Chapter 17: Conflicts

2.6K 61 0
                                    

Busy ako.

----

Mallory's Pov

Iba pala talaga yung feeling na mahal ka ng mahal mo. Hindi one sided lang. Walang mapag sidlan yung kasiyahan at mas lalo mo pa siyang minamahal dahil mahal ka din niya.

Iba ang pakiramdam ng inlove kayo sa isat isa. Ibang iba.

"Ang creepy ng itsura mo my labs. Anyare sayo?" bigla naman akong natauhan ng biglang sumulpot sa harapan ko ang lalaking siyang dahilan kung bakit mukha akong "creepy" ngayon.

"Alam mo okay na sana eh. Ang ganda na ng moment ko tas bigla kang  papasok. Timing na timing." nakaismid na sabi ko dito pero deep inside ay hindi pa din ako maka move on sa nangyari sa park. Sinabi niyang mahal niya ako. Mahal na mahal.

"Sunget ah. Meron ka? ay hindi na nga pala pwede. Menopause ka na nga pala." mapang asar na sabi nito, tinitigan ko ito ng masama ay ini amba sa ere yung throw pillow na hawak ko.

"Oh oh bawal yan. Bawak ka daw magalit sa sabi ni tita diba? masama yan sa twins natin." umiiwas na sabu nito sa akin, abat talagang dinamay pa ang mga anak namin!

"Hindi pa ako menopause! Hindi pa matanda!" gigil na sabi ko dito, ano bang alam niya sa ganun? nakakainis din talaga ang lokong ito.

"Biro lang. Anyway, papasok na ako. Kelangan na kasi ako ni Ethan. Alam mo naman ang nangyari dun diba.." sabi nito sa akin, at dun ko lang napansin na nakabihis pala siya. Papasok siya? iiwan niya ako? Oo nga pala. Muntikan na din kaming mag away ni Nate sa relasyon nila A. Umalis si A ng walang paalam, umalis siya na hindi man lang ako nakapag sorry at ni hindi man lang niya nalaman na may inaanak na siya, hindi lang isa kungdi dalawa pa.

"Hay, sige na nga. Damayan mo na ang kaibigan mo." sabi ko dito, kahit papaano naman ay naawa din ako dun sa isa. I know how it feels na iwanan ka ng taong mahal mo gaya ng ginawa sa amin ni mama.

"Im sorry babe, para din naman to sa future ni baby Nat & Nat." malungkot na sabi nito, teka Nat and Nat?

"Hoy anong pinag sasabi mo diyan?" matalim na sabi ko dito,

"Pangalan ng anak natin yun. Nat plus Nat equals NATNAT!" sabi nito, pangalan ng anak namin?

"Teka nga, pangalan ng mga anak natin? Ang pagkakaalam ko ay wala pa akong binibigay na pangalan sa kanila unless kung may iba ka pang anak!" sigaw ko dito, dyusmi alam ko namang sa anak talaga namin yun pero anong klaseng ama siya? bakit ganun ang ipinangalan niya sa babies namin?

"May problema ka ba dun? Nathalie at Nathaniel yun FYI, my labs." sabi nito ay lumakad na papunta sa pinto, sumunod ako.

"Pero bat Nat Nat? maguguluhan tayo niyan eh.." nakakainis ang mokong, ni hindi man lang ako kinonsulta sa pangalan ng mga anak namin. Kahit nicknames man lang sana pinaubaya niya na sa akin.

"Sige mag iisip pa ako ng iba. Lock the door okay? I love you." yumuko ito at banayad akong hinalikan sa labi, "I love you Nat Nat.." sabi nito at humalik sa di pa kalakihang tiyan ko." Mukhang mahal na mahal niya talaga kami.

"love you too daw daddy, and I love you." sabi ko dito at mabilis na hinalikan sa labi.

"Parang ayoko ng pumasok. Dito na lang tayo, padamihin natin sila diyan." nakangising sabi nito ay inginuso ang tummy ko.

"Hay nako, umalis ka na nga!" natatawang sabi ko dito at itinulak na siya palayo. Humirit ito ng isa pang halik bago tuluyang umalis and like he said at ini lock ko ang pinto.

His ways to SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon