Kabanata Katorse: Kalamay

6K 76 1
                                    

Hlioll

Maraming rason kung bakit nahulog ang loob ko kay Mallory. Marami akong kadahilanan kung bakit siya ang tinitibok ng puso ko. When I moved here, I didn't expect that I'll fall for her. Ang gusto ko lang naman is maka-move on at makalimot sa buhay ko noon...sa kung sino ako at kung ano ang trabaho ko dati. It was a not so decent job. Mabubuhay ka nga pero sa malaswang pamamaraan. Alam ko na hindi ako maiintindihan ng lahat but I swear, if sila ang nasa posisyon ko, mawawalan din sila ng choice.

Ginawa ko lahat ng 'yun kasi nagkamali ako or I don't know. Lumayas ako sa amin sa pag-aakalang malakas na ako at kaya ko na ang sarili ko. Turned out I was wrong after all. Pero wala naman akong pinagsisisihan eh. Ang pagkakamaling iyon ang bumuo sa akin. It made me who I am now. Ganyan naman diba, nagiging ganap tayong tao kung nalalampasan natin ang bawat pagsubok na sa ati'y binabato? You grow from all the adversities that you've been through. Isang malaking pagsubok ang napagdaanan ko. Kasalanan ko naman lahat pero hindi ko na lang iniisip 'yun. I'm trying to move forward and become better. Who I've been in the past shouldn't be the basis to who I'll be in the present.

Nasa bahay pa rin ako nina Mallory at Auntie Esmie at parang ayoko nang umalis dito. Parang gusto ko nang pakasalan 'tong binibining baby ko at gawing akin forever.

Umalis na nga pala 'yung asungot...ay este si Thaddeus. Akala mo kung sino eh. Pasalamat siya may awa pa ako kasi kung wala, naipadama ko na sa kanya 'yung sakit na pinagdaanan ni Mal 'nung nag-break sila. Gago 'yun ah. Amputaaaaa.

"Ano na, Hlioll? May kasalan na bang magaganap?" tanong ni Auntie habang nasa sala kami at nanunuod ng isang hollywood movie






"P--po? Kasal po agad? Depende pa po 'yan..." sabat ko sabay tingin kay Mallory




"Simula pa lang botong-boto na ako sa'yo. Sana ay alagaan mo 'tong anak ko kahit na minsan parang mas hayop pa sa animal ang ugali nito..." usal ni Auntie



"MOMMYYYY!!!!"  agad na nag-react si binibining baby ko




"Totoo naman eh. Diba? Basta magpakasal na kayo agad bago pa ako mamatay..." dagdag pa ni Auntie Esmie at sumimangot na lang si Mal





"Lagi na lang mamamatay na word ang lumalabas sa bibig mo. Mommy talaga! Bakit ka mamamatay eh masamang damo ka naman?" bigla akong natawa sa sinabi ni Mal kaso natigilan ako nang tinignan ako ng masama ni Auntie






"Ah gali? Wala ka karon pasalamatan sa nanay mo nga nagbun-ag sa imo ah!" sabi ni Auntie at hindi ko gets ang sinabi niya

Ano bang dialect 'yun? Bisaya?




"Mom's from Negros Occidental kaya Ilonggo siya. Sabi niya wala daw akong utang na loob sa kanya kahit na siya ang nag-luwal sa akin..." naging instant translator si Mal ko and I find it very cute





"Auntie, mag-iipon po muna ako bago kami humantong sa kasalan. Mahirap po kasi kung puro pag-ibig lang at wala akong ipapakain sa future family ko...." sabi ko at mukhang agree naman si Auntie








"So, anong plano mo? Maghahanap ka ba ng trabaho dito?" tanong niya








"I'm planning to open a small business po. May pera pa naman ako kaya baka magtatayo na lang po ako ng mini mart dito..." sabat ko at mukhang okay naman yata ang naisip ko







"That sounds good, babe. Bibili ako diyan araw-araw..." biglang sabi ni Mallory at halatang na-excite siya kahit drawing pa lang ang lahat








"Libre lahat basta ikaw, baby. Ganun ka kalakas sa akin..." sabi ko sabay kurot ng pisngi niya







"Asus. Ang sweet niyong mag-nobyo. Basta keep up the good work para magka-apo na ako at nawa'y kayo na talaga ang magkatuluyan..." at nagbigay na ng blessing niya si Auntie Esmie














"Thank you po, Auntie. Pangako, iingatan ko po ang anak niyo..." sabi ko at seryoso ako ah







"Buti naman kundi ako mismo ang puputol diyan sa putotoy mo..." sabi ni Auntie na tinakot pa ako HAHAHAHA

------------------------------------------------------

Mallory


Ngayon yata ang isa sa mga pinakamasayang araw sa buong talam-buhay ko. Hlioll is a great guy. He's my guy! Ewan ko ba basta ang saya ko lang na kami na.



Nakahiga lang ako sa kama suut-suot ang pajama kong pineapple ang design na kulay green. Ever since talaga miyembro ako ng kulto ng mga mahihilig sa pajama. HAHAHAHA. Madalang lang ako mag-shorts at kulang na lang pati sa pagmo-mall ay magsuot din ako ng pajama. Nanunuod ako ng baseball game sa tv,  New York Yankees versus Minnesota  Twins. Hinihintay ko kasing magtext si Hlioll kasi sabi niya kanina maliligo lang daw siya kaso almost two hours na wala pa ring text. Parang ang sarap nang lumusob sa bahay ni Ethias. Grrrrr.







Biglang tumunog ang phone ko and finally! Nagtext na sa wakas si Hlioll ko.







From: Putotoy

Binibining baby, buksan mo yung bintana mo...















Yep, Putotoy 'yung name niya sa phone ko. Wala lang...I just find it very funny eh.








To: Putotoy

Bakit ko naman bubuksan, aber? Baka may pumasok na mga lamok at ma-dengue pa ako noh...














From: Putotoy

Pambihira. Buksan mo na kasi...



























'Pag ako talaga na-dengue humanda 'to sa 'kin. Sino ba naman kasing siraulo ang magpapa-pasok ng lamok sa kwarto niya, diba? Kalerkeyyyy.







Pero dahil marupok ako, binuksan ko pa rin ang bintana ng kwarto ko and super na-shooktttttttttttttttttttttt ako sa nakita ko.












"Whoa...." ang tanging katagang nabitawan ko dahil sobrang namangha ako








Nakita ko kasi si Hlioll na inayos 'yung christmas lights para makagawa ng mga salitang I LOVE YOU. Ang sweet diba? Ang ganda tignan lalo na kasi nasa bermuda grass 'yung christmas lights. Simpleng gesture lang 'to pero 'yung marupok kong puso nagtata-talon sa kilig.












"MAL! BINIBINING BABY KO! I LOVE YOU EVERY SINGLE SECOND OF THE DAY, EVERY DATE OF THE MONTH, AND EVERY MONTH OF THE YEAR! ISAMA MO NA RIN PATI EVERY FULL MOON OF THE MONTH! Basta mahal na mahal kita..." pasigaw na sabi ni Hlioll mula sa ibaba at grabeeeeee






Alam niyo 'yung sobrang happiness at pakiramdam mo siya na si 'the one'? Grabe 'tong taong 'to. Parang ang sarap-sarap nang mabuntis kung siya ang tatay ng bata. Hihihi~






"Check mo 'yung pinaka-last na drawer mo..." sabi niya pa kaya ala flash akong tumakbo papunta sa drawers ko


























Natawa ako kasi may nakita akong brief na may nakasulat na MALLORY YSOBELLE DEFAREZ'S PROPERTY.






Baliw 'yun ah! HAHAHA. Pero tama nga naman...akin lang ang putotoy ko.

------------------------------------------------------

A/N: One week akong update kasi sobrang daming ganap, guys. Thank you as always sa patience. Lablab♥

Shoutout nga pala to Aquabluereese !

10/8/19
10:08 PM

The Condom King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon