THE BACHELORS' GAME
THE BACHRLORS' GAME
THE BACHELORS' GAMESupport me?
-----
Mallory's POV
"Sabi ng lumayas ka sa harapan ko eh!" bulyaw ko kay Nate na mukhang aso sa itsura niya. Hindi ko alam kung bakit nauumay ako sa mukha niya ngayon. Parang ang sakit niya sa mata.
"Ano bang problema mo? Ilang gani ka ng ganyan ah.. Nakakapikon ka na my labs ah!" sabi niya habang unti-unting lumalapit sa kama, namula naman ako ng maalala yung nangyari nung isang gabi. Papunta na sana kami sa pag-aano ng bigla ko na lang ako mahilo sa amoy niya. I know na bagong ligo siya that time pero ang sakit sa ilong ng amoy niya gaya ng sakit sa mata ng itsura niya ngayon.
Mabilis ko siyang sinipa ng makalapit siya sa kama at bumagsak sa matress sa lapag. Dun ko kasi siya pinatulog gawa ng ayoko talaga sa amoy niya.
"Bat ba ang bayolente mo? tss." nakakunot noo na sabi nito sa akin.
"Lumabas ka na sabi eh. Maliligo ako." sabi ko dito at binato ng ulan ng hindi pa din kumilos para lumabas.
"At bakit ako lalabas? kwarto ko to. Edi maligo ka pakielam ko." sabi nito at binato pabalik sa akin ang unan at buti nalang ay naka ilag ako kaya sa braso ko lang tumama.
"Fine. Kung ayaw mong lumabas ako na lang. Wag kang susunod." Pagbabanta ko dito at muling binato sa kanya ang unan.
Nang makalabas ako ng pinto ay narinig ko ang pagtama ng kung ano sa likod nito, "Argh lagi ka nalang may topak! Ayoko na!" narinig kong sigaw nito. At sa di malamang dahilan ay nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi niya. Ayaw niya na sakin? fine!
Halos isang oras akong nagbabad sa loob ng cr. Meron din kasing cr sa kusina at dun ako naligo. At sa buong oras ng pagligo ko ay wala akong naramdam na presensya ni Nate. Hindi kaya tinotoo nun ang sinabi ko? na wag sumunod? Hindi naman siguro siya ganun ka tanga kung hindi siya lalabas doon. Nagtapis ako ng tuwalya dahil nakalimutan koang roba sa kwarto bago lumabas. Naghanap ako ng anino niya sa kusina pero wala, I also checked the living room pero wala din. Isang lugar na lang ang hindi ko napupuntahan, nakaramdam ako ng kakaibang saya sa isiping andun pa din siya at hindi naman niya sinasadya ang nasabi niya kanina na ayaw niya na.
Nagmadali akong umakyat sa kwarto at nakangiting binuksan ang pinto, "Nate! ay?" ngunit nadismaya lang ako ng madatnang malinis at wala ni kahit anong bakas ni Nate sa loob. Iniwan niya talaga ko? Pero ni wala pa ngang isang lingo ang relasyon namin bilang mag-asawa tas iniwan niya na ko?
Habang namimili ako ng damit na susuotin ay dumapo ang tingin ko sa salamin, may maliit na kulay pink na papel doon. Wait. Sticky note ko yun ah! Lumapit ako sa salamin at kinuha ang nakadikit na piraso ng papel.
Call me as soon na mawala na ang topak mo.
Yun lang? yun lang ang nakaya niyang isulat? Hindi man lang niya ko aamuin? pinitik ko ang sarili ko sa naisip.
"Nasanay ka kasing hinahabol niya." malungot na sabi ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
---
Naisipan kong mag punta sa mall dahil baka mabaliw ako kung mag stay pako sa lugar na iyon. Naiisip ko lang yung aso na yun. Naupo ako sa may bakanteng bench malapit sa food court, naamoy ko ang mga pagkain at dun ko lang naalala na hindi nga din pala ko nag almusal at masyado naman ng late para mag lunch. Nagugutom ako sa amoy pero wala akong gana.
Inilapag ko ang mga paper bag na pinamili ko na puro damit ang laman, bumili din ako ng neck tie para kay Nate, nadaanan ko lang yun at saktong sale kaya binili ko din. Damn it why do I have to explain it anyway? Sumandal ako at pinikit ang mata. Nakakapagod din pala ang maghapong nakaupo sa bahay habang hinihintay ang tawag o txt man lang ng asungot na yun. Geez, hangang sa mall ba naman siya pa din ang naiisip ko? I must be crazy.
BINABASA MO ANG
His ways to Seduction
General FictionSide story po ito ng The Sexy Brute's Bedmate. Read nyo din po yun guise! ? ----- This is a story of a "perfect" girl who used to believe in the magic of love. Fairy tales and happy ending blinded her. Until she discovered that love is just a word t...