Kabanata Dese-Otso: Moving On

4.9K 63 2
                                    

Hlioll

Hindi ako nakatulog at ngayon...almost 8 A.M na. Walang-wala akong gana para bumangon o gawin ang kahit ano. I just wanna lay down and feel this pain. Bakit ba ako nasasaktan eh kasalanan ko naman lahat? I was the one who lied in the first place kaya natural lang na pagdusahan ko lahat ng 'to. Pero gusto ko lang namang magbago eh. Bakit ang hirap-hirap?!



Maya-maya'y nakarinig ako ng katok sa pintuan and I freaking know who it is.


"Hey heartbroken boy. Huwag kang magpapakamatay ah. Mahirap na baka ako pa ang sisihin..." sabi niya at ang sarap-sarap batuhin ng unan itong mokong na 'to



"By the way, dadating pala mamaya 'yung kapatid ko. Wala ako dito kasi magtitingin-tingin ako sa mga lupain namin dito. Please accommodate her..." dagdag niya pa kaya mas lalo akong nainis

------------------------------------------------------

3:00 PM

Nakahiga pa rin ako at wala pa akong ligo at kain. I know this isn't healthy but who cares. Let me grieve for my broken heart.

"TAO POOOOOOOO!" may narinig akong sumisigaw sa baba


Hinayaan ko na muna kasi baka 'yung nagtitinda lang ng lugaw.



"TAO PO! MAY TAO BA DIYAN?????" muling tawag ng taong nasa ibaba


No choice ako at bumangon. I swear wala ako sa mood para kumain ng lugaw ngayon.



Naglakad ako patungong sala at badtrip na binuksan ang pinto. Siguro naman masarap 'tong lugaw. Kahapon kasi parang makakalimutan ko 'yung pangalan ko sa sobrangggggggg alat.


"Thanks for opening the door. It's so hot outside!" nagulat ako nang may nakita akong babae

Bading kasi 'yung nagtitinda ng lugaw eh.

"Do I know you?" tanong ko sa kanya

"I'm Culver's younger sister. My name's Heloise..." pakilala niya sa sarili at walang pasabing pumasok na sa bahay



Pareho silang pinaglihi sa gluta. Nakakasilaw sa puti 'tong babaeng 'to.


"Sorry. Sobrang init kasi kaya pumasok na ako. Sorry to bother you..." humingi siya ng paumanhin sa pagiging barumbado niya HAHAHAHA


"It's okay. I thought ikaw 'yung nagbebenta ng lugaw..." sabi ko at tumawa lang siya

"I don't but I love lugaw. Where's Culver by the way? Nagpapaka-busy siguro sa pagiging hambog?" pareho kaming natawa

Hambog kasi talaga 'yung mokong na 'yun.

"Siguro..." pa-safe kong sagot para walang world war

"Nahhhh. Feel free to say nasty stuffs about him. Ganun talaga 'yun. He's the most annoying man I know..." sabi niya pa and I'm kinda thinking she's cool

------------------------------------------------------

1/30/20
7:09 A.M.

The Condom King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon