Chapter 10. INLOVE

205 5 2
                                    

"No hug, no kiss at bawal MAINLOVE SAKIN! That's my only rule." sabi ko with irap pa. Hahaha.

"A-aba oo n-naman nu. Ano naman feeling mo maganda ka? Hindi ako magkakagusto sayo nu." aba! Ang yabang nito ah. Sisipain ko na to.

"Ang yabang mo naman! Bakit gwapo ka ba ha? Ha?!" sabi ko nagtatalo na naman kami nitong Mokong na to. Wala tong ibang ginawa kundi inisin at asarin ako. Nakakainis!

"Bakit hindi ba?" sabi niya na ang lakas ng self-confidence. Oo na gwapo na sya pero ang yabang naman! Dapat humble lang.

"HINDI! Ang panget mo nu." sabi ko tsaka ako umirap ulit.

"Talaga lang ha. Sus baka nga ikaw pa mainlove sakin eh." sabi niya na ngumingiti ng nakakaloko.

"H-hindi nu!" sabi ko na medyo na palakas sa pagsabi.

"Eh bat ka nauutal?" sabi niya sakin at nilapit nya ang mukha nya sakin. Ano ba namang lalaki to! Ang pogi. OMG. Ang landi ko. 

"Hindi kaya. Tsk. Nag-aassume ka naman na maiinlove ako sa tulad mo nu." sabi ko na medyo nagtataray para hindi naman ako mahalata.

"Sus. Denial." sabi niya na lang 

"Denial your face pirmahan na lang natin yang ginawa mong contract at syempre inadadagdag ko yung akin nu." sabi ko na hinablot sa kanya yung contract na ginawa nya.

"Okay. Tsk." sabi niya ang cute nitong lalaking to kapag nag-ts-tsk. 

"Mam, Sir, here's your order." sabi ng waiter na nasa harap na pala namin at inilapag na nya ang mga pagkain sa table namin at saka kami kumain.

*~~

After 30 minutes natapos din kami kumain hindi kami nag-uusap kanina habang kumakain kami basta kain lang ng kain at wala rin naman akong sasabihin sa kanya eh kaya wala rin.

"Waiter!" tawag ni James sa waiter siguro magbabayad na sya, lumapit naman sa kanya ang waiter.

"Yes Sir?" sabi nung waiter

"Here. Keep the change and here's your tip." sabi nya. Aba! Galante talaga tong taong to.

"Thank you Sir." sabi nung waiter tsaka umalis at ganun din kami umalis na. 

Nasa sasakyan nya na kami napakatahimik namin ewan ko ba may dumaan siguro na anghel. Mukhang seryoso lang sya sa pagmamaneho ako naman tumingin na lang sa bintana ng kotse nya. 

"Hmm~Mimi?" nagulat ako ng magsalita sya napatingin naman ako agad sa kanya.

"Ahm .. Bakit?" sabi ko sa kanya na parang nagulat din sya ano ba naman tong lalaking to. Ang gulo gulo ng ugali minsan mabait minsan nakakainis.

"Saan pala yung totoo nyong bahay? Kasi diba caretaker si Manang Lucing sa bahay na tinitirahan nyo ngayon?" sabi ni James na parang gusto malaman ang background ng buhay ko. OMG! Ito na ba ang simula ng lahat? Teka, teka saan nga ba ang sasabihin kong lugar? Ano ba yan hindi ko naready to ah. Isip , isip, isip, isip~~~ TINNGGGG!

"Taga-Pangasinan kami ni Nanay. Lumuwas si Nanay rito para magtrabaho tapos naiwan ako sa probinsya kasi nag-aaral pa ako. Tapos after kung grumaduate lumuwas din ako para nga tulungan din si Nanay." sabi ko. OMG. Grabe parang nakokonsensya na ako sa kagalingan kong magsinungaling. Huhuhu sorry James.

"Ahhh. Parang mala-pelikula pala buhay mo." sabi niya

"Oo nga eh. Ikaw ba? Mukhang hindi ka lumaki sa hirap eh." sabi ko kay James

"Ako? Oo hindi ako lumaki sa hirap kasi mayaman si Mama at Papa pero kahit ang dami nilang iniwan na pera at ari-arian sakin hindi pa rin ako masaya kasi nawala naman sila agad." sabi niya nang malungkot na nagkwekwento.

"Sorry ulit James ha." sabi ko na parang naguilt naman sa pagtatanong ko.

"Ulit?" sabi niya na parang nagtataka

"Oo kasi kahapon din nasabi mo nga sakin ang tungkol sa pagka-ulila mo. Sorry talaga." sabi na paulit-ulit kasi nalulungkot ako para sa kanya at mas lalo kung nararamdaman na gusto kong makasama tong lalaki na to.

"Sus. Wala yun. Oo nga pala nasan pala ang papa mo? Nasa probinsya ba?" pagtatanong nya sakin

"Wala na akong papa. Iniwan nya na kami maliit pa lang ako." pagsisinungaling ko mas lalo akong naguguilt sa ginagawa kong pagsisinungaling parang mahihirapan ako umamin pag nagkataon. Nai-inlove na kasi ako sa lalaking to eh kahit na palagi nya akong trip at inaasar. Hayyy ang hirap naman nito.

"S-sorry. Hindi ko alam na~" sabi niya na parang nagulat din

"Ano ka ba okay lang yun. Sus!" sabi ko na ngumiti sa kanya at nginitian nya rin ako ang pogi naman nitong nilalalang na to.

*~~

Nandito na kami sa tapat ng bahay ko.

"Tara, pumasok ka muna sa loob." pag-aalok ko sa kanya.

"Hindi na. Gabi na rin eh. Pakisabi nalang kay nanay mo na nauna nako." sabi niya

"Sige sasabihin ko." sabi ko sa kanya at saka ako lumabas ng kotse nya

"Sige salamat." sabi niya at saka ngumiti.

"Sige walang anuman. Ingat." sabi ko at saka rin ngumiti at ganun din sya at saka nya pinaandar ang kotse nya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay, pagkapasok ko si Manang agad ang nakita ko.

"Mam, nandyan na po pala kayo." sabi ni Manang

"Oo Manang aakyat po muna ako sa itaas pagod po ako eh." sabi ko na nakangiti hindi maalis ang ngiti ko ang saya ko ngayon ewan ko kung bakit. Ang sarap ng feeling ng ganito. Ang arap ng feeling ng IN LOVE.

(A/N: Sorry maikli masyado na kasi akong busy ngayon eh. Lagi na lang akong busy. Huhuhuhu. Pero don't worry mag-uupdate pa rin naman ako eh. Twice a week at saka kapag may free time. Vote and comment kung nagustuhan. Salamat. Hope you like it.^____^)

It's Started With A Lies (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon