! Okay fine. Whatever! Pero meron din akong isang kondisyon." sabi ko.

"Ano naman yun?" sabi niya 

(A/N: Hanggang dito muna. Sorry name-mental block kasi ako eh. >___< By the way wag kayong mag-alala mag-uupdate rin ako. Syempre dumadami na si readers eh. Salamat sa pagbabasa kahit marami kayong silent. Vote and comment kapag nagustuhan nyo yung Chapter na to. Hope you like it ^___^)

PS. Picture po nila sa right side. Hihihi. Why they gonna be so cute? ^____^

It's Started With A Lies (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon