Chapter 8 - Questions

6.2K 187 21
                                    

Hindi nga sila nagbibiro ng sabihin nilang ilalampaso ako ni Tina sa laro na ito.

Tumira ako at sa kabuting palad ay hindi nya iyon nasalo kaya naman naka-score na naman ako. And for the nth time tiningnan nya na naman ako ng masama.

Sino ba kasi ang nagsabi na magpapalampaso ako?

I have been a varsity of volleyball since highschool.. up to now. Marami na kong nakaharap na magaling sa larong ito and well, I can say that Tina will be in the same level as them. Pero mukhang hindi din kami talaga naglalaro dahil sa kanina nya pa ako pinipisikal. Kung saan saan nya ipinatatama sa katawan ko ang bola leaving bruises in it.

And I have been holding my patience up to now.

Second set na ng laro. Nanalo ako sa unang set 25-20 ang score at mukhang hindi nya matanggap iyon. Add up the fact na chinicheer ako ni Aramis at inaasikaso ako kaya naman alam kong mas lalo syang nagagalit sakin.

At dahil naka-score ako, sa akin pa din ang bola. Unfortunately, nasobrahan ang tira ko kaya nag-outside at naka-score sya.

Ibinigay na sa kanya ang bola kaya sya ang tumira and this time pinatamaan nya ako sa ulo. Causing me to fall my butt unto the ground.

May ilang mga tumawa. Ngumisi naman sakin si Tina. "Pasensya na. Dumulas ang bola sa kamay ko." nakangising sabi nito. Tss.

Agad na tumakbo si Aramis papunta sakin at tinulungan akong tumayo. "Ayos ka lang ba?" he asked and I nodded. Itinayo ako nito sa sa pagkakatumba ko at pinagpagan ang damit ko. After that, bumalik na din naman ito sa pwesto nya.

At dahil outside ang bagsak ng bola, naka-score ako at ako na ang titira. Ibinigay na sakin ang bola so I started dribbling it and within seconds, inihagis ko ito at hinampas. Malakas ang pagkakahampas ko sa bola at aaminin kong,

I am aiming for her face,

and..

Bull's eye!

Maraming napasigaw ng sumakto ang pagkakatama ng bola sa mukha niya at natumba ito. Inside ang naging bagsak ng bola kung kaya't naka-score ako.

May ilang mga babae ang tumulong para maitayo si Tina pero nagalit sya sa mga ito kaya naman nag-alisan sila. Tumayo ito at tiningnan ako ng masama.

"Pasensya na. Dumulas yung bola sa kamay ko." sabi ko dito at nahalata kong mas nainis ito.

Dahil inside ang bola, ako pa din ang titira. Pumwesto na si Tina sa side ng court nya kaya drinibble ko na ulit ang bola. Inihagis at hinampas. Malakas muli ang pagkakahampas ko sa bola. Hindi na ako nag-aim pa ng kahit anong part ng katawan nya. Kontento na ko na nakapuro ako sa mukha kanina.

Change and ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon