Kabanata Kwarenta: Sumakabilang-BAHAY

4.2K 58 2
                                    

Hlioll

Tapos na akong kumain at nakapag-shower na rin ako. Nagsuot lang ako ng spiderman na pajama na hindi ko alam kung saan binili ni Auntie Esmie at nasa kwarto lang kami ni Mallory ngayon. Nanunuod siya ng Crash Landing On You ba 'yun...basta hit na koreanovela. Lumabas lang ako sandali at tumungo sa kwarto ni Auntie.

Makailang beses akong kumatok pero walang sumasagot kaya napilitan akong pumasok sa loob ng walang paalam. Lol. For sure papatayin ako ni Auntie the moment she sees me.

"Tao po? Auntieeeee!" tawag ko pero alaws pa ring sumasagot

[alaws- meaning wala pero binaliktad lang]

"HOYYYYYY! Anong ginagawa mo dito ha? Panira ka ng moment eh. Nagti-tiktok ako dito tapos sumigaw ka. Pinagpawisan akong i-memorize 'yung dance steps eh!" pinalo niya ako sa puwet

"Auntie naman! Hindi ka kaya sumasagot kanina. Akala ko kung nauntog na 'yang ulo mo sa banyo eh..." sabi ko sa kanya kaya mas nanggigil siya at pinagpapalo pa ako

"Abaaaaa! Walang untog na mangyayari kasi hindi pa ako ulyanin noh!" sabi niya at nagtata-takbo na lang ako para hindi niya mapalo

"Sa susunod hindi na auntie itatawag ko sa'yo, mommy na. Huwag mo na po akong paluin!" sabi ko

"Sinira mo ang tiktok moment ko tapos akala mo okay lang lahat? Ilang araw kong kinabisado 'yun!" ratatat ni Auntie at grabe syaaaaa

"Edi sorry na po! May itatanong lang naman po sana ako eh..." sabi ko kaya natigilan siya sa paghahabol sa akin

Hiningal pa ako ah. Ibang klase si Auntie! Kaya ibang klase din 'yung anak eh.

"Anong itatanong mo? Kung anong username ko sa tiktok?" tanong niya at minsan talaga ang feeler din ni Auntie HAHAHAHA

"Hindi po. I just wanna ask if gusto mong sumama sa bago naming bahay. Kasi po you're not getting any younger na rin and we also want to take care of you..." sabi ko sa kanya kaya biglang naging seryoso ang mukha niya

"Alam ko na nag-aalala kayo sa akin, toto. Kaso mahirap mag-adjust sa bagong bahay eh. Mahirap ang pagbabago. Hindi ako sanay sa mansion kasi hindi naman kami lumaki sa marangyang buhay..." sabi niya na naiintindihan ko naman

"Alam ko po ang gusto niyong sabihin. Minsan po kasi change is difficult to adapt. Pero gusto ko lang pong masigurado na safe po ang pamilya ko. Hindi na ho kayo iba sa akin eh. Ikaw po ang tumayong nanay ko nung wala akong kinilalang nanay..." sabi ko at pansin kong nagtutubig 'yung mga mata niya

"Grabe naman 'yan. Ayokong umiyak eh!" sabi niya at kahit anong pigil niya ay wala na siyang nagawa nang tuluyan ng may pumatak na luha

"It's okay, Auntie. You'll be fine. Gusto ko lang kasi na sama-sama tayong lahat. We value you so much that we want you there..." sabi ko at niyakap niya lang ako

"Okay toto. Sasama na ako basta..." hindi niya natapos ang sasabihin niya

"Basta ano po?" curious kong tanong

"Basta sasama ka sa isa kong video sa tiktok..." sabi niya at nagtawanan kami

"Auntie talaga. Syempre naman po. Malakas kayo sa 'kin eh!" sabi ko and for sure matutuwa si Mal sa sasabihin ko sa kanya

------------------------------------------------------
4/29/20
2:18 PM

The Condom King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon