Chapter 10: Tug of war

5.8K 79 8
                                    

Sorry super slow UD.

This is for my friend Ara and his boyfie. I love you both!

---

Mallory's POV

"How dare him talk to me! Ang kapal ng mukha niya! Nakakainis siya!" Sunod sunod kong pinaputok yung baril na hawak ko dun sa target ko. Yep. I know how to shoot and shooting is really one of my best stress reliever. My cousin introduced this to me when we we're high school and up to now ay gawain ko pa din.

After nung engagement ay hindi na ulit ako nagpakita sa kanila. I mean sa daddy ko, kay Nate at sa pamilya niya. In short, nag layas ako. Or should I say nagtatago ako?

I reached for my target na sinadya kong gawing picture ng mukha ni Nate. Bull's eye. I hit him right exactly on his forehead. Tinitigan ko ang picture niya, bakit ganun? kahit sa picture ang gwapo niya. Daig niya pa yung mga artista na todo gastusan ang itsura nila. Sabagay may pagkakahawig siya sa mga artista. Magaling umarte. Let me explain explain pa siyang letse siya! If I know planado nilang dalawa ng lolo niyang bestfriend ata si joker! Mga manipulador. Anong akala nila sakin? tanga tanga? uto uto? Pwes. Babaligtadin ko sila.

"You hit him pretty good." said by someone beside me. Ay may tao pala. Agad kong binitawan yung picture na naging gusot gusot dahil sa hawak ko at tinignan yung nag salita.

"Darren?!" Hindi mapakaniwalang tanong ko. Si Darren ba to o lahawig niya lang?

"The one and only." He boyishly said. Siya nga! How come? from being a pretty boy naging well hmm well built siya. He's totally hot!

"Wow. Just wow." I said na hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag puri sa kanya. Nag blush naman siya. Maybe nagbago nga ang  physical na itsura niya pero siya padin yung Darren na nakilala ko sa seminar.

"So....??" he said na nagpabalik sa katinuan ko. Grabe. Speechless ako sa ka gwapuhan niya. Ang swerte ko naman at napapalibutan ako ng mga beautiful creatures. Pwera lang sa kabayong Nate na yun!

"Teka lang ah, may lakad ka ba? binigla mo naman kasi ako!" I said trying to be sound funny. Hindi ako makaisip ng sasabihin nyeta naman oh!

"Hahahaha. Bat ba ganyan ka tumingin? Stop it. Hahaha." He said laughing na lalong dumagdag sa appeal niya. Nako nako, kung si Nate siguro ang kausap ko malamang sasabihin nun na "Ano ba Mallo, baka matunaw ang ka gwapuhan ko.." Pisti! Bakit ba napapasok siya sa utak ko..

"Okay. Nagulat lang talaga ko. What are you doing here? Are you stalking me?" tanong ko at sinadyang gayahin yung eksena ng pag uusap namin dati sa Seminar.

"Hahaha. Ikaw talaga puro ka kalokohan. Back to your question, it's  just happen na hilig ko din ang shooting." He said at kinidatan ako.

"Really? What a coincidence." I said at nilagyan ulit ng bagong picture ni Nate yung target board. Ngayon ko lang napansin na hindi pala naka ngiti sa picture na to, at parang galit siya or is it just my imagination? Agad kong tinulak palayo yung target dahil kung ano ano ang naiisip ko.

"Maybe we're just soulmate." Sabi niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Ano ba to?

"Ikaw talaga, since when na nagpapaniwala ka sa ganyan? Hahaha." I asked trying to hide my nervousness. Nasosobfahan ata ako sa pagkakape lately eh. Makapag milo na nga lang ulit!

"Since I met you." Sabi niya and this time ay nilingon ko na siya to check kung nagbibiro ba siya o may iba lang siyang kausap bukod sakin. Pero kami lang dalawa ang nasa arena at nakatitig siya sakin ng diretso. My heart beats fast. "Joke? Ara it's a joke for my life sake!" He said at tinaas pa ang dalawa niyang kamay. At dun ko lang napansin na nakatutok pala sa kanya yung baril na hawak ko kaya agad ko itong binaba.

His ways to SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon