Chapter 7 - The Game

5.6K 141 15
                                    

"Muli na namang naglalakbay ang iyong isip sa kawalan." I heard Aramis say and it made me turn to him, snapping out of my thoughts.

"Ha?"

"May problema ba?" he asked.

I shook my head. "Wala naman. Bakit?"

"Kanina pa kasi ako nagku-kwento rito pero hindi pa ko nakakakalahati ay bigla kang matutulala." sagot naman nya.

"Sorry." maikling sagot ko dito.

It has been two days since that call pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi nya. We would be meeting again soon.. Alam ko naman iyon. Eventually, alam kong maghaharap kaming ulit. And up to now, I'm still asking myself if I'm now ready to face him. Handa na nga ba talaga ako?

"Ashinyah." Aramis called again.

"Ah- ah, ha?" natatarantang lingon ko.

"Ayos ka lang ba?" he asked again, obviously getting worried.

"Ah, oo." I replied.

"Anong huling sinabi ko?" he asked again.

"Ko?"

"Huwag mo akong pilosopohin. Kung gusto mo ay iuuwi na kita sa inyo. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo at mukha ka ring walang tulog. Dapat sayo ay magpahinga." aniya.

"Uhh, I'm sorry. May mga bagay lang kasi akong iniisip." I admitted.

"Sa iyong trabaho ba iyan?"

"Ah.. oo e. Namimiss ko na ang tabaho ko pati na din ang atmosphere sa Manila. Gusto ko ng bumalik." sabi ko at biglang nagbago ang expression ng mukha nya at hindi ko na mabasa.

"Ah. Ganoon ba? Bakit hindi ka bumalik?" tanong nya.

I shrugged. "Hindi ko rin alam. Siguro ay dahil tinatamad pa ko?"

Binaling nya ang mukha nya sa kaliwa at tumitig sa malayo. "Kapag ba bumalik ka ng Maynila e, may tyansa pang bumalik kang muli dito?"

Malungkot akong ngumiti sa sarili ko, "To be honest, I don't really know. Pero malaki ang possibility na baka hindi na." pag-amin ko. "Alam kong magiging busy na ako at panigurado na hindi na ko magkakaroon ng oras para magbakasyon pa ng ganitong katagal."

Hindi ito sumagot at hindi rin ito tumingin sakin.

Bigla bigla ay may grupo ng lalaki ang dumaan sa harap namin, lahat ito ay mga naka jersey at shorts at mukhang sasali sa isang laro. Nang makita naman kami ng mga ito ay huminto ito sa tapat namin.

They all look familiar. Where have I seen them before?

Change and ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon