Haysss parang walang magandang nangyayari sa buhay ko. Pati na din sa mga kwento ko. Sad.
---
Mallo's POV
Ano ba kasing problema ng matandang iyon? Ang lakas lang ng sapak niya, una yung Lucy na hangang ngayon ay di ko pa din matandaan kung san ko nakita. At ngayon naman ay ginawan niya pa ko ng kwento na may kasama akong lalaki, yes lalaki nga ang kasama ko kahapon sa mall at siya yon.
"Babe, pasok na ko.." biglang bulong ni Nate na ikinagulat ko, naka lingkis na naman ang kamay nito sa akin.
"Sige na pumasok ka na." kunwaring pagtataboy ko dito at pinag patuloy ang pagtitiklop ng mga damit namin. Ayoko naman kasi na pati ito eh iasa pa sa room cleaner niya.
"Ahhh papasok na ko. Sarap.." Bulong nito, siniko ko ito sa tagiliran dahil sa sinabi niya, kalokohan talaga ng asawa ko.
"hahaha joke lang to naman. Hindi mo kasi ako pinagbigyan kagabi eh." Tumatawang sabi nito. Naalala ko tuloy yung pang aakit niya kagabi pero buti na lang talaga at napigilan ko ang sarili ko.
"Sarilinin mo muna yang nasa isip mo. Ayokong mahawaan ng kamanyakan mo ang mga anak natin." medyo natatawang sabi ko dito, sumibangot naman ito na halatang bag papacute lang sa akin.
"Sabi naman ng doctor pwede daw yun eh. Wala naman daw epekto yun sa kanila.." nakangusong saad nito.
"Umalis ka na nga." Pagtataboy ko dito, kahit naman ako eh gusto ko ding gawin yun pero nag aalala lang talaga ako sa babies namin. Mahirap na.
"Sige na babe, gusto mo samahan pa kita mag tanong sa OB mo eh. At alam mo bang mas matutuwa ang kambal pag naramdaman nila ang presensya ko sa loob mo." pangungulit nito,
"Siraulo! lumayas ka na nga! kung ano ano sinasabi mo! Alis!" inis na sigaw ko dito at pinagbabato ng unan. Bastos na lalaki!
"Hahaha eto na nga! I love you kambal, love you too mommy!" tumatawang sabi nito at tuluyan ng lumabas ng pinto.
Pasaway talaga ang lalaki na yun! I wonder kung san niya nakukuha ang mga pinag iisip niya eh.
Ipinag patuloy ko na lang ang ginagawa ko at inisip ang tungkol sa lolo niya, come to think of it. Galit siya sa tatay ko but still siya din naman ang may pakana ng problema ko noon, Hindi bat malulugi na ang company namin dahil sa pang gigipit ng mga magulang ni A at ang lolo ni Nate ang tumulong kay papa para mailigtas ito sa pagbagsak at ang kapalit nuon ay ang pagpapakasal ko sa apo niyang si Nate. Kaya bakit niya kami gustong sirain gayong kasal na kami ng apo niya. Yes galit siya sa amin ni papa dahil sa kumpanya but still tinulungan niya padin ito.
At kahapon, malaki daw ang kasalan ni papa sa kanya. Ang gulo ng utak ng matandang iyon.
Hindi ko namalayan ang takbo ng oras at tanghali na pala, nagtataka ako kung bakit hindi ako tinext ni Nate, he always reminds me to eat on time everyday but now? walang text mula sa kanya. He must be busy I thought.
Pumunta ako sa kitchen at ininit ang niluto ni Nate para akin, masarap talaga mag luto ang loko. Habang kumakain ay narinig ko ang pag beep ng cellphone ko kaya madali akong bumalik sa couch at kinuha ito. Unknown number?
Niloloko ka lang ni Nate. Hindi totoo ang pagpapakasal ninyo, gusto lamang niya makuha ang loob mo para tuluyan ng makuha ang kumpanya ninyo. Pumunta ka ngayon sa opisina niya and see it for yourself...
Naibagsak ko ang cellphone sa sahig not minding kung masira man ito. Sino ang nag text nun? Ang lolo niya? Pati ba naman apo niya sisiraan niya masira lang kami? Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko, alam ko na hindi ko dapat pag dudahan si Nate, hindi niya magagawa iyon. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko, nasasaktan ako kahit alam kong hindi naman iyon totoo. Damn it, isa lang ang dapat kong gawin para mapalagay ako.
BINABASA MO ANG
His ways to Seduction
General FictionSide story po ito ng The Sexy Brute's Bedmate. Read nyo din po yun guise! ? ----- This is a story of a "perfect" girl who used to believe in the magic of love. Fairy tales and happy ending blinded her. Until she discovered that love is just a word t...