"Dyan ka nalang ba o gusto mo pang buhatin kita palabas?" biglang tanong ni Aramis. I realized that I spaced out for what he just told me at di ko namalayang nandito na pala kami.
"Why do I need to go out?" I asked.
"Ipapakilala kita sa pamilya ko." he announced casually kaya bigla akong nagpanic.
"What?!"
"Sabi ko-" I cut him off.
"I heard you. I mean, bakit mo ko ipapakilala sa family mo? At nakikita mo ba ang ayos ko?"
"Wala lang. Gusto ko lang makilala nila ang babaeng makakatuluyan ko." he answered and gave a shrug.
What?!
Magsasalita na sana ako pero pinagpatuloy nya ang sinasabi nya. "At hindi mo naman na kailangang mag-ayos pa. Maganda ka na. Baka kapag nagpaganda ka pa tulad nung itsura mo sa kasiyahan, ay tuluyan na kong mahulog sayo."
I felt my face heating up. Hindi ko na rin alam ang dapat pang-isagot ko kaya naman napakagat nalang ako sa labi ko.
"Wag mong kagatin ang labi mo. Pakiusap. Baka di ako makapag-pigil at mahalikan kita dito." sabi nya at umiwas pa ng tingin. Naramdaman kong mas lalong uminit pa ang mukha ko.
"D-amn you, Aramis! Shut up!" sigaw ko na.
Hindi na sya nagsalita pa ulit. Bagkus, hinila nya ang kamay ko para lumabas ako sa kotse. Hindi naman ako nasaktan sa paghila nya pero sakto lang ang pwersa para mapalabas ako.
When we got out of the car, walang pasabi na hinawakan nya ang kamay ko saka kami nagpatuloy sa paglalakad papasok sa loob ng bahay nila. Their house was big as our mansion. Sobrang classy ang dating ng bahay at doon pa lang malalaman mong hindi din talaga basta basta ang pamilya nila. Nakakapagtaka lang kung bakit mas nag-stay dito sa probinsya si Aramis e, halata namang afford nya ang manirahan at mag-aral sa Manila or even sa ibang bansa.
Agad kaming sinalubong ng mga maids nila. Bumati ito samin at bumati din naman kami pabalik. Tapos ay lumakad kami ulit hanggang sa makarating kami sa sala nila. Doon ay naabutan namin ang buong mag-anak nya na masayang nagki-kwentuhan at natigil lamang iyon ng makita nila kaming dalawa.
D-amn.
"Oh, you're home, hijo!" masayang bati ng Mommy nya sa kanya. Agad naman syang lumapit at hinalikan ito sa pisngi. Nagbigay galang din ito sa mga matatanaang naroon at binati nya rin ang ilan pang mga lalaki at babae na mukhang kasing edad namin.
"Pasensya na po at hindi ako nakauwi." sabi nya.
"Nako, wala iyon. Mahalaga ay ligtas ka at may mabait na nagpatuloy sayo." sagot naman ng isa siguro sa mga Tita nya.
"Sino nga pala itong magandang dilag na kasama mo?" tanong naman ng isa siguro sa mga Tito nya.
BINABASA MO ANG
Change and Chances
General Fiction"I would do everything to make you fall for me very hard, Ashinyah. Kaya ipagdasal mo nalang talaga na hindi ka mahulog sakin dahil hinding hindi kita paaahunin." I was completely dumbfounded. Wala akong nasabi na kahit ano pabalik sa kanya. And I k...