Chapter 6. My Girlfriend

283 5 0
                                    

"Arte malinis naman kamay ko nu!" sabi ni James habang inaamoy ang kamay niya.

"Hindi kaya ang baho. Kadiri ka!" sabi ni Mia na umiikot pa yung mata habang sinsabi yun kay James

"OA! Hindi naman. By the way wala ng bawian. HAHAHAHA!" sabi ni James habang ang lapad ng ngiti

"BWISIT KA TALAGA KAHIT KELAN EH!" sabi ni Mia na napalakas sa pagsasalita kaya napatingin sa kanila yung mga tao sa restaurant.

"Sorry po nacarried away lang. ^____^V" sabi ni Mia na nakapeace sabay tingin kay James na nakatakip mukha nya.

"Bwisit ka talaga eh nu?! Kasalanan mo to eh." sabi ni Mia sa mahinang boses pero halatang nanggigigil kay James.

"Kasalanan mo yan. Ang ingay mo kasi nakakahiya ka." sabi ni James na hindi parin nagtatanggal ng kamay sa mukha sa sobrang hiya.

"Aba ako pang nakakahiya ah. Kasalanan mo yan kung di ka kasi nangungulit dyan edi sana hindi ako mag-iingay." sabi ni Mia na nakakunot ang noo.

"So, inamin mo rin na maingay ka?" sabi ni James na nakatakip parin ng mukha.

"Oo na! Dahil kasalanan mo yun! Tanggalin mo nga yang kamay mo sa mukha mo." sabi ni Mia 

"Ayoko nga. Nakakahiya ka kasi." sabi ni James

"Tatanggalin mo yan o hindi ako papayag sa deal mo? Sige ka." sabi ni Mia na nananakot

"Oo na tatanggalin na nga pero umalis na tayo rito. Nahihiya na ko." sabi ni James

"Aba! Ikaw pa nahihiya ah. Mas nahihiya ako nu. =____=" sabi ni Mia

"Oo na. Waiter!" sabi ni James

"Yes Sir?" sabi nung waiter kay James

"Here. Keep the change." sabi ni James sa waiter habang binibigay yung pera

"And here's your tip." pahabol ni James sabay tingin kay Mia

"(Ang yabang talaga. Eh mas mayaman naman ako sa kanya.)" sabi ni MIa sa isip nya.

"Thank you Sir! Please come again." sabi nung waiter na tuwang tuwa syempre may tip eh.

"Halika na." sabi ni James kay Mia

"Okay!" sabi ni Mia na nagtataray pa rin.

*~~

Paglabas nila ng restaurant nagdiretso sila sa parking lot dahil nagdala ng sasakyan si James. Binuksan ni James ang pinto ng kotse nya at saka pumasok. Ganun din si Mia dahil alam nya namang hindi gentleman tong si James.

Awkward .... Walang nagsasalita .... Nakakabingi ....

"Hmmm~~" sabi ni Mia na bumasag sa katahimikan nila

"Bakit?" sabi ni James kay Mia

"Hmm~~ Pwede bang malaman kung b-bakit ko kelangan magpanggap bilang g-girlfriend mo?" sabi ni Mia kay James na patuloy pa rin sa pagdri-drive.

"Kasi maraming mga pamilya na gusto akong maging mapangasawa ng mga anak nila magamit nila ang kayamanan ko at since alam nila na ulila na ako at ako na lang ang mismong namamahala sa mga ari-arian na naiwan sa akin ng mga magulang ko. Ayoko sa mga ganun Mimi ang gusto ko lang ay makahanap ako ng babaeng hindi pera ang habol sakin yung kahit hindi kagandahan basta totoo sa sarili nila. Yun lang at pag " sabi ni James habang seryoso lang sa pagkwekwento pero mahahalata mo na malungkot yung mga mata nya.

"Sorry James ha." sabi ni Mia ng makitang malungkot ang mukha ni James at nararamdaman nya kung anong nararamdaman ni James since pareho pala sila ng side na ayaw nila sa mga taong habol lang ay pera ang pinagkaiba nga lang nila ay hindi pa patay ang mga magulang ni Mia nasa States lang ang mga ito.

"Wala yun. Okay lang." sabi ni James na tumingin kay Mia at ngumiti ng may lungkot

"Basta sorry naiintindihan kita." sabi ni Mia na ngumiti rin kay James para mabuhayan ang loob

"Salamat ha." sabi ni James at muli itong ngumiti.

"Walang anuman." sabi ni Mia

"Bukas nga pala magkita tayo uli gagawa tayo ng contract para sa deal natin." sabi ni James

"Sige pero kelan nga pala ako magsisimula magtrabaho sayo sa company?" sabi ni Mia

"Actually pinag-iisipan ko rin yan kung pagtratrabahuhin pa kita bilang Secretary ko or hindi na. Since may sweldo ka naman sa pagpapanggap mo bilang girlfriend ko." sabi ni James

"Ano? Pero kasi~~" sabi ni Mia na naputol ang pagsasalita nya.

"Nandito na tayo. Pagiisipan ko munang mabuti magkikita pa naman tayo bukas eh. Wag kang mag-alala." sabi ni James na nakangiti si Mia naman ...

DUG.DUG.DUG

"(Hala. Ito na naman yung kumakabog na parang kabayo. Waaaah!)" sabi ni Mia sa isip nya

"O-okay." sabi ni Mia bumaba ng kotse si James at ganun din si Mia

Nang makababa na sila ...

"Oh paano pumasok ka na sa loob." sabi ni James

"Sige salamat at sorry kanina sa pag-iingay ko. Pasensya ka na talaga." sabi ni Mia

"Wala yun dapat masanay na ako kasi magiging girlfriend na kita." sabi ni James na ngumiti ng nakakaloko sabay akbay kay Mia. 

"Diba My Girlfriend?" sabi ni James na nakaabay pa rin kay Mia syempre si Mia hindi nagpapahaalata na kinikilig sya.

"A-a-ano ba. Yung kamay m-mo n-nga." sabi ni Mia na tinanggal ang kamay ni James pero talagang kinikilig sya sa sinabi ni James na "My Girlfriend" at sa pag-akbay neto sa kanya.

"Asus! Kinikilig sya. Hahahaha!" sabi ni James na tumatawa habang inaasar si Mia 

"Hindi nu. Umalis ka na nga! Ayusin mo yung contract na gagawin mo ha!" sabi ni Mia na kunwari nagagalit para lang maiba ang usapan at hindi sya mahalata.

"Oo na po. Kinikilig sya." pang-aasar ulit ni James

"Ewan ko sayo! Nababaliw ka na ata eh. Alis na! Chupi." sabi ni Mia

"Oo na aalis na. Thank you." sabi ni James kay Mia

"Babush and welcome!" sabi ni Mia at binuksan na ang gate

"Goodnight." sabi ni James

"Night!. Bye." sabi ni Mia at pinaandar na ni James ang sasakyan niya. Pagkaalis ni James nagtatatalon si Mia 

"WAAAAAAH! (Bakit ganto kinikilig ako? Bakit ba ganyan ka sakin James?! Ano ba?! Hindi pwede to) WAAAAAAH!" sabi ni Mia na naprapraning na sa kakiligan at sa nangyayari sa kanya.

Biglang lumabas si Manang dahil sa sigaw ni Mia ....

"Mam, ano pong nangyari bakit ka po sumisigaw?" sabi ni Manang

"Wala po Manang. Akala ko lang may ipis." pagsisinungaling ni Mia kay Manang.

"Akala ko po kung napano kayo eh. Tara na po sa loob." sabi ni Manang.

(A/N: Hanggang dito muna. Hihihi. Busy si Author ngayon eh. May pasok na bukas. =_____= Baka sa Friday na ulit ako makapag-update. Pero itratry ko parin. Dumadami na kayong silent readers ah. Comment naman kayo at vote kapag nagustuhan nyo. Salamat ^______^ Hope you like it.)

PS. Yung mga naka-parenthesis mga "bulong" po nila yun. Hahahaha! Dami ko alam. Tingin kayo sa right nyo sila Mia/Mimi at James ulit yan. Cute nila kasi eh ^_____^)

It's Started With A Lies (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon